“Nyaaaaah~!” ginaya ni Maki ang tili ko in a sarcastic tone. “Para ka talagang nasa isang anime, nako, nako, nako...”

“Maki-chan~!” I pouted at her. “Bakit mo ba kasi ginawa iyon sa akin, ha? Alam mo namang malakas ang kiliti ko dun, tsaka, well, ayokong may kumiliti sa akin dun sa part na iyon.”

“Sorry, E-ri-su-chan,” Maki emphasized what sounded to be the Japanese transliteration of my name, complete with a honorific. Minsan talaga may bahid ng pagka-sarcastic itong si Maki. But I understand that it’s her way of communicating with me. Tsaka hindi naman siya gaanong nakakainsulto para sa akin. Di tulad ng iba diyan! “It’s now my way of greeting. Masanay ka na, heheh.”

“Geez, Maki-chan!”

“Nga pala, Rydia,” tumingin si Maki sa best friend ko. “Okay na ba?”

Anong okay na ba? Bakit parang wala akong nalalaman dito? “Okay na ang lahat,” tumango si Rydia sabay ngiti. “Tayo-tayo na lang ang kulang.”

“Uy, uy, ano yang pinag-uusapan niyo?!” Eto ako, isang nawawalang kabute.

“Basta.” Wait, Maki! Ang vague naman ng sagot mo!

“Hindi ko maimagine kung ano ang isusulat nina Sheen at Lamont doon,” tawa ni Rydia.

“Rydia!” Maki warned her. Ano ba talaga yung pinag-uusapan nila? Sulatan? Anong klaseng sulatan? Isang malaking kaguluhan ito!! Ginagawa ba talaga nila ako isang nawawalang kabute?!

“Rydia, ano ba yung ibig mong sabihin—“

“Hello.” Ay, naku! Wrong timing naman itong si Lamont! Teka, ano yung dala-dala niyang Ziplock?! Teka, bakit parang puro tsokolate ang nasa loob?!

“Oh my God, Lamont, ano iyan?!” lumaki ang mga mata ni Maki nang makita niya ang laman ng Ziplock na dala-dala ni Daddy—este, ni Lamont.

“You have eyes,” sagot ni Lamont. Hay naku, ginagawa niyang Captain Obvious si Maki.

Maki rolled her eyes. “Chocolates. I know. Pero saan mo nakuha iyan?”

“Nang umuwi kasi yung Daddy ko, marami siyang dala-dalang imported chocolates,” paliwanag ni Lamont, sabay upo sa isang malapit na upuan. “Sabi niya na i-share ko daw yung ibang chocolates dito sa mga kaklase natin. Kaso nga lang, parang ayaw nilang kumuha...”

“Try handing them out,” Rydia suggested. “Baka nahihiya silang manghingi sa iyo, ganun.”

“Okay,” tumango si Lamont. “Kayo muna ang bibigyan ko.” Kumuha siya ng ilang piraso ng imported chocolates sa loob ng Ziplock. Napansin ko: may brand ni Willy Wonka dito! Pati Butterfinger!

Otou-san! Otou-san! Gusto ko yung may Willy Wonka!” ang lapad ng ngiti ko sa kanya.

“Oh, eto,” binigyan niya ako ng isang piraso ng Willy Wonka chocolate.

“Eto lang?!” nagpout ako sa kanya. Kasi gusto ko pa ng chocolate.

“Sapat na sa iyo iyan,” matipid niyang sinagot.

“Weh. Gusto mo lang makakuha ng malaking share. O kaya gusto mong marami kang  ibigay kay Rydia.”

Nakita kong namula ang kanilang mga mukha. Yes, naman, ang ship ko talaga! I love this ship! I won’t go down with this ship!

“Elise, tama na nga!” pinalo ni Rydia nang mahina ang braso ko. “Bibigyan naman ako ni Lamont ng sapat lang, di ba?!”

Lamont just nodded. Speechless! Huehuehuehuehue! Akala ko nga, isa siyang Ice King na mahirap i-defrost. Heh, kailangan lang pala ng katulad niya. Wait, wait, you won’t understand what I mean. Ang pagkakilala kasi sa kanya, well, isa ngang Ice King. Pero hindi naman talaga siya Ice King nung lalo ko pa siyang nakilala, ah! (With the help of Rydia, of course.) Basta, ang hirap i-explain. Haha.

Message from AlexanderWhere stories live. Discover now