"Naku eh baka naman mawalan ng gana yung asawa mo kapag hindi ka niya kasalo mamaya sa pagkain."

Ha? Baka nga mas hindi pa yun makakain pag kasama niya ako.

"Okay lang po iyon manang. Baka nga po gabihin nanaman ulit yun eh."

"O siya sige, tatapusin ko nalang ito para maipaghanda na kita ng makakain."

"Naku hindi na ho. Ako na pong bahala manang at tiyak kong hinihintay na kayo ng anak niyo."

"Salamat hija sa kabutihan ninyong mag-asawa. Tiyak ko ring pagpapalain kayo ng Diyos at tatanda kayong magkasama."

O_O

Sana.....

Ha? Erase!! Erase!

.

.

.

.

.

.

.

.

Sumalampak si Andrea sa sofa sa harap ng TV saka nanood habang sumusubo ng kanin mula sa kanyang mangkok. Pagkaalis ni Manang Luring ay naisip niyang mauna nang kumain dahil baka nga siya ang hindi makakain mamaya kapag kaharap na niya si Paul. Sobrang intense ng pagu-usap nila kanina sa elevator at narealize niyang masiyado siyang naging harsh sa lalake.

Harsh din naman siya sakin eh. Yung mga paintings nga na sinira niya hindi pa naa-ayos. He deserve it! Dapat sa kanya hindi pakainin ng isang linggo! Ubusin ko kaya lahat yung pagkain?

Ummmmmm..... Pero hindi ko kayang ubusin yun. E kung.... lagyan ko kaya ng lason? Para sumakit ang tiyan niya? Kaya lang baka matuluyan siya!

E kung..... Nakapangalumbaba pa ito at nag-iisip ng kung ano-ano ng biglang bumukas ang pintuan. Nagulat siya ng makitang dumating na si Paul at kamuntikan pa nitong mabitawan ang hawak na mangkok sa sobrang pagkagulat. Hindi na pala niya namalayan ang pagdating ng sasakyan nito dahil sa lakas ng pinapanood niya sa TV at sa kung ano-anong iniisip niya laban sa lalake. Nakita naman siya agad ng lalake at pormal lang ang itsura nito. As usual, mukha nanamang stress pero nangingibabaw parin ang kanyang kaguwapuhan.

Tuloy-tuloy itong pumanaog ng bahay saka inakyat ang kanilang hagdan nang maisip ni Andrea na alokin niya ito ng pagkain.

"K-kain..."Ito lang ang tanging lumabas mula sa bibig ni Andrea na halata pang puno ng pagkain.

"Wala ako gana.."Hindi manlang ito humarap sa kanya at tuloy-tuloy parin sa pag-akyat.

"Okay."

Mamatay ka sa gutom!
Ang taning naibulong nalang ni Andrea sa sarili saka ipinagpatuloy ang pagkain.
.

.

.

.

.

I'm letting you go...Where stories live. Discover now