Lumapit kami ni Ina kay eomma at sinalubong siya ng yakap. She kissed our hair at sinamahan kaming umupo sa kama nila ni papa. "Kamusta puso mo mama?" tanong ni Ina.

"Okay lang ako, kambal ko. Namiss ko kayo." ani mama at niyakap kami ni Ina.

 "Mahal ka namin mama. Nangako ka diba?" sabi ko sa kanya habang nangingilid na ang luha ko.

"Of course, baby. I'll live pa. Bata pa si eomma kaya malabo yun. Nagkasakit lang si eomma pero she's healthy na as a bull." ani mama na para kaming bata pa rin.

"I love you all. Hindi ko pinagsisihang pakasalan ang papa mo ng paulit-ulit kahit napahamak tayo dahil sa kagwapuhan niya." ani mama at nagtawanan na kami.

 Nakita ni mama ang gitara sa likod ko kaya bumitaw siya sa amin ni Ina at tinignan ako. "Can you play that, sweety?" tanong ni eomma sakin.

Tumango ako at nagsalita, "Yung favorite mo pa lang ang namamaster kong kanta, ma. Okay lang ba?" tanong ko.

Tumango naman siya tsaka ko kinuha ang gitara sa likod ko. Ipinatong ko ito sa hita ko tsaka sinimulang mag-strum. Pumikit si mama na pinanood naman ni Ina. Bumaling ako sa gitarang kinakalabit ko lalo na nang marinig kong kumanta si mama.

"Oh, thinkin' about all our younger years

There was only you and me

We were young and wild and free."

"Now nothing can take you away from me

We've been down that road before

But that's over now

You keep comin' back for more."

Pumikit na rin ako habang dinadama ang tunog ng boses at gitara saka namin sinabayan ni Ina si mama sa pagkanta.

"And baby you're all that I want

When you're lyin' here in my arms

I'm findin' it hard to believe

We're in heaven."

"And love is all that I need

And I found it there in your heart

It isn't too hard to see

We're in heaven."

Tumigil ako sa pagkalabit ng gitara nang tumigil na rin sa pagkanta si mama. Niyakap niya kami at hinalikan sa noo. Saka naman kami nagpaalam ni Ina nang mapansing napapagod na si mama. 

Eomma suffered from a heart disease our grand father once had. Naagapan naman agad. Muntikan na rin ulit sila maghiwalay pero matagal na yun. Mga 3 years old ata si Zion Andrei nun. Nagsawa si papa sa pag-aaway nila ni mama kaya ayun iniwan niya kami saglit.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now