Hydria's POV
Madaling madali ako ngayon dahil late na ako nagising at exam day namin ngayon! Ayoko ma miss yung subject na favourite ko which is earth and life at first subject daw na test yon.
" Iya mag iingat ka dahan dahan sa pag sandok ng iyong baon at mainit iyan nako.. " ika ng aking Lola Herminita.
" Inang , late na ho ako at kailangan ko na hong mag madali .." sagot ko.
Jusko inang kung alam mo lang na kung pwede na mag accelerate nag transform na ako kanina pa.
" malapit na pala kaarawan mo apo ko.."
Napatigil ako saglit at dahan dahan na napatingin sa lola kong naupo sa kaniyang tumba tumbang umupaan habang na nanahi ng saya..
" ahh oo nga po 'nang , isang linggo na lang.." ika ko.
" pag hahandaan ko iyon apo ko, "
At ngumiti si inang ng parang may maganda siyang supresa para sakin.
" nako inang , hayaan niyo na iyon, wag na tayo mag handa . Nahihirapan na nga tayo sa martikula ko ehh , hayaan niyo na lilipas din naman ang araw na iyon."
Hindi na nag salita si inang at binaling na muli ang kaniyang atensyon sa kaniyang tinatahing saya.
Ngunit ako , hindi pa din ako makagalaw. Hindi ko alam, ano naman? Ano naman kung malapit na ang kaarawan ko.. bukod sa 18th birthday ko eh...mahirap lang kami ni lola, wala naman akong tatay at nanay , tanging lola lang ang meron ako at pananahi lang ng basahan ang pinag kakakitaan naming mag lola . Sobrang hirap ng buhay para mag handa pa sa isang araw na dadaan lang at lilipas din naman. Hindi ko maintindihan ang mga ngiti ni lola, idagdag pa ang mga burda ni lola sa saya.. nasanay ako sa makukulay na disenyo ni lola ngunit ngayon ang gamit niyang tela ay itim, sinulid na puti , pilak at ginto. Maganda iyon, sobrang ganda kahit pa ang mga disensyo nito ay parang pa curba curba lang sa gilid gilid...
" Alas sais y media na Iya apo"
Nanlaki ang mata ko sa gulat at agad na tinignan ang orasan. Jusko isang oras ba akong nakatitig kay lola? Jusme
" sige dito na ho ako inang , bye poo! Mag iingat kayo inang ah!"
" sige mag iinggat ka " at lumabas na ako ng bahay , patakbo na ako sa sakayan at pinag madali ko na din ang tricycle driver , 7:00 am ang start ng exam at bwisit na 'kalutangan to ipapahamak pa ako .
" manong bayad po , salamat."
Inabot ko yung trenta at agad na tumakbo pa pasok sa gate.
6:40 am.
Gosh , naabutan ko pa yung flag ceremony . Patakbo na akong papunta sa pila ng mga ka klase ko sa grounds ng marinig ko ang head teacher sa mic"
" as we announce earlier for shs students , you'll be taking your exam at exactly 7 am , first subject will be Oral Communication Context.."
Wait.. what?! Akala ko ba science ??!
Halos mapaupo ako sa kinatatayuan ko , nag mamadali pa ako ! Oral com na pala first subject . Kaya kong tapusin yan within 10 minutes jusko , Sayang trenta! Kung nag jeep na lang ako kahit late ako okay lang matatapos ko naman yung exam .
Nakakawalang gana pumasok kaya naman imbis na umattend akong flag ceremony ay pumunta na lang ako sa canteen upang mag almusal , tutal wala din naman akong almusal . Hikhok , bala kayo diyan mag oral com mamaya na lang ako papasok pag last 10 minutes para saglit lang.
Panay ako lamon dito ng biglang may narinig akong tawag ng demonyo-- este tawag ng kaibigan kong ..
" Iya tara na !"
"Lance hindi ako papaspok sa first subject, mga last minute na lang. Madali lang naman oral com" singhal ko, si Lance lang kaibigan ko. Simula ng elementary hangang ngayong Senior highschool , hindi na pinag hiwalay yung section naming dalawa.
Matalino si Lance , matangkad , maputi at makinis . Nahahawig nga daw siya sa mga bidang koryeno sa mga koreanovela. Isa din siyang swimmer at varsity dito sa school na pinapasukan namin kaya naman 'tong baliw na 'to laging with honors.
" come on Iya! Dali na ! Sayang yung time sabay na tayo di ako papasok kapag di ka pumasok you know it." at tinapunan niya ako ng malagkit na titig gamit ang kaniyang mala kapeng kulay na mata.
