Chapter Twenty-Four

Zacznij od początku
                                    

"Wiping away your tears and sweat," he softly answered.

"What are you doing?" tanong ni Reeve pagkatapos nilang magsiping.

Agatha sweetly smiled and continued what she's doing. "Wiping away your sweat. Baka magkasakit ka..." biro niya habang pinapalis ang pawis sa noo at leeg nito.

He lightly chuckled and pulled her for another intimate kiss and more touching. Agatha felt so happy.

Napakurap si Agatha dahil sa biglaan at maiksing alaala. "T-Thank you."

Tumango ito at ibinaba na ang panyo. He started the engine of the car. "I filed a case on your behalf. Sa ngayon, naka-detain na si Celina pero dito muna sa bureau. The NBI still needs her for the informations she can give them."

Nang makaandar na ang sasakyan ay sumulyap siya kay Reeve. "M-Mali ba 'ko? M-Mali ba ang mga sinabi ko?"

"You're angry, Agatha," kalmado nitong sabi. "Kapag nasa mataas tayong emosyon, nasasabi natin ang mga bagay na hindi rin naman natin gustong sabihin. But, I know how you feel. We all get mad. We explode. We say words we didn't mean. We hurt people... We want to hurt them back."

"I just want fair justice, Reeve. Yes, I lived. But it will never erase the fact that Celina tried to kill me. At kung tuluyan nga akong namatay... aakalain niyo lang lahat na nakasama ako sa aksidente." Another set of hot tears formed in each corner of her eyes. "Kung natuluyan nga akong namatay dahil sa ginawa ni Celina, hindi ko na makikita si Rainiel, si Riana... si Adam at Rade..."

Napasinghot siya. "I can't imagine not watching them grow, not being beside them... I know that death should not scare us but, kapag ina ka na, gusto mo pang mabuhay hanggang makita mong nasa maayos na kalagayan na lahat ng anak mo. I wanted to witness how those four would reach their dreams. And Celina almost took that from me. H-Hindi ako makaramdam ng kapatawaran kahit nagsisisi na siya, kahit buntis pa siya..."

Agatha wept fully. Tila hindi na mauubos ang mga luha niya.

"I feel bad for her child... but would I let it slide? Why is justice not siding with me? Reeve, it's unfair! I don't want to question God, pero bakit parang binibigyan sina Niel at Celina ng rason para hindi harapin ang resulta ng mga kasalanan nila? Bakit ako 'yong nagawan ng masama, pero ako ang nakakaramdam nito?!"

Agatha kept on crying, questioning, and raving while Reeve stayed quiet and silently listening.

Hanggang sa naubos na ang mga gustong sabihin ni Agatha. Pati ang mga luha niya. Her anger was still there, yet she felt it diminished. Maybe, a little.

Habang nagmamaneho ay inabutan siya ng asawa ng panyo. Nasa tapat na sila ng bahay at natanaw nilang naglalaro sa patio ang mga bata kasama ang Mommy niya.

"The kids can't see me like this..." napapaos niyang wika habang nagpupunas ng mga luha. Her eyes are all swollen. Halos hindi niya na maidilat.

"Wait for me here," Reeve said. Bumaba ito ng sasakyan at nilapitan ang mga anak nila.

Sinalubong ito ng yakap ng mga bata. Even Rainiel. Reeve kissed them before turning to her mother. May binulong ito at tumango-tango ang Mommy niya.

Her mother said something to Rainiel and Riana. Tumakbo papasok ng bahay ang dalawa. Buhat ng Mommy niya si Rade habang hawak nito sa isang kamay si Adam na papasok na rin ng bahay.

Bumalik si Reeve ng sasakyan at pinasok iyon sa garahe.

Agatha was consumed. Kaya nang nakarating sila sa kuwarto ay binagsak na lang niya ang sarili sa kama.

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHROpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz