The Inheritance

Magsimula sa umpisa
                                        

.

.

.

.

She is asking me for dinner pero kumakain na siya? What kind of rich kid is this? Kumakain sa harap ng TV? Walang proper etiquette sa pagkain!

Hinubad ni Paul ang kanyang black coat saka tinungo ang banyo. Pagkatapos niyang maligo ay nagpasya siyang bumaba para kumuha ng tubig sa ref. Pagkababa nito ay natakam siya sa kakaibang amoy ng kung anong pagkain mula sa kusina. Bigla nitong naramdaman ang gutom kaya naman naisip niyang kumain nalang since tulog naman na ata ang madaldal niyang asawa.

Pinanatili niyang nakapatay ang ilaw roon para hindi siya mapansin ni Andrea kung sakali mang gising pa ito.

Sarap na sarap pa si Paul sa kinakain ng maramdaman niyang may pababa ng hagdan.

Si Andrea!

Dali-dali niyang inubos ang pagkain saka nilagay ang plato sa lababo.

Hindi niya ako puwedeng makita. I told her I'm not hungry.. Tsk! Ano nanaman bang kailangan ng patay-gutom na ito!

.

.

.

Andrea is on her way to their kitchen, mabagal siya sa paglalakad habang hawak-hawak ang kanyang puson. Kanina pa ito sumasakit and she needs some bottle para malagyan ng mainit na tubig para mawala ang sakit nito dahil nakalimutan niyang bumili ng pain reliever. Something she have learned from her Tita Jess. She opened their refrigerator pero lahat ng bottle containers roon ay may mga laman pa. She opened the small drawers above their kitchen sink pero wala parin siyang nakita. Pa-alis na siya ng maisipan niyang buksan ang kitchen storage sa baba ng sink at nagulat siya sa nakita ng-

"Ahhhhhhhh!!!!! magnanakaw!!" Napasigaw ito ng may makita siyang lalake sa loob nito. Patakbo na siya paalis ng kusina sa sobrang takot ng bigla siyang pigilan ng lalake sa bewang.

"Aha! Magnanakaw? Mukha ba akong magnanakaw?!"

Hinampas ni Andrea ang lalake sa dibdib kasabay ng isang sampal sa pisngi.

"Arrraayyy!!"

Si Paul....

Nabigla si Andrea sa nakita.

"Ikaw? anong ginagawa mo sa ilalim ng lababo?"

"Ansakit ng sampal mo ha!"

"Eh ano ba kasing ginagawa mo rito? Kung dika ba naman baliw at diyan mo pa napiling matulog!"

"E bakit kaylangan mo pa akong sampalin? Nana-nadya ka no?"

"Kasalanan ko ba kung akala ko magnanakaw ka?"

"Magnanakaw? 'tong mukhang ito magnanakaw?"

Itinuro pa ni Paul ang kanyang mukha.

"Hindi! Mukha kang demonyo!"

Tumalikod na si Andrea kay Paul at akmang aalis na ito ng muli siya nitong hawakan sa kamay at pinihit siya palapit sa kanyang malapad na katawan. Inches, she is inches away from him and she could smell his fragrance. Pinilit niyang magpumiglas upang makawala sa mga bisig ng lalak ngunit sadyang malakas ito at hindi siya makagalaw.

"Devil? You really want to see my evil side, do you?"

Mas inilapit pa nito ang kanyang mukha sa babae.

"You believe you have those different sides huh.. I once told myself you had some good sides. Pero habang nakikilala kita. You don't really have any side. You are a total description of an evil, insensitive and heartless person!..."Banayad ngunit mariing wika ng dalaga.

Napalunok si Paul sa narinig. He can't say any single word because he know she's right.

"Bitiwan mo ako, bago ko pa makalimutang may pinirmahan tayong kasunduan."

He can't do anything but to stare at her and let go of her.

Nagtago lang naman ako kasi ayaw kong makita mo akong kumakain..

Pero hindi niya ito nasabi.

Tuluyan ng nakaalis ang dalaga ngunit nanatili parin siyang nakatayo habang sinasariwa ang mga masasakit na katagang narinig niya mula sa babae.

Why can't I win against this woman? Paano ako mananalo sa isang bagay na alam kung saakin kung kahit sa simpleng bagay lang ay hindi ko maipagtnggol ang sarili ko.

Why do this damn lips close and this ears barely listen when she speaks!

Why do this heart aches when she tells the truth?!

Why do I have to give in all the time!

______Time for love :D_____

I'm letting you go...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon