"Daan muna tayong Hide Out. Pinapapunta tayo doon nila Alexa." sabi ni Aira.
Siya kasi madalas may load kaya siya yung nakakausap nila Alexa.
Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na kaming tatlo ay GANGSTER.
Mahirap bang paniwalaan?
Hindi naman kami yung tipong pala away talaga. Kami yung gangster na binuo para sa ikatatahimik ng lugar laban sa mga nanggugulong gangsters.
Gets niyo??
Kung hindi?? Bahala na kayo, wala ako sa mood magpaliwanag.
"Tara na! Ikwento mo na rin sa amin kung bakit ka ganyan." sabi ni Khylle
Hinila na niya kami papunta sa parking area.
*********************
"Hahahahahahaha" tawa nilang dalawa.
Kinuwento ko kasi sa kanila yung tungkol kay Jarelle at yung nangyari kanina.
"Ang bad niyo talaga. *pout*" sabi ko sa kanila
"Sorry... Hahahaha. Kasi naman... hahaha." - Khylle
Tinignan ko siya ng masama
"Hahahahahaha. Kawawa ka naman brad. Huwag ka ng malungkot diyan malay mo maging lalaki pa siya." sabi ni Aira. Buti pa siya may matinong sinabi.
Tama! May pag asa pa siyang maging straight. Tiwala lang.
"Thanks Brad!! *smile*" sabi ko sa kanya.
Naging hyper nanaman ako.
"Bumalik ka na sa dati. Hahaha. Pero dami na talagang gwapong bakla no?" sabi ni Khylle.
"Yup. Kung may natitira naman na gwapong straight, puro mayayabang naman." sabi naman ni Aira. Bitter talaga ito pagdating sa lalaki.
"Nandito na tayo." - Aira
Bumaba na kami sa sasakyan ni Aira. Sasakyan ni Aira yung sinakyan namin. Siya din nagdrive. May sasakyan din naman si Khylle pero sabi niya isang sasakyan na lang daw gamitin para makapagkwentuhan kami.
Sus! Tinatamad lang yan magdrive.
Ako naman walang sasakayan. Masyado pa daw kasi akong bata sabi lola.
Nakatira kasi ako sa bahay nila. Sila mama at papa nandoon sa Manila, kasama si Kuya Jazzer.
Matagal ko na palang hindi nakikita si kuya. Miss na miss ko na siya.
"Bakit nakasimangot ka nanaman?" - Khylle
"Wala, Naalala ko lang si kuya." - Ako
"Alexa! Tama na yang pakikipag asaran mo. Nandito na sila Aira." sabi ni Sandra.
Nandