I tried remembering the man she called Lukas. Sa bilis ng pangyayari kagabi, ang tangi ko lamang naalala ay ang malaking bulto ng katawan niya at ang baritonong boses na nanakot sa mga manyak na nambastos sa akin. I couldn't remember anything after that. I fainted.

"Hintayin nating makauwi si Lukas. Panigurado ay may dalang pagkain iyon," magiliw na sabi ng matanda. Ngumiti na lamang ako bilang sagot. Ilang sandali lamang ay may narinig na akong kaluskos sa kanilang pintuan.

"La!" sigaw ng isang baritonong tinig sa labas. Nagkukumahog naman si Lola na tumayo mula sa mesa.

"Saglit lang!"

Pumasok ang isang binata na di hamak ay sobrang tangkad. His long, muscular legs seemed so small for this house. Nakangiti niyang sinalubong ang Lola bago ito hinila at niyakap. His smile made a lone dimple on his left cheek show. The thin, white, v-neck shirt hugged his body so tight it highlighted all the muscles he had.

Nagtama ang paningin naming dalawa at napalunok ako. His soft stare for his grandma became harder as he looked at me. Bigla ay parang gusto ko na lamang lumubog sa kinauupuan ko habang nakatitig sa malalalim niyang mata.

"Noelle, iha. Si Lukas nga pala, apo ko. Lukas, si Noelle, iyong dalagitang sinagip mo kagabi." Pakilala ng Lola niya sa akin. Tumikwas ang kilay ko sa narinig bago tumayo.

"Noelle Madrid," anas ko. Tumaas ang sulok ng labi niya bago nilampasan ang kamay kong nakalahad. Napanganga ako sa gulat habang siya ay inilapag sa mesa ang mga bitbit na pagkain.

"Nagdala ako ng mga tinapay at sopas, La. Nag agahan ka na ba?" sabi niya, hindi pa rin ako pinapansin. Nilingon ko ang matanda na tumulong sa pagsasalansan ng mga inuwing pagkain ni Lukas. Tumingin sa akin si Lola Esmeng at pagak na ngumiti.

"Lukas, bakit hindi mo ayain ang bisita nating kumain?"

Nilingon ako ng binata. His broad shoulders tensed as he stared at me.

"Alam ba ng mga magulang mo na nandito ka? Naglayas ka?" walang emosyon niyang tanong. His lips are set in a grim line and his brows are crumpled in disgust. Suplado! Akala mo ang gwapo!

"Kung naglayas ako, bakit ko ipapaalam sa mga magulang ko?" balik tanong ko. Nameywang ako at tinaasan siya ng kilay. Nagpabalik balik ang tingin sa amin ng matanda habang mas tumigas ang titig sa akin ng mayabang na binata.

He dipped his head towards me, showing the sharp edges of his angled jaw. Iyong may kahabaan niyang buhok ay bahagyang nagulo habang titig na titig siya sa akin.

Tinuro niya ako bago aroganteng tumawa.

"Lola, sigurado ka bang gusto mo talagang tulungan itong bata na ito? Sinabi ko na sayo kagabi na paalisin mo pagkagising niya---"

"Lukas Miguel!"

"---pero bakit nandito pa rin? Lola naman! Alam mo kung ano ang ayaw ko sa lahat, diba?!" gigil nitong sabi, hindi na pinakinggan ang Lola. Taas noo ko siyang tinitigan bago ako naglakad papunta sa kama. Dinampot ko roon ang bag ko bago ko binangga ang balikat niyang nakaharang.

"Aalis ako, if that's what you want! You don't have to yell at me for staying here! I'm sorry I didn't know that I am not allowed here, okay? Hindi mo kailangang sigawan ang Lola mo dahil hinayaan niya akong manatili rito," gigil kong sabi. Napatitig si Lukas sa akin. Nilampasan ko siya at nilapitan ang matanda na nakatingin lamang sa aming dalawa. Kinuha ko ang nanginginig nitong kamay bago ako nagmano.

"Maraming maraming salamat po sa pagpapatuloy sa akin rito---"

"Noelle, iha----"

"Aalis na po ako. Salamat po," sabi ko bago inayos ang strap ng aking bag. Nilingon ko si Lukas na tiim bagang lamang na nakatingin sa akin.

Switchedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن