Para Sa'yo

10 0 0
                                        


Josefina Santos:

"Josefina! Gumising ka na! Anong oras na't mahuhuli ka na naman sa iyong klase!" rinig kong sigaw ni inay. Nako! Anong oras na ba?! Napatingin ako sa orasan at nakitang alas sais na pala ng umaga! Lintek na yan! "Ina! Nakahanda na ba ang mainit kong tubig?" tanong ko habang nagmamadaling hanapin ang aking tuwalya. "abaý oo naman! Nakasalin na sa timba! Bilisan mo na't mag-aalmusal ka pa." Dali-dali akong naligo. "ate! Bilisan mo dahil pagkatapos mo, ako naman! Huli na rin ako!" rinig kong paalala ni Carmelita. "Hoy, Carmelita! Hindi ka nga papasok ngayong araw, eh! Tigilan mo ko, nako! Kuhain mo ang sabon doon sa kabilang banyo, bilis! Huli na ang ate!" utos ko. "ito na, aish!" padabog niyang iniabot ang sabon. 

Nang matapos akong maligo, dali-dali na akong nagbihis. "ano ba ang isusuot ko ngayong araw? Ay nako! Ito na nga lang ang aking kukuhain!" kinuha ko ang isang puting bestida at nagsuot ng isang sapatos. Hinayaan ko na lamang na nakalugay ang aking buhok dahil hindi naman mainit ngayong araw. "inay, nakita mo ba kung saan nakalagay ang pitaka ko? Nawawala, hindi ko makita." Tanong ko nang napansin ko na ito ay wala sa aking bulsa. "nakita ko riyan sa ibabaw ng pridyider natin. Halina't kumain ka na ng almusal. Anong oras na." Sagot ni ina. Kinuha ko na ang aking pitaka at pumuntang hapagkainan. "nako, Carmelita! Ang sarap ng luto mo! Ikaw na lang ang magluto lagi, ayos lang ba?" bola kong sabi kay Carmelita para siya na ang magluto araw-araw. "tigilan mo ko, ate. Bilisan mo na." Nako, hindi ko nauto! Hahaha! Makakain na nga.

"inay! Carmelita! Pasok na ako sa eskwelahan, ha? Anong oras na! Huli na naman ako!" paalam ko. "Sige anak! Mag-iingat ka ha?! Isara mo yang pintuan ha?" bilin sakin ni inay. "opo, inaaaay! Mag-iingat po kayo ni Carmelita! Ipatingin mo na 'yan sa doctor, ha? Alis na po ako, inay!" paalam kong muli. May sakit kasi ang bunso kong kapatid na si Carmelita. Tatlong araw na ang kanyang lagnat at hindi ito bumababa. Masigla pa rin naman siya kahit na ganoon. Sa aming pamilya, ako ang panganay. Dalawa lang kami ni Carmelita at patay na ang aming ama dahil sa lukemia. Ilang taon pa lamang ako nang mamatay siya. Mga pitong taong gulang ako nang siya'y mawala at apat na taong gulang naman si Carmelita.

Sumakay na ako ng motor nang makuha ko na ang susi mula sa lagayan. Sanay na akong magmotor kahit pa ako'y nakabestida. "Huli na ako sa klase, makahanap na nga ng paghihintuan." Humanap na ako ng parking lot at inayos ang motor ko doon."

Nang makarating ako sa silid-aralan, hindi pa naman nagsisimula ang klase kaya pumunta muna ako sa kantina upang bumili ng tubig. "uy! Josefina!" rinig kong tawag ng isang babae. Si Anabela to, sigurado ako. "anabela! Bakit?" tanong ko. "samahan mo ako sa kantina, bibili akong pagkain. Umagang-umaga, nagugutom ako. Ano ba naman ito." Sagot niya. "pupunta rin akong kantina para bumili ng tubig. Halika na, bilisan mo." Haaay napakaganda ng araw na t- ARAY! "ANO BA?!" pasigaw kong sabi nang may bumangga saking lalaki at napadagan sa akin. "Uy, mahal! Ikaw pala yan! Mahal, tignan mo ang mga iyan, oh! Panay ang habol sa akin!" sabay turo sa mga babaeng 'di magkandauga-ga kakahabol sa bwisit na lalaking ito! "sino ka ba?!" angal ko! Bwisit! "mahal, tara na nga." Sabay hila sa'kin.

Nang nasa silid-aralan na kami, tinanggal ko na ang pagkakahawak niya sa aking kamay at humanap na lamang ng upuan. Tumabi naman sakin si Anabela at pumasok na ang aming propesor. " magandang umaga sa inyong lahat. Mayroon tayong bagong estudyante. Halika't magpakilala." Tawag n gaming propesor sa bagong estudyante. Laking gulat ko nang makita ko ang bwisit na lalaking iyon! "ako si Roberto alfonso." Nakita niya ako kaya naman pumunta siya sa aking direksyon at pinaalis ang isa ko pang katabi. "palit tayo, ayos lang ba?" rinig kong sabi niya. Nakikipagpalit n asana ako kay anabela ngunit ayaw niya. "magandang umaga, binibini. Ano ang iyong pangalan?" tanong niya. "Josefina at wala akong pake sayo." Sumimangot ang lalaki at nagpatuloy na ang klase.

Taga-basa:

Lumipas ang mga araw at ang dalawa ay lagging nagbabangayan. Minsan nga'y kinikilig na lamang si anabela at inaasar na bagay ang dalawa sa isa't isa. Meron pang isang pagkakataon kung saan sila nag-away at umamin si Roberto kay Josefina.

Para Sa'yoWhere stories live. Discover now