Tula Para Sa Kanya #02

23 3 0
                                    

Isinantabi man ang aking nararamdaman
Hindi ko parin maiwasan
Na mahulog ng paulit ulit
Hanggang masanay na sa sakit

Kahit na walang maidudulot na maganda
Ang pagmamahal ko sayo
Ngunit hindi ko naman kaya
Kung susuko nalang ako

Kung kaya't umamin na ako
Umaasa na sana pansinin mo
Ang matagal ko ng tinatago
At ang palihim na pagtingin ko

Alam mo ang feeling ng ma-reject at iwanan
Ngunit noong umamin ako
Ako'y iyong iniwan at sinaktan
Pinakamasakit ay ang pinaasa mo pa ako

Masakit mang bumangon
Gumawa ako ng paraan upang lumayo sayo
At upang makapag-move on
Kahit ang totoo ay hindi naman naging tayo


*******************
Sa totoo lang, hindi naman ako mahilig gumawa ng mga tula kaya pag-pasensyahan niyo na kung hindi masyadong magaganda ang entries ko. Basta nagsusulat ako with feelings.

Mga Tula Para Sa KanyaWhere stories live. Discover now