Observation 1

Magsimula sa umpisa
                                    

‘Talaga? Hindi ko pa nakita…’ sagot ni Angel ng hindi makapaniwala

Psshhhh.. Sinungaling! Nakita ko kaya kanina ito ng dumating sa school at agad pumunta sa bulletin board kung saan nakapaskil yung list ng ranking. Naka-ngise pa nga e. ‘Oo..at nasa top 5 ka!’ sabi ni Rika habang pumapalakpak.

'Ang talino mo talaga.' sabi ng iba pang estudyante. 'Hindi naman...naswertehan ko lang siguro.' At maya't maya ay nagkumpulan na lahat papunta kay Angel at halos mga lalaki ang nakapalibot. Yong mga natira naman ay may sari-sariling diskusyun habang nakatingin ng masama sa direksyun ni Angel. Tsk. Tsk. Mga tao nga naman o.

Recess... 

After kung kung kumain ng madalian sa cafeteria dahil pinaalis ako ng mga first year na estudyante...Well, not actually pinaalis pero yun yung vibes na pinaparating sa aken, titingin sila sa aken and then tatawa, mga grupo sila ng babae.

Naranasan niyo na ba ang ganun? They'll look at you then laugh with their friends? Mase-self conscious kana lang bigla, baka kasi may dumi sa mukha mo or may mali kang ginawa na nakakatawa sa paningin ng iba.

Sa bawat eskwela sigurado akong may mga ganitong klase ng estudyante. The Popular Crowds, the Bullies, Nerds or Geeks, mga paCool, Sports Players, Loners, at teacher’s pet; pero syempre marami pang iba depende na yan sa mga mag-aaral.

Bumwelta ako and i glared at them at sabay sabing 'Bunganga niyo isara niyo.' tumahimik sila at hindi makatingin sa akin at saka humingi sila ng sorry at kumaripas sila ng takbo.

Well, magagawa ko yan siguro kung kung naghahanap ako ng away pero hindi yan nangyare. Wala akong sinabi dahil tumayo nalang ako at naglakad palayo sa kanila. Ayokong matambangan sa labas ng school, o di kayay ma-bully ng physical or verbally... Kung mabully man, okay lang sa aken ang verbal bully since i don't take it seriously, paki ko sa mga sasabihin nila sa aken - hindi ko aaksayahin ang oras ko sa mga asar nila sa aken. Kaya pag may mga ganito na nangyayare sa aken ay kunwari natatakot ako sa kanila at aalis sa daan nila o di kaya’y ini-ignora ko na lang. I'm not that stupid to put myself in danger for petty things. There are more important things than paying attention to them; like observing their behaviour and watch every ones drama.

Words are powerful. At totoo o yun, dahil ang physical ay halos pang outer appearance lang pero ang verbal words. Feeling ang nasasaktan at ito ang pinakamahirap gamutin, ang sugat sa katawan ay gumagaling pero pag ang puso ang nasugatan...? Oo gumagaling ito pero depende sa tao becasue there are some people that can never be heal dahil masyado ng malalim ang sugat nila.

Nagpunta ako ng restroom para gawin ang personal na bagay na hindi niyo na kaelangan malaman...I just need to pee okay, not the other one. Habang nasa stall ako ay may pumasok na grupo ng mga babae at nagstart silang mag-chismisan. 

Oi nice! Ano na naman kaya pag-uusapan ng mga to? Pasensya na pero may pagkachismosa ako pero hindi ko naman pinagkakalat ang naririnig ko.. I just add it in my journal.  

'Grabe! Naasar na talaga ako sa babaeng yon.' sabi ng isa sa kanila.

'Ayoko talaga sa Angel nayan.'

'Angel...more like a Devil, nakita mo ba kaninang umaga...Nakikipag-landian na naman sa mga lalaki.'

Ahy, ano ba yan! Mga complains lang pala at pagka-inggit, ganyan talaga ang tao kapag may kina-iingitan. Pagsasabihan nila ng masamang salita and point the things they don't like about that person to make their self better. 

'Oo. nga may pa-humble effect pang nalalaman. For sure nakikipag-plastikan lang yan, kungwari mabait.'

 'Speaking of plastikan, how about her so called bestfriend na si Rika'  

Meet The Observer ONHOLDONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon