Kaso mukhang hinihintay talaga nila ang sagot ko. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko, 'di ba?

"Hmm... boy. Si Leigh po." Humarap agad sa akin si mommy. Alanganin akong ngumiti dahil hindi ko na alam ang sunod kong sasabihin.

"Leigh? 'Yong crush mo since grade 3 ka?" Nakalimutan kong alam nga pala lahat ni Mom ng crushes ko. Open kasi ako pagdating sa ganito pero hindi kay Dad. Aware naman ako sa study ko at kailangan kong unahin 'yon pero kahit ipaliwanag ko kay Dad iyon, hindi pa rin siya pumapayag na magboyfriend ako, though, wala naman talaga akong balak magboyfriend dahil si Leigh lang naman ang hinihintay ko.

Kung hindi lang din naman si Leigh ang makakatuluyan ko, mabuti na lang din na 'wag na. Alam kong sa ngayon ay hindi pa siya in love sa akin pero darating ang panahon na hahabulin niya rin ako – syempre, hihintayin ko siya. Marupok ako sa kanya, e.

Dahan-dahan akong tumango sa sinabi ni Mom.

"Opo," mahina kong tugon.

"Wow! Ang galing naman. Mukhang meant to be talaga kayo, ah." Komento ni Mom habang magkadikit ang dalawa niyang palad. Expected ko na 'yang reaction ni Mom at expected na rin naman ang kay Dad. Masama ang tingin nito at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

Si Dad talaga, kailangan niya kaya babawasan ang pagkastrict niya sa amin – I mean, sa akin. Hindi naman kasi siya strict kay Daen dahil lalaki raw ito. That's unfair, right?

"Are you sure na may matututunan ka? Baka magboyfriend ka agad?" Pang-uusig ni Dad at tinaasan ako ng kilay. Napakamot na lang ako sa batok ko at hindi malaman kung paano ko idedepensa ang sarili ko.

"Ano ka ba, Sean! E, no'ng tayo nga grade 10, may punishment ka pang nalalaman." Saway ni Mom kay Dad. Mukhang nakakuha ako ng magandang lawyer at walang panlaban si Dad dito.

"Pero, Dainty ko, iba iyong–" bago pa matapos ni Dad ang sasabihin niya ay pinukol na siya ni Mom ng masamang tingin nito.

"Nako, Sean! Malaki na iyong baby natin kaya hayaan mo na siyang magdesisyon para sa sarili niya," mahinahon pero halatang may threat sa salita ni Mom.

Wala, e, under talaga ni Mom si Dad lalo na kapag nagalit ito.

"But Dainty ko–!"

"Sean!" Ayan na, sumigaw na si Mom. First warning na iyan bago magsimula ang war.

"Fine." Finally, Dad already gave up. Mahina na lang akong natawa at hinawakan ang strap ng bag ko. Kailangan ko na sigurong umakyat at magpahinga bago pa ako madamay rito.

"Mom, aakyat na po ako sa kwarto ko." Paalam ko sa kanila na tinanguan ni Mom.

"Okay, baby. Ako na ang bahala sa Daddy mo." I chuckled as I looked at Dad.

"Bye, Dad. Good luck!" Kinindatan ko si Dad bago tuluyang tumakbo pataas.

"Baby! Tulungan mo ako sa Mom mo!" Rinig kong pakiusap ni Dad pero napangiti na lang ako. Sorry, Dad pero kailangan muna kitang ipaubaya kay Mom. Sabi nga ni Post Malone, there's no way I can save you 'cause I need to be saved, too.

Mamaya naman ay tiyak na bati na sila.

"Sean!" Natawa na lang ako.

Pero bago ako tuluyang makaakyat ay humakbang ako paatras ng hagdan at ipinihit ang ulo ko sa gawi nila.

"Mom, nasaan nga pala si Kuya?" Tumingin sa akin si Mom at umiling.

"Hindi pa dumarating, baka naghahanap pa ng babae!" Sigaw ni Mom na tinanguan ko na lang.

Buti at wala pa si Kuya.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at sinarado ko rin agad pagpasok ko. Nagpalit ako ng damit at pabagsak na humiga sa kama. Nakakapagod din ang araw na 'to. May mga hindi magagandang nangyari pero over all ay okay naman.

Si Kuya, wala pa. I wonder kung nasaan na naman ang playboy na iyon. Hindi lang basta playboy iyon kundi certified talaga. Kung pwede niya lang jowain lahat ng babae sa mundo ay gagawin niya. Pero kahit papaano naman ay may taste pa rin siya, hindi naman basta-basta nagdadala ng babae iyon dito na kung saan lang mapupulot.

Good luck na lang sa kanya kapag nakarma siya dahil ganoon daw 'yon, 'di ba? 'Wag lang sana sa akin mapunta ang karma niya kung hindi tatanggalan ko talaga siya ng dalawang paa para hindi siya makaalis dito sa bahay.

Pero, pero, pero... mukha namang hindi sa akin napunta ang karma dahil kanina lang ay napansin na ako ni Leigh. Tingin ko rito na magsisimula ang love story namin.

Ipinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Siguro kailangan ko munang matulog para hindi mastress ang beauty ko.

Yeah, that's right.

"Hoy, Coleen!" Naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko kaya unti-unti akong dumilat, hindi pa man ako tuluyang nakakakita ay naaaninag ko na ang panget na mukha ni Daen.

"Ano ba? Natutulog pa kaya ako!" Reklamo ko kasabay ng paghikab. Tumayo ito at lumayo sa akin.

"Kakain na raw sabi ni Mom! Pasalamat ka nga at ginising pa kita," sabi nito at umalis na. Anong ibig niyang sabihin? Na may utang na loob ako sa kanya?

Pero, teka. Kakain na raw? Tama ba ang rinig ko?

Bumaba agad ako ng kwarto para i-confirm kung nagsasabi ba ng totoo 'yong tuko na iyon. Nang makita kong nakahanda na ang mga pagkain sa mesa ay agad na nagningning ang mga mata ko. Well, alam ko namang may natitira pa talagang kabutihan sa puso ni Daen.

Hobby ko ang pagkain at specialty ko 'to. Dito nga lang yata ako magaling pero at least, may talent, 'di ba? At isa pa, hindi ako tumataba kahit na marami ako kumain dahil mabilis ang metabolism ko kaya enjoy na enjoy talaga.

"Hinay-hinay nga sa pagkain, baboy. Nakakawalang gana ka tingnan, e." Tiningnan ko ng masama si Daen

"Tanggalin mo 'yang mata mo kung ayaw mo akong makita, duh!" Mataray na sabi ko rito at tumawa.

"Oh, tama na iyan. Daen at Coleen, tumahimik na kayo. Kumakain tayo." Inirapan ko lang si kuya at bumalik na ulit sa pagkain.

Ang Kuya ko talaga ang mortal enemy ko. Kahit anong gawin namin, sadyang hindi talaga kami maging close. Palibhasa, lahat ng bagay na gusto ko ay ayaw niya at lahat naman ng ayaw ko ay gusto niya. Hindi talaga kami compatible na magsama. Sasabog lang 'yong bahay sa'min.

Pagkatapos kumain nagpaalam na ako kay Dad at Mom na aakyat na ako sa kwarto ko, naggood night na rin ako sa kanila.

Hindi pa naman ako matutulog, naggood night lang ako para mamaya hindi na ako pupunta sa kwarto nila. Mamaya nito ay may makita pa akong rated 18. Mabuti ng safe.

Nilock ko ang kwarto ko at umupo sa kama. Kinuha ko ang laptop at naglog in sa Facebook. Tiningnan ko muna kung may important messages ba pero katulad ng dati, mga makukulit na lalaki lang na nanliligaw.

Hindi naman pwede dahil bukod sa kay Leigh lang ako, ayaw talaga ni Dad. As in. Dati may ilang mga naglakas loob na subukan kaso pinahabol ni Dad sa aso.

Nagpunta na lang ako sa news feed ko at nagscroll down para magreact sa mga post ng friends ko. Iyong iba ay nilalagpasan ko lang kapag hindi ko close. Puro pagkain naman ang nakikita ko dahil marami akong page na nila-like na tungkol sa food o kaya ay mga restaurant.

Kumunot ang noo ko nang may mapansin akong mahalagang post na nalagpasan ko kaya bumalik ako.

Si Mae 'to. Nagpalit siya ng profile picture.

Hindi kami masyadong close ni Mae pero mainit talaga ang dugo ko sa kanya at ganoon din siya sa akin.

Teka, may kasama si Mae dito sa picture. Napakagat ako sa labi ko nang makita si Leigh na nakaakbay.

Edit? Is this edited?

Shit, calm down.

Kailangan pa niya nakasama ang soon to be fiancée ko? Wala akong natatandaan na nagpaalam siya sa akin para magpapicture kay Leigh!

Ikinalma ko ang sarili ko at binasa ang caption na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

"Picture with my boyfriend, I love you, hubby."

That Cold Guy Is MineWhere stories live. Discover now