Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

Prologue

1 0 0
                                        


Maagang pumunta sa tabing dagat si Rhyan para masilayan ang kagandahan ng dagat. Araw araw ganito ang ginagawa niya hindi siya nagsasawa.

Hanggang sa isang araw may nakita siyang batang babae sa may tabing dagat nakaupo lang ang batang babae habang pinagmamasdan ang kagandahan ng dagat.

Lumapit si Rhyan sa batang babae at umupo siya malapit dito. Sa sobrang pagkamangha ng batang babae sa dagat hindi niya napansin ang batang lalaki sa tabi niya. Tahimik lang silang dalawa habang pinagmamasdan ang dagat.

Para mabasag ang katahimikan sa kanilang dalawa nagsalita na si Ryan.

“ Ang ganda diba. ” namamanghang sabi ni Rhyan.

At dahil nga di alam ng batang babae na na may kasama siya  nagulat ito ng magsalita ang lalaki.

“ S-sino k-ka? ” gulat na tanong ng batang babae.

Sa halip na sumagot ang batang lalaki  tumawa lang ito ng sobrang lakas. Nainis naman ang batang babae dahil tinatawanan siya ng batang lalaki.

“ S-sino k-ka? ” pag ulit ng batang lalaki sa tanong ng batang babae. Sabay tawa.

“ Ano bang nakakatawa?! ” inis na sabi ng batang babae.

Pinatapos muna ng batang lalaki ang pagtawa niya at sinagot niya ang batang babae.

“ Para ka kasing nakakita ng multo. ” sabi ng batang lalaki.

“ Hindi ko naman alam na nandiyan ka kaya ako nagulat tss. ” sabi ng batang babae sabay tayo.

“ Saan ka pupunta? ” tanong ng batang lalaki.

“ Uuwi na ako. ” sagot ng batang babae.

Paalis na sana ang batang babae ng higitin ng batang lalaki ang kamay nito.

“ Wag ka munang umalis. ” sabi ng batang lalaki sa batang babae.

Gusto na sana niyang umuwi kaso parang may pumipilit sa kanyang samahan muna ang batang lalaki.

“ S-sige ” sagot ng batang babae.

Lumipas ang mga ilang minuto ng magsalita ang batang babae.

“ Bakit? ” tanong ng batang babae.

“ Anong bakit? ” tanong pabalik ng batang lalaki.

“ Bakit mo ako pinigilang umuwi? ” tanong ulit ng batang babae.

“ Ah yun ba? Ngayon lang kasi kita nakita dito sa tabing dagat. ” sagot ng batang lalaki.

“ Ah kasi kakalipat lang namin dito nina mama at papa. ” sabi ng batang babae.

“ Bakit dito niyo naisipang lumipat? ” tanong ng batang lalaki.

“ Mausisa ka rin eh noh? ” sabi ng batang babae.

Sabay silang natawa.

“ Syempre bagong kapitbahay eh. ”sabi ng batang lalake.

“ May mga kamag - anak kasi kaming nakatira dito tsaka maganda raw ang tanawin kasi malapit sa dagat. ” sagot ng batang babae sa tanong ng batang lalaki.

“ Tama naman sila, sana magustuhan mo at ng pamilya mo ang pagtira rito. ” sabi ng batang lalaki.

“ Parang ayaw ko na ngang umalis eh sa sobrang ganda. ” sabi ng batang babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Simple UsStories to obsess over. Discover now