"Ma'am, tapos na," sabi ng nurse at nag umpisa ng magligpit ng gamit.

"Thanks," wala sa sarili kong sinabi.

Umalis siya sa harap ko at lumapit sa dalawang kasawa. May ibinulong yung nurse na mataray sa nurse na nag asikaso sa akin at sabay sabay silang tatlo na sumulyap sa akin. Tumagal ang pag uusap nila. Nang matapos ay may isang nurse na lumapit sa akin. Siya iyong kasama nung nurse na mataray kanina pero ang nurse na ito ay hindi naman mukhang masungit dahil ngumiti siya sa akin.

"Ma'am, ito po yung anti biotics na kailangan niyong inumin para makabawas sa hapdi ng sugat. Two tablets per day po ito. Ito naman po..." habang nag sasalita siya ay dumating si Xander na may hawak na tubig.

Lumapit siya sa akin. Binuksan niya iyong tubig bago ibigay sa akin pero umiling ako. Hindi naman talaga ako nauuhaw. Nagtataka pa siya sa pag tanggi ko pero ng narinig ang nurse na nag bibigay ng gamot ay napatingin din siya.

"...eto naman po isang beses lang sa isang araw," ani ng nurse at inilagay sa tabi ko ang maliit na brown paperbag na may gamot.

"Magkano po lahat?" tanong ko.

Ngumiti naman sa akin ang nurse.

"Okay na ma'am. Nabayaran na ng asawa niyo lahat," aniya at sumuyap kay Xander.

"Asawa?" pagtataka ko. Anong asawa?

Sumulyap ako kay Xander at nakita kong nangingiti siyang nakatingin sa nurse at tsaka tumungin sa akin. Nagseryoso ang mukha niya ng tumingin sa akin pero halata parin ang pagtatago niya sa ngiti niya.

"Opo, Mrs. Javier. Bayad na po iyan," aniya.

What the fuck?

"Hindi ko siya asawa," mabilis kong sinabi.

Nagtaas naman ng kilay ang nurse.

"Pero parehas pong Javier-" hindi na natapos sa pagsasalita yung nurse ng magsalita si Xander.

"Tara na, Jes," si Xander na medyo natatawa sabay kuha sa mga gamot ko tapos hinawakan ang kaliwang kamay ko.

Napatingin ako kamay niyang nakahawak sa akin at hindu agad nakapag salita. Hinigit niya ako ng marahan palabas. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya nakitang nakatingin ako sa mainit na kamay niya sa balat ko.

Nakatingin samin ang tatlong nurse bago pa kami makalabas. Nakangiti nangpaalam yung nurse na mataray at yung nag asikaso sa akin kay Xander. Nang ako na ang nakita nila ay isang nurse na lang ang ngumiti.

Inakala nilang asawa ko si Xander? Na mag asawa kami? Bakit? Sabi nung nurse pareho daw yung aplido namin. Nakalagay naman siguro dun yung relation namin ni Xander sa isa't isa diba?

O hindi niya inilagay?

Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya nya ang kamay ko kaya napalingon siya sakin. Masasamang tingin ang isinalubong ko ng tumingin siya sa akin. Natatawa pa siya at mukhang nagulat sa ginawa ko.

"Bakit kasi hindi mo nilagyan ng relation yung form na sinagutan mo? Akala tuloy nila mag asawa tayo,"

"What? Wag mo nang gawing big deal Jessica, c'mon," aniya at natatawa pa.

"Big deal? Tarantado!" sabi ko at sinapak ang braso niya gamit ang kaliwang kamay.

Imbis na mainis ay tumawa pa siya lalo sa ginawa ko at sinubukang kunin ang kamay kong patuloy siyang sinasapak. Nahuli niya ang kamay ko pero hindi naman niya ako pinigilan sa pag hampas sa kanya.

Nakakatawa lang siya habang ako itong bwisit na bwisit. Sa susunod talaga hindi ko na hahayaang siya yung kasama ko kahit ano pa ang sitwasyon ko.

"Nakakainis ka-"

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now