" edi sabay tayong bumagsak" sabi ko sabay natawa ng mahina na sakto lang para marinig niya.
" final exam kaya yon!" He pout his lips. Hays so cuty Lance but , i hate it . He wont stop .
"Lance mamaya pa ako papasok. Okay? Mamaya na. Kahit 5 minutes kaya kong tapusin yan. Oral com lang yan"
He look pissed , oh my friend.
Lance grab my arms and he force me to go with him
"Lance! Patola ka ! Bitaw !"
But he didnt let me go.. -?-
--
Nakayuko ako ngayon dahil sabi ko nga , tapos ko ang exam na 'to in a couple of minutes. Two hours ang nilalaan ng prof namin para sa exam namin dahil medyo mahaba siya pero ang nag pahaba lang naman yung tanong pft , kapag nag review ka , mabasa mo yung keywords alam mo na agad .
Tulala lang ako ngayon. Tinangka kong matulog pero 'di talaga ako makatulog. Nakakainis lang kasi kung last 10 minutes na lang ako pumasok sa pinaka kakairitang subject na 'to edi sana mayamaya lang Earth and Life na my fave ehehe
"47 minutes left" our teacher reminds my classmates . Nagutom , nauhaw na ako lahat lahat di pa rin tapos. Kaya lagi akong may tubig sa table ko kapag nag tetest eh. Nakakauhaw mag hantay.
Sa sobrang ka buryuhan ko tumanaw tanaw na lang ako sa bintana dahil ang ganda naman talaga nung view. Bukod sa nasa second flor yung room namin , mahangin dito .. masarap sa pakirandam . Maaraw man pero mas lalo lang pinaganda ng sinag ng araw ang buong tanawin. Tanaw ko yung quadtriangle , yung loan tenis court , yung mga puno sa paligid , mga estudyanteng nag cucutting , nag hahabol na guard.. Mga nag tatago ng bag sa 3rd flor .. yung mga buildings sa kanluran at kabahayan sa hilaga at ang paborito kong tanawin ay ang mga bundok sa silangan at timog . Malinis , kulay berde , ang ganda.
Nais ko talagang maka punta doon. Parang ang saya at ang ganda.
Kinumpas ko ang kamay ko sa hangin at inisip na ang pinipinta ko ang magandang tanawin na ito sa hangin nang biglang may kumawalang tubig sa mineral water sa ibabaw ng table ko na dahilan ng pag ka basa ng exam paper ko. Agad naman iyon nakakuha ng atensyon ng mga kaklase at guro ko.
"Ms. Asuncion? Are you done ?"
" ah yes maam kanina pa po"
" may I see your work ? "
"Maam nabasa po. Pero maam tapos na po talaga ako"
" you have 17 minutes to rewrite all of your answers. "
At sa kasamaag palad, kailangan ko tong isulat.
--
Lumingon ako sa likod ko upang tignan si Lance na gumagawa pa rin ngayon ng formative. I signal him na kailangan ko ng papel and he underatand it naman kaya binigay niya yung buong pad paper niya .
Oo , buong pad paper.
Nag umpisa na akong i rewrite ang test ko ng sumapi sa isip ko na ,
'Hindi ko pa na bubuksan yung mineral'
Muli kong tinignan yung bote , butas ang ibabaw ng takip nito , hindi naka bukas , nabasa ang papel ko dahil sa kumawalang tubig ngunit hindi ito na tumba. Nanlamig ako .. pakiramdam ko may multo sa paligid na bumutas ng bote ko . Jusko , puwera usog puwera sindak .
"Pst , 5 minutes nalang bilisan mo na "
Napatalon ako bigla kay Lance na bumulong sa likod ko at bukod sa nagulat ako sa bulong ni Lorence , mas nag taka ako ng pag kumpas ng kamay ko sa pag ka gulat ay biglang bumalik yung tubig na natapon sa exam paper ko sa bote dahilan para matuyo ang papel na kanina lang ay basa pa.
Bumibilis ang tibok ng puso ko, nan laki ang mata ko. Hindi ko ma intindihan. Nakakabaliw! Hinawakan ko ang exam paper kong tuyo at walang lamat ng pag ka basa.. ipinasa ko iyon pa harap at di na muling kumibo sa mga sumunod pa na subject..
A/N; eyow , sobrang sorry dahil sobrang iksi at medyo lame pero I gonna make sure po that next ud's will be more h2o uwu ! Thank u sa support
ESTÁS LEYENDO
Curse Child
FantasíaHydria , a student wants to explore the world and have a normal life .Her priority is to study hard, have a stable job and make her granmother proud. Everything from the start is seems like ordinary until the days counts before she reaches her 18...
