I'M WRONG: PART 1

Start from the beginning
                                        

Tinignan naman ni Aira yung kuya niya. Kuya niya kasi yung pinakaboss ng Silent Killer.

"Hindi ako ang siraulo, baka ikaw yun Alexa. Upo muna kayo." sabi ng kuya ni Aira.


************************

"Kaya ba natin na wala ang mga boys?"  tanong ko kay khylle

Tapos na kasi yung meeting at sinabi lang naman sa amin na aalis daw ang ibang member ng mga boys. Kaya pahinga muna daw sila.

Kami daw muna mga girls ang bahala. =___=

"Kakayanin natin yun. Kasama naman natin sila Alexa." sabi ni Khylle sa akin.

************************

~Xand State University

"Zyrille!!" tawag sa akin ni Lyka habang papasok ako sa room.

"Bakit?" tanong ko sa kanya habang umuupo.

"Nakapagreview ka na, para sa quiz mamaya??" tanong niya sa akin.


"Yup." sagot ko sa kanya.


"Zyrille" tawag naman sa akin ng isa ko pang katabi.

Tumingin ako kay Jarelle. Ano naman sasabihin nito??

"Ayun nanaman yung crush ko." turo niya doon sa lalaking nasa labas. 

Sinasabi niya yan habang kinikilig. Walang duda! Bakla nga siya.

"Sino pala crush mo? Sinabi ko yung sa akin, kaya dapat ikaw din." sabi sa akin ni Jarelle 

"Ikaw." sabi ko sa kanya. 

"Weh? Yung totoo? Sino nga?" - Jarelle

Ang kulit naman ng lahi nito. Siya nga ang crush ko eh.

"Ikaw nga!" - ako

"Tsk. Bahala ka nga diyan." sabi niya sa akin. Bigla siyang lumabas ng room. 

Totoo naman ang sinasabi ko eh! Bahala nga siya diyan. 

Pasalamat siya... 


crush ko siya.

**************************

Lumipas ang mga araw. Malapit na matapos ang 1st semester namin. 

Finals na namin nextweek.

Wala na rin kami masyadong ginagawa ngayon. Napatingin ako bigla kay Jarelle. 

Nandoon siya sa harapan kasama ang mga tropa niya.


Magiging kaklase ko pa kaya siya next semester? 

~sigh


"Zyrille, Crush mo ba si Jarelle?" biglang tanong ni Lyka.

"Huh? Bakit mo natanong?" gulat na sabi ko sa kanya.

"Kanina ka pa kasi nakatitig sa kanya." sabi niya sa akin habang titig na titig sa akin.

Biglang nag init ang pakiramdam ko. 




"Nagblush ka! Crush mo nga siya?" sabi niya sa akin. Nagnod naman ako sa kanya. 


I'm WrongWhere stories live. Discover now