Infairness gwapo nga ito.

“So, kayo bakit kayo nandito?” tanong nito.

“Nanonood din kami ng laban. School namin yun syempre” sagot niya.

“Matatalo naman ang school niyo”

“Excuse me Miss pero hindi niyo ba nakikita na lamang kami sa inyo?”

“Lamang lang kayo dahil si Kuya lang ang halos gumagalaw sa team namin. Hintayin niyong pumasok jan sina Earl at Nigel” turo nito sa dalawang player na nakaupo lang sa bench.

Yung isang player halatang gustong-gusto ng maglaro dahil mukhang kinukulit na nito ang coach nito na ipasok ito sa game. Yung isa naman mukhang walang pakialam.

“Sila ba ang star player niyo?” tanong ni Queen.

“Hmm…siguro…di ako interesado sa kanila eh.”

Biglang nagtawag ng time-out ang Riverdale. Substitution. Ipinasok na nga ang dalawang lalaking sinasabi ng babaeng kausap nila.

“Ayan matatalo na kayo. Mukhang nakulitan na si coach kay Nigel”

Tinutukan nga nilang maige ni Queen ang laro. In just 5 minutes sampo na ang lamang ng Riverdale sa Crenshaw Heights. Mga halimaw yata ang mga player ng kabilang school dahil mula ng maipasok ang dalawang lalaking iyon, even the other players ay halatang ginanahan maglaro.

Nang maideklarang tapos na ang laban ay nanalo ang Riverdale.

“Congratz”  bati nila ni Queen sa babaeng kausap.

“Hindi naman ako ang naglaro kaya di niyo ako dapat binabati.”

“Ahmmm…okay”

“Ako nga pala si Brylle. Infairness ah hindi naman pala lahat ng estudyante ng Crenshaw Heights ay nakakairita” pakilala nito.

Hindi niya alam kung matutuwa ba sila sa sinabi nito o maiinis. Halata kasing hindi nito gusto ang mga estudyante sa school nila. Pareho sila, hehe.

“Ako naman si Queen. At eto si Jiyeon”

“Nice to meet you”

“Same here”

Palabas na sila ng gym habang ang ilang mga estudyante ay nagkakagulo sa paglapit sa mga players ng may tumawag sa kanila.

“Hey Jiyeon…nanood ka din pala ng laban namin” bati ni Rodjun ng makalapit.

Kinilig naman siya bigla dahil hindi niya inaasahan ang paglapit na iyon ni Rodjun sa kaniya. Umikot naman ang eyeballs ni Queen. Samantalang ang babaeng kasama nila na si Brylle ay inayos ang suot nitong cap upang takpaan ang mukha.

“Ahhh..oo wala naman kasi akong gagawin eh”

“Thanks ah…saying natalo kami”

“Practice match palang naman eh”

“Oo nga..babawe kami sa susunod” napatingin si Rodjun kay Brylle. Halatang umiiwas naman ng tingin si Brylle.

“Gabrielle?” tanong ni Rodjun at tinitigang mabuti ang babae. Umiwas naman ito ng tingin.

“Hindi ako si Gabrielle” sagot nito.

Biglang tinanggal ni Rodjun ang sumbrerong suot ni Brylle. Ganun nalang ang gulat nilang dalawa ni Queen dahil napakahaba pala ng buhok nito. At napakaganda nito. Mukha itong manika. Saying nga lamang at mukhang nagging tomboy pa ito.

“Sabi ko na ikaw yan eh. Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Rodjun.

Magkakilala ba silang dalawa?

Binawi naman ni Brylle ang sombrero at muling isinuot.

“Syempre nanood ng game. Wala ka paring binatbat kina Kuya Treb, Rodjun”

Inakbayan naman ni Rodjun si Brylle at pabirong inipit ang leeg.

“Tsamba lang yun”

“Aray ano ba?!”

Teka…mukhang super close silang dalawa ah? Sino ba si Brylle?

“Another karibal” bulong sa kanya ni Queen. Sinaway naman niya ang kaibigan.

“Hey Rodj!” biglang lumapit ang mga player ng Riverdale Vista rito.

Hala ka baka magkagulo dito.

“Bro!!” biglang nagyakap ang dalawang lalaki.

Magkakakilala din sila? Napapalibutan siya ng mga gwapo..hehe.

“Congrats ah” bati ni Rodjun “Wala paring kupas”

“Ikaw din” sabi naman ng isang lalaki. Sa pagkakatanda niya ito ang captain ng Riverdale.

“See you at the real game Tol” sabi rito ng lalaking kasama ni “Captain”

“Yeah…kayo din Nigel, Earl…anyways…look who I found here” ani Rodjun at biglang hinila palapit si Brylle.

“Oi Brylle anong ginagawa mo dito? Akala ko ba hindi ka manonood” tanong nung captain.

“Pinaulanan ako ng death threats nila Pepper at Hershie kaya napilitan akong pumunta” 

Biglang tumawa naman si Rodjun.

“Dapat pala rito kay Brylle sinisindak eh” napatingin sa kaniya si Rodjun. “Guys, I’d ike you to meet my schoolmates…this is Jiyeon…and her friend---“

“Queen”

“Yeah..her friend Queen” pakilala ni Rodjun sa kanila. “Jiyeon, Queen..this are my friends in Riverdale…Treb, Nigel and Earl….and this little girl here is my cousin Gabrielle”

“It’s Brylle”

“Whatever”

Kinamayan sila nung Treb. Ngumiti naman si Nigel at tango lang ang isinagot sa kanila nung Earl. Mukhang suplado ito.

“Hello” kiming bati ni Jiyeon.

“Hi nice to meet you.”

“So Paano ‘tol..mauna na kami sa inyo..see you again next time…punta ka sa bahay” paalam ni Treb.

“Yeah..I will..Earl..ingatan mo ang pinsan ko” bilin nito.

Tinanguan lang ito ni Earl. Binelatan naman ito ni Brylle.

“Nice to meet you Jiyeon, Queen…Sana magkita ulit tayo” paalam sa kanila ni Brylle.

“Oo nga..sige ingat kayo” sagot ni Queen.

“Jiyeon…goodluck sa crush mo” nang-aasar na sabi pa nito bago tuluyang sumunod sa mga kasama nito.

Namula naman ang mukha niya sa sinabing iyon ni Brylle. Mukhang narinig nito ang pinag-uusapan nila ni Queen kanina. Nakakahiya!!!

“Crush?” tanong ni Rodjun.

“Ah…wala yun…sige..mauna na din kami” paalam niya at hinila na palabas ng gym si Queen.

Naiwan namang sinundan nalang sila ng tingin ng binata.

= = = = =

Young Millionaire's Club : RODJUNWhere stories live. Discover now