"NATATAKOT AKO"

643 7 0
                                    


Natatakot ako
Mahal,Tapos na 'ko
Tapos na 'ko sa mga alaala nating dalawa na hindi ko makakalimutan.

Kung paano tayo nagsimula
Kung paano mo ako ligawan araw-araw
Kung paano kita sinagot ng oo
Kung paano naging tayo.

Naalala mo ba kung paano ka ng lamig saakin
lamig na hindi ko inaakalang mangyayari
lamig na akala ko sa teleserye lang nangyayari
lamig na hindi ko dapat hinayaang na mangyari
itong lamig na ito yata ang dahilan kung bakit matatapos ang ating ugnayan.

mahal ko kakapit ako sa iyong bisig sanay wag kang bumitaw
mahal gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwan at pabayaan
mahal tumingin ka sa aking mga mga mata at sabihin na ako'y mahal mo pa
mahal,kasi ako mahal na mahal kita higit pa sa sobra at sa salita.

susuko na ba talaga?
bibitaw na nga ba talaga?
wala na ba talagang pag-asa?
handa na nga ba talaga akong bitawan ka?

naway sagutin mo ang aking mga tanong?
dahil ako'y sobrang nahihirapan na
ang puso ko ay sobrang sikip at nahihirapan ng huminga
dahil alam ko sa mga oras na to ay bibitaw at susuko ka na
cge na pinapalaya na kita.

binibitawan na kita at higit sa lahat paalam na
parang natatakot na nga akong umibig pang muli
natatakot ako na maiwan na namang luhaan
pero higit sa lahat salamat sa pagmamahal na iyong ibinigay
tatangapin ko na lang kahit masakit para saakin.



Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon