Untitled Part 1

168 7 0
                                        

Pasado ala-una y media na ng hatinggabi pero hindi pa rin ako dalaw-dalawin ng antok. Kanina pa ako nagpapabiling-biling sa higaan, gumamit na rin ako ng eye mask para pero wala ring nangyari. Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Mukhang mahaba-habang gabi na naman 'to.

Napatitig na lang ako sa kisame at hinayaan ang diwa kong maglakbay. Sa gitna ng tahimik na gabi, habang nahihimbing na ang karamihan, hindi ko mapigilang alalahanin ang nakaraan.


Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay matapos ang huling klase ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay matapos ang huling klase ko. Maaga ang awas ko dahil first day pa lang. Puro course syllabus at grading system pa lang dinidiscuss ng mga prof ko. Medyo boring pero at least madaming free time.

Mabilis akong nagligpit ng gamit at dumiretso sa dorm na nakatalaga para sa mga atletang kagaya ko. Third year high school pa lang ako nung ma-recruit ng La Salle at ngayon ang first day ng training namin. Pero magkakaroon muna kami ng orientation para sa mga bagong recruit. Doon din namin personal na makikilala lahat ng official members. Sa facebook page at GC pa lang kasi kami nagkakila-kilala. So far, masasabi ko namang mukang mababait silang lahat. Although, nung naglipat ako kasama sina kuya kahapon ay iilan pa lang talaga silang nakita ko ng personal.

Pagkarating ko ng dorm ay agad akong nagbihis. Pagkatapos ay naglagay na rin ako ng cattleya notes at ballpen sa bag dahil baka may importanteng sabihin si coach. Mabuti na 'yung handa. Syempre, hindi ko nakalimutan ang training essentials na towel, pamalit at tubig.

Bagaman kabado, excited akong nagpunta sa gym. Sakto namang pagdating ko ay hindi pa ganun kadami ang tao. Karamihan sa nadatnan ko ay mga frosh din na kagaya ko, na nakatambay sa bleachers sa bandang gitna.

"Aga natin ah." Bati sa akin ni Camille nung makalapit ako sa kanila. Isa s'ya sa mga batchmates ko na mabilis kong nakapalagayan ng loob, dahil na rin siguro sa parehas kami ng music taste. Nagkataon pang kapatid nila si ate Cha na sobrang idol na idol ko. Sadyang medyo hirap lang akong sinuhin silang magkakambal pero halos lahat naman kami sa team nalilito. Si coach lang yata ang hindi.

"Kayo din naman." Simpleng sagot ko habang nakatuon sa ibang tao ang atensyon ko.

Napukaw n'ya agad ang pansin ko. Sa itim na itim n'yang buhok at makinis na kutis ay sigurado akong walang maipipintas ang sinuman. Kahit nakaupo ay halata ang tangkad n'ya dahil na rin sa haba ng mga binti n'ya. Para s'yang anghel na nakikipagtawanan sa iba naming teammates, walang kaide-ideya na may isang taong napako sa kinatatayuan n'ya nang dahil sa kanya.

"Nga pala, Mika, si Ara. Ara, si Mika." Naputol ang pagde-day dream ko nang ipakilala kami ni Camille sa isa't-isa.

"Hello." Masiglang bati n'ya sa akin. Ako naman ay napangiti lang ng tipid.

"Di ba ikaw 'yung MVP nung milo olympics?" Naka-ngiting tanong n'ya. Napakunot naman ang noo ko. "Hindi mo na siguro ako tanda pero nagkalaban tayo dati."

Over Again (Edited version)Where stories live. Discover now