Chapter 14: Um dia será eu,você, e nossa bagunça

108 3 0
                                    

• The bad girl's love •

#TBGL14

Chapter 14: Um dia será eu,você, e nossa
bagunça.

*

*

Akala ko papasok kami sa tower pero lumihis kami, dinala ako ni Cade sa harap ng isang puno kung saan may nakatayong tree house. Halos mapanganga ako sa nakita, maganda ang pag kakagawa nun.

"Tignan mo ito, Nics." Aniya at hinaplos ang naka ukit sa puno.

'Um dia será eu,você, e nossa
bagunça.'

"Anong ibigsabihin niyan?" Nag tatakang tanong ko, nginitian naman niya ako at hinalikan sa noo.

"Mag pahinga na tayo. Bukas na lang kita ililibot dito."

Kahit labag sa loob ko ay tumango nalang ako. Medyo nakakapagod nga ang naging byahe namin.

Nag tungo kami ni Cade sa isang bahat dun. Pag mamay ari daw yun dati ng mfa magulang niya pero ngayon ay sakanya na.

"So, san ang kwarto ko?" Tanong ko ng matapos akong kumain.

"Sa kwarto ko."

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

"Casscade!!"

"What? Wala ng ibang kwarto dito, naka lock wala sa akin ang susi." Painosenteng paliwanag pa nito.

Gusto kong dukutin yung mga mata niyang nag papaawa sakin. Akala niya ba madadala niya ako sa ganun? Paniguradong pinag planuhan niya ang lahat ng ito pero sorry sya, mas mautak ako sakanya.

"Sa sala ka matutulog." Pinal kong sabi at umakyat na sa sinabi niyang kwarto.

Isasarado ko na sana yung pinto ng naharang niya dun yung katawan niya.

"Cade, ano ba?" Gigil kong tanong nito,

"Tabi tayo." Aniya habang naka nguso.

"Sasapakin kita. Alis dyan."

Iaamba ko na sana yung kamay ko ng hulihin niya ito at itinulak ako papasok ng kwarto. Nagulat ako sa mga pangyayari kaya hindi ako naka angal ng buhatin niya ako at ihagis sa kama.

"C-cade, a-ano ba!" Kinakabahan saway ko dito. Mapanloko naman niya akong nginisian.

Shet! Parang lalo syang pumogi pero lagi naman syang pogi sa mga mata ko.

"Gawa tayo baby."

Agad na nanlaki yung mata ko at pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sakin pisngi dahil uminit ang mukha ko.

"C-cade! Masasapak talaga kita dyan." Banta ko dito,

Kinindatan naman niya ako at dahan dahan lumapit sakin. Umurong ako palayo sakanya hanggang sa maramdaman kong wala na kong mauurungan.

"C-cade ano ba!" Nang gigigil kong singhal.

Lumapit sya sakin at hinubad ang suot kong sapatos. Balak ko sana syang sipain pero may nag uudyo sakin na hayaan na lang sya.

My ghad! Hayaan ko syang rapin ako? Ganun?

Lumapit pa siya sakin at hinubad ang mga suot kong alahas.

"C-cade?" Nag tatakang tawag ko sakanya.

Nginitian naman niya ako at hinatak pahiga.

"Tsaka na ang baby, pakasalan mo muna ako." Aniya at pumikit.

Agad akong napabusangot.

Yun na yun?

Akala ko naman-- shut up, Nics! Ang landi mo sa part na yun ah!

Tinignan ko ang mukha ni Cade. Ang payapa ng itsura niya, I wonder tulog na kaya sya? Ang bilis naman. Mukhang pagod na pagod siya.

Hinaplos ko ang mukha niya. Ang sarap niyang titigan pag tulog. Mukha syang anghel.

Napatitig ako sa labi nyang naka awang. Napakagat ako sa labi ko.

Wag kang malandi, Nics.

Pero hindi ko mapigilan yung sarili ko. Tinawid ko yung distansya sa pagitan namin at siniil sya ng halik. Sandaling halik lang yun dahil kinakabahan ako na baka mahuli niya ako.

Ang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko may mga paru parong nag liliparan sa tiyan ko.

Napangiti ako.

Kung ako ang pinili mo dati Cade, sana ganto na tayo.

Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog na din. Nagising ako kinabukasan dahil sa tunog ng cellphone, alam kong hindi akin yun.

Bumangon ako at nakitang tulog na tulog pa si Cade. Kinuha ko naman yung cellphone niya at nakitang tumatawag si Cress.

Hindi ko alam kung bakit naisipan kong sagutin yun, ang masokista ko parin talaga.

"Good morning, babe! Where are you? Umuwi ka muna please, aalis kasi ako walang mag babantay sa anak natin. Nag pacheck up si Mommy." Aniya sa kabilang linya.

Napapikit ako ng makaramdam ako ng kirot.

"Hello babe? Andyan ka ba?"

Agad kong binaba ang tawag.

Pakiramdam ko nasa maganda akong panaginip ngayon pero darating din talagang magigising ka.

Nagising na ako sa katotohanan na hanggang ngayon pangalawa lang ako sa buhay ni Cade.

Napatitig ako sa lockscreen ni Cade, family picture nila. Naka yakap sakanya si Cress habang karga karga niya ang anak nilang si Casselei. Ang ganda nilang tignan, mukhang ang saya saya nila.

Gusto ko sanang buksan ang phone ni Cade kaso may password kaya nabigo ako at ibinalik ko na lang ulit yun sa side table.

Ipinaalala ko sa sarili ko na may mga linya na dapat hindi na tinatawid.

Bumangon na ako sa higaan at dumiretso sa CR. Naligo na ako ay nag pasya na suotin nalang yung sundress ko at nakapaloob naman yung bikini ko.

Pag tapos kong mag ayos bumaba na ako sa kusina para tignan kung anong makakain. Naabutan ko na nag luluto yung katiwala nila. Binati ko naman to.

"Ano ho gusto niyong agahan, mam?" Tanong nito sa akin.

"Nicole na lang po." Magalang kong sagot at tumingin sa niluluto niyang fried rice.

"Okay na po iyan." Sagot ko,

Tinulungan ko si manang mag asikaso ng hapag kainan at nang matapos kami ay sakto sa pag baba ni Cade.

Nakasimangot ito na pinag tataka ko naman.

Nalaman ba niya na tumawag si Cress at sinagot ko?

"Bakit umalis ka sa tabi ko ng walang paalam? Akala ko iniwan mo na ko." Mariin nyang nyang wika at niyakap ako. Inisiksik nya ang mukha niya sa leeg ko kaya nakiliti ako.

"Cade ano ba? Nakakahiya kay manang." Saway ko dito pero hindi natinag.

Nang matapos kaming kumain inaya niya ako sa veranda para mag pahangin. Pumayag naman ako dahil hindi pa ganon kainit.

Nang nasa veranda na kami, agad na yumakap sa katawan ko ang preskong simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam, nakaka sawa kaya ang polusyon.

Kita sa pwesto namin yung tower at yung punong may naka ukit na hindi ko alam ang ibigsabihin. Mariin ko yung pinag mamasdan at iniisip kung ano ba yun ng yakapin ako ni Cade mula sa likod ko.

"One day it will be me, you, and our mess." Bulong niya at hinalikan ako sa buhok.

~to be continued

*

The bad girl's loveWhere stories live. Discover now