Chapter-9 The Devil

202K 2.7K 61
                                    

Aliya's Point of View

Hiningi niya ang number ko bago siya umalis. Di muna ako pumasok sa loob, inantay ko munang mawala siya sa paningin ko.

Pagkapasok ko, si Cadden agad ang bumungad sakin na nakasandal sa kotse habang nakapamulsa, naka pang-opisina na at halatang inip na inip na. Parang kinakabahan ako sa uri ng tingin niya sakin pero pinilit ko paring maging casual.

"San ka galing?!" malamig niyang turan.

"Ba't di ka pa pumasok?" pag-iiba ko sa usapan.

"Wag mong ibahin ang usapan Aliya! Answer my question, san ka galing?" tumataas na ang boses niya at ang mga tinging 'yon, ang mga tingin niyang labis kong kinakatakutan.

"K-kina Ashley. Oo, kina Ashley ako galling." ayokong sabihin sa kanya kung saan talaga ako galing, dahil paniguradong magagalit siya.

Magagalit siya pag nalaman niyang nakabalik na si Lance at siya ang kasama ko. Para sa kanya si Lance ay isang mahigpit na ka kompetensya, kaagaw niya sa lahat ng bagay.

"So, when did Ashley started using men's shirt, tell me Aliya?!" bakas sa boses nito ang galit, nakalimutan ko palang di pa ako nakakapagbihis dahil basa pa ang mga damit ko.

"Don't make a fool with me, Aliya. Tinawagan ko si Ashley, ang sabi; wala ka!" Di ko alam kong anong sasabihin ko, nanginginig na rin ako sa takot.

"Sino 'yong lalaking yon, lalaki mo, kelan pa kayo?" ibig sabihi'y nakita niya si Lance, puno ng galit ang mukha nito, kung siguro mahal niya ako ay masasabi kong nagseselos siya, pero hindi eh. Alam ko na ang dahilan lang nito ay ayaw niyang naaapakan ang pride niya.

"Why can't you answer my questions, Aliya? saka niya ako hinawakan sa braso.

"Aray ko! Cade tama na, mali ang iniisip mo, hindi kita ginagago, walang nangyari samin." I said in between sobs, mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Medyo masakit ang ulo ko at may sinat pa ako kaya hinang-hina pa ako.

"Nasasaktan na ako, parang awa mo na Cade, nanghihina ako." ba't ba ayaw niyang makinig, ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit. Napaka unfair niya, samantalang siya nga 'tong nagdala ng babae sa bahay kagabi, ba't nya ba sakin isinusumbat ang mga ginawa niya?

"Aray!" napasigaw ako dulot ng pagkabigla, nang itinulak niya ako sa pader at mas lalo pang idiniin.

Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya, nakita ko kung papano magtagis ang mga bagang nito habang namumula ang nanlalaking mga mata nito.

"Nanghihina ka? How dare you to admit your dirty jobs in front of me? Bakit, pinagod ka talaga niya, sino ba kasi talaga 'yong lalaki mo ha, Aliya. Ano, magaling ba?" napamaang ako sa sinabi nito.

"H-hindi 'yon ang ibig kong sabihin Cade..." di ko na matapos-tapos ang sasabihin ko dahil sa mga pesteng luha na 'to.

Napasinghap ako nang idinikit nito ang sariling katawan sa akin saka yumuko upang bumulong, naaamoy ko ang mainit at mabangong hininga nito.

"Akala ko, iba ka. Dahil ikaw talaga ang pinili ni Lolo para sakin. Naglilinis-linisan ka lang pala. You should have demanded it to your husband, Aliya. Because, he can do better than anyone else..." di ko na narinig ang iba niya pang sinabi, masyadong nakakapangliit.

Nasaktan ako sa sinabi niya kaya sinampal ko siya, na gulat naman siya sa ginawa ko dahilan para makawala ako, pero mabilis siya, binuhat niya ako na para bang sako ng bigas saka umakyat sa itaas.

Pinagsususuntok ko na siya sa likuran.

"Put me down!" nagpupumiglas ako sa ideyang may gagawin siya sakin. Ipinasok niya ako sa loob ng kwarto niya saka ibinagsak sa kama, mas nanginig pa ako sa takot nang pumaibabaw na siya sakin at marahas akong hinalikan.

Dapat sana'y masaya ako dahil sa unang pagkakatao'y hinalikan niya ako, pero hindi sa ganitong paraan ko gusto, nalalasahan ko na ang mala metal kong dugo.

Tahimik akong naiyak, hindi na ako nanlaban, mas pipiliin kong damhin na lang at isiping nangyari 'to nang dahil sa pagmamahal, malaki mang kasinungalingan ay ayos lang.

Marahil ay napansin niyang di na ako nanlalaban ay bahagya rin siyang natigilan, tinitigan niya ako sa mata at sa isang iglap ay biglang naging maamo ang mga tingin nito, bumaba ang mga mata nito sa labi ko at hinawakan iyon ng mga daliri niya na para bang may binubura, marahan at may buong ingat.

Nakita kong pumungay ang mga mata nito saka niya niluwagan ang pagkakabuhol ng necktie, nagtanggal siya ng isang butones. Muli niya akong hinalikan ngunit sa pagkakataong 'to ay buong suyo at marahan, ipinikit niya ang mga mata habang patuloy parin sa pag-angkin ang mga labi nito sa labi ko, ipinikit ko ang sariling mga mata at hinayaan ang sariling damhin ang pagkakataong 'to.

Nagulat ako nang ipinasok nito ang isang kamay sa loob ng damit ko, bigla namang nagbalik sa isip ko ang nakita ko kagabi at ang mga narinig ko, dahilan para muli akong magpumiglas, bakas ang pagkabigla sa kanya dahil maging siya ay napadilat rin.

"Stop it, Cadden!" matapang kong turan saka pilit na inaalis ang kamay niya s loob ng damit ko. Muling sumiklab ang galit sa mga mata nito.

"Won't you let your husband touch what others had?" and here he comes again with his devilish smile. Dahil sa sinabi niyang 'yon ay nasampal ko siya ng malakas.

"How many times did he touch this?" mapanuyang turan nito, sa bawat salita niya ay mas nagiging marahas ang pagkakapisil niya rito, wala akong panama sa lakas niya.

"How many times did he do you?" Wala akong ibang nakikita sa mukha ni Cade kundi poot, galit at pagkamuhi. Bahagya pa nitong nakagat ang sariling labi sa inis habang namumula ang mga matang tinitigan ako.

"Answer me, wife?" nakakabingi ang sigaw niyang 'yon, habang binibigyang diin ang huling salita. Dahil sa di ako nakasagot ay pinunit niya ang damit na suot ko dahilan upang malantad ang hubad kong dibdib sa harap niya.

"No, no, no, Cade he didn't, nobody did, maniwala ka." pangangatwiran ko.

"Liar!" Nagtagis ang mga bagang nito hanggang sa tuluyan niya nang mahubad ang damit ko. Then he harshly unbutton my pants.

"No Cade, not this time." Hindi ko gusto na sa ganitong paraan mangyari 'to.

"Not this time. Why, are you still sore?" mapang-uyam ang mga ngiti nito.

"Ba't ba ang kitid-kitid ng utak mo?" bulyaw ko dito habang pilit tinatakpan ang hubad kong dibdib.

"Dahil 'yon ang pinapakita mo!" he fired back.

Natigil lamang siya nang may magdoorbell.

"We're not yet done. Alam mo na kung anong mangyayari sayo kapag umulit ka, ako lang ang may karapatan sayo dahil ipinilit mo ang sarili mo sa buhay ko." saka ako iniwan.

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu