CHAPTER TWENTY NINE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Salamat ha Winona dahil dito mo naisip idonate ang lahat ng iyan. Madaming bata dito ang makikinabang ng dala mo."

"Nasan po ba ang mga bata Sister."

Dinala sila ng dalawang madre sa play ground kung saan naglalaro ang mga bata. Napangiti siya at sandali pa'y napawi ang lungkot. Kinuha niya ang mga box at isa isang pinapila ang mga batang babae. Masaya niyang binabahagi ang mga damit at laruan sa kanila hanggang napukaw ang atensyon nito sa batang kanina pa nakatanaw sa malayo. Kaya ng maibigay na niya ang iba ay nilapitan niya ito.

"Bakit hindi ka nakikisali sa Kanila? Madami akong pinamimigay tila ayaw mo"

"Hindi din naman po ako sasaya kung makkatanggap ako ng kahit anong regalo."

"At bakit naman?"

"Basta po. :("

"Ano ba ang pangalan mo? At ilan taon ka na?"

"Princess po. 6 na po ako"

"Alam mo naalala ko sayo ang anak kong si Queeny, kung buhay pa sana siya baka kasama ko siya dito."

"Bakit po nasan po siya?"

"Nasa heaven na. Maaga siya kinuha sa akin ni papa jesus"

"Ang lungkot niyo din po pala kagaya ko :("

"Oh bakit na naman?"

"Patay na din po ang mga magulang ko, narinig ko po sina Sister na Car accident daw po." Biglang tumulo ang luha ni Winona ng sumariwa sa isip niya ang trahedya,

"Wag kana malungkot Princess. Kailangan ipakita mo sa Mama at papa mo na Strong ka, kasi hanggat bata ka pa maraming marami ka pang mararating isipin mo nalang na maswerte ka kasi andiyan sina Sisters para gabayan ka."

"Pero wala naman akong Mommy"

"Gusto mo ako nalang ang Mommy mo?

"Talaga po?" Sabay yakap nito kay Winona. "Wag na po kayong umiyak Mommy Ganda. Simula mo ngayon may anak ka na at may Mommy na ako."

"Teka may ibibigay ako sayo"

"Wow, ang ganda naman po"

"Ito si Piggy at Oinky silang dalawa ang paborito ng anak ko, diba ang lilinis pa nila at mukang bago? Maingat kasi sa laruan ang anak ko kaya ibinigay ko saiyo ito para hindi kana malungkot.

"Yehey! Salamat po. Salamat po, Hello Oinky at piggy ako ang bago niyong kalaro."

"Osge na at aalis na ko sa susunod na araw nalang kami Dadalaw."

"Mommy Ganda, sana po bumalik kayo sana po makita ko kayo ulit."

"Oo Princess wag ka magalala at sana sa susunod na punta ko ay hindi ka na malungkot. Okay ba?"

"Okay po. Pangako po"

"Winona Kelangan na natin umuwi tumawag si Kei."

"Bakit daw?

"Hindi ko alam"

Mabilis na nagpaalam ang dalawa kina Sisters, nagbilin din siya na dadalaw siya sa mga susunod na araw. At nang makarating na sila sa bahay ay nadatnan nilang tulala si Kei at mukang malalim ang inisisip.

"KEI" Sabay yakap nito.

"Kei anong problema?"

"Pumasok muna tayo sa loob" halata sa muka ni Winona na iba ang balitang ipapahayag ni Kei kaya minabuti niyang ihanda ang sarili niya,

"Si Privo, paalis na siya ng bansa."

Natahimik si Winona at hindi nagsalita.

"Nakausap ko si Pola ang bunsong kapatid ni Ivo ang sabi ay pupunta daw ng US si Privo. At kaninang 11:am ang flight niya kaya kung hahabulin natin siya ay late na din wala na tayong aabutan"

Unforgettable Nights (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon