Prolouge

29 0 0
                                        

Third person's POV

Abala ang lahat sa pagsaaayos ng mga kagamitan sa loob ng laboratoryo.Ang mga taong nakasuot ng puting damit na umaasikaso sa mga gawain rito ay may mga kanya kanyang ginagawa.

Ang mga makinang kapansin pansing kakaiba dahil sa mga disenyo nito,para itong isang 'capsule' na naglalaman ng likido sa loob.Sa loob ng mga ito ay mga batang animo'y mahimbing na natutulog.May mga kableng nakakabit sa kanilang mga bibig at dibdib, binibigyan sila ng hangin upang makahinga sa loob ng nito.Maya maya pa'y pumasok sa silid ang isang matandang lalaking gaya ng iba ay nakasuot rin ng mahabang puting damit.Nagsitigil ang lahat sa ginagawa at yumuko sa matanda.

Lumapit sa kanya ang isang lalaking, sa hitsura nito'y mukhang nasa bente anyos palamang.May iniabot ito sa matanda.Habang tinitingnan ang papel na iniabot sa kanya napangisi ang matanda."Siniguro niyo bang tama ang lahat ng hakbang na inyong isinagawa?" sambit nito sa lalaki habang nakatingin parin sa papel na hawak.

"Opo doktor"matipid nitong sabi.

"Kung ganoon tama ang aking hinala, siya nga"nakangiting turan nito habang nakatingin mga makina.Naglakad ito palapit sa isa mga batang babaeng nasa 16 na taong gulang, at may kung anong pinihit sa makina dahilan upang until unting mawala ang likido sa loob nito."Ilabas nin--" hindi pa man natatapos ng doktor ang sasabihin ay biglang may pumasok na mga armadong lalaki sa loob ng silid.Walang anu-ano'y inilabas ng mga tao sa loob ng laboratoryo ang kani kanilang mga baril.Nakahandang protektahan ang doktor.

Nagkaroon ng kaguluhan, putok ng baril at pag sabog ng mga granada ang tunog na namayani sa buong lugar.Nagkalat ang mga dugo at bangkay sa paligid Ang mga makina'y nagka butas butas dahil sa barilan dahilan para tumagas ang likidong nilalaman ng mga ito.

"Nakatakas siya!" Sigaw ng Isa sa mga armadong lalaki

"Buisit!" Inis na sigaw pa ng isa.

"Ano pang ginagawa niyo?habulin nyo Dali!" Utos ng lalaking mukhang lider nila.

Nagsitakbuhan palabas ng laboratoryo ang iba sa mga ito, habang ang lalaki ay binuhat ang batang babae mula basag makina.Hinubad nito ang kanyang suot na damit at itinaklob sa hubad na katawan ng kawawang bata.Agad siyang lumabas sa lugar, tinahak ang landas patungo sa kagubatan.Tumakbo ng tumakbo ang lalaki hanggang sa makarating ito sa isang talampas.Ibinaba niya ang bata sa at pinasandal sa puno ng mangga.Habang itinutututok ang isang baril sa maamong mukha ng bata ay unti unting pumatak ang luha nito."Patawad, alam kong maintindihan mo rin pagdating ng panahon.Susundan Kita, pangako"

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa kagubatan.

D' MareDove le storie prendono vita. Scoprilo ora