Chapter Twenty-Four

Start from the beginning
                                    

"Agatha, patawarin mo 'ko. Hindi ko hinahangad na maabsuwelto sa kung ano mang kaso na ihahain mo. Ipakulong mo 'ko, matatanggap ko."

"Celina," tawag dito ni Niel.

Nilingon ito ng babae. "Napag-usapan na natin 'to, Niel. Ito ang plano ko mula sa umpisa kapag nakaalala na si Agatha."

"P-Pero ang anak natin..."

Walang maramdaman na kahit anong awa si Agatha. Pulos galit at matinding pagkamuhi ang nanalaytay maging sa mga ugat niya.

Humarap na ulit sa kanya si Celina. "Nasabi ko na sa kanila," tukoy nito sa mga NBI agents. "Ang tungkol sa sindikatong kinabibilangan ko. N-Nangako silang makulong man ako, may proteksyon ako hanggang sa m-makapanganak ako." Napayuko ito. "P-Patawarin mo 'ko, Agatha..."

Pinunasan ni Agatha ang sariling mga luha. Tumayo siya ng tuwid, itinaas ang noo, at hinarap ito.

Reeve stepped back, giving her her own stand.

"Will I look bad if I still wanted you to suffer despite you being humble enough to admit your sins and ask for forgiveness?" Tinuro niya ang sarili. "Ako ba ang magmumukhang masama dito dahil gusto pa rin kitang makulong sa kabila nang sitwasyon mo? A-Ako ba ang magiging kontrabida dahil magkaka-anak ka at hindi mo siya makakasama sa paglaki niya? Ako ba ang mali kung gusto ko ng hustisya sa ginawa mo sa'kin?"

Hinarap niya si Niel. "Hindi ko alam kung bakit nandito ka at paano kayong nagkaroon ng ugnayan pero... ako pa ba ang kailangang umintindi ulit? Ayokong manumbat pero... Pinagbigyan kita noong una, Niel. Pinagbigyan ka ni Reeve dahil kay Sasa. K-Kailangan bang... pagbigyan ka na naman ulit?"

Napayuko ito. "Patawad. Natakot lang ako na walang mag-aalaga habang buntis si Celina sa loob ng kulungan."

"Gusto mo ba siyang samahan sa loob? Puwede pa rin naman akong magsampa ng kaso sa'yo." Agatha sarcastically said.

"Hindi, Agatha," ani Celina. "Please, huwag mong ipakulong si Niel. Kailangan siya ni S-Sasa. Sa paglabas ng anak ko, si Niel ang kukupkop..."

Unti-unti nang tumatagos sa puso ni Agatha ang awa. Yet, she hardened herself. "Stop using children to make you free from the law! Don't make me feel bad just because I want justice!"

"Patawad..."

"Stop saying 'sorry', too! It doesn't make me feel good! Lalo niyo lang pinaparamdam sa'kin na porke't nakahingi na kayo ng tawad, ako na naman ang kailangang umintindi. Ako naman ang dapat gumawa ng parte ko. Ako na naman ang kailangang maging mabait dito!"

Tumalikod na si Agatha at tumakbo palabas kung nasaang lugar man siya nandoon. After numerous turns and going down some stair flights, nakalabas na siya ng bureau.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Nayakap niya ang sarili. Pinilit niyang makahinga ng maayos habang nanlalabo ang mga mata dahil sa mga luha.

Nahahati na sa dalawa ang pakiramdam niya at hindi niya matukoy kung anong mas paiiralin doon. She's furious as hell, her blood boils. Yet at the same time, she felt bad for being... this angry. She felt bad for not forgiving...

Natakip niya ng mga palad ang mukha at napahagulgol na lang ng iyak. Hindi na mahalaga kung sinong nakakakita sa kanya.

Until strong and warm arms wrapped around her shoulders. Inalalayan siya nitong makatayo at makalakad hanggang sa makarating sila sa loob ng sasakyan.

Reeve didn't say a thing. Instead, he started to wipe her tears and sweat away from her face, using a handkerchief.

Napatingin siya dito. "A-Anong ginagawa mo?" tanong niya, humihikbi-hikbi pa ng kaunti.

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRWhere stories live. Discover now