Chapter 1

6 0 0
                                        

Aleyna's POV

"Kari, ano um gusto ko lang nmn sabihin na...gusto kita and..." Sh*t "Uhm...sana tanggapin mo yung feelings ko..." Hindi ako makatingin kay Kari ng maayos. P*ta ang akward. Narinig ko ang paglabas ng hangin galing sa kanyang bibig.
"Fine, tanggap ko feelings mo" pagkatapos niya magsalita ay umalis na siya sa paningin ko. Wait... ayun lang reaction niya?

"Oh ano par? Kayo na ba?" Napasigaw ako nang biglang sumulpot si Karl. "Tanginuh mo! Nakakagulat kang kupal ka!" Pinaghahampas ko siya ng bag ko.
Since magaan naman bag ko madali ko itong nahahataw sa kanya. "Tara na nga! Asan na sila Leyon?" Pagkatanong ko, bigla namang sumulpot ang buong tropa. Umalis na kami sa rooftop ng school at pumunta sa paborito naming restaurant. Masarap ang pagkain dito kaya dito kami laging pumupunta. "Ano na? Nasabi mo ba feelings mo sa kanya?" napatingin ako kay Matt na kanina pang tahimik. Tumango na lang ako at nagsimulang kumain.

Pagkatapos naming kumain ay nagsiuwian na ang iba naming kaibigan. "Mga mangiiwan" bumulong ako sa sarili ko nang biglang may tumawa sa gilid ko. "Ay put*. Karl! Andito ka pa pla?" Tumawa na lang siya at tumango. "Hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya. "Uuwi na. Tara sabay ka na." sagot niya. "Wews! Ayoko nga. Baka may mangyari pa saakin. JK." Palabiro kong sabi. Tumawa na lang siya. Mayamaya pa ay tumayo na rin siya at nagpaalam. "Alis na ko par. Baka malibing ako ng di oras dahil sa magulang ko." Haha. "Sabay na ko" sabi ko
"Akala ko ba ayaw mo?" tanong niya habang tumatawa. "Akala mo lang yun. Haha. Joke lang yun syempre." Tumayo na rin ako at sabay kaming lumabas. Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso na ko sa kwarto at naghandang matulog.

*Riiiiiiing!* Nagising na lang ako sa maingay na tunog ng aking alarm. Tanginuh! Sino ba kasi naglagay ng alarm clock dito? Pinatay ko na ito at bumangon. Sarap ng tulog ko eh. Pumunta ako sa banyo at nagsimulang mag ayos para sa school. Nangmatapos ako ay bumaba na ako para magalmusal. Pagtapos ay lumabas ako ng bahay, nakita ko si Kari sa tapat ng bahay. Wait... si Kari? Holy sheyt. Kinuha niya ang bag ko "Tara na" sabi niya at nagsimulang maglakad. WTF? Sinundan ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa school.

Pagdating namin ng school ay pinagtitinginan kami ng lahat. Hala... Famous nga pala itong si Kari. Paano ba nmn kasi... gwapo na nga matalino pa. Ayan na. Naririnig ko na ang mga bubuyog. "Hala girl, si Kari kasama si Aleyna. Payag ka ng ganun?" 'bulong' ni Pruce. "What? That bi*ch!" sigaw ni Jein. Lalapit na sana siya ng pigilan siya ni Pruce at niyaya na siya sa kanilang klase. Phew! Buti na lang umalis na sila.

Pagbukas ni Kari sa pintuan ng classroom namin, nanahimik ang mga tao sa loob nito.
Lahat sila ay nakatingin saamin. Pulang pula na ang mukha ko dahil sa hiya. Dirediretso si Kari sa upuan ko at doon niya nilapag ang bag ko. Nang ilapag niya ito, umalis na siya sa classroom. Ano ba yan! Di man lang nag goodbye. Dumiretso na rin ako sa upuan ko dahil magsisimula na rin ang klase.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Dec 05, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

COFFEEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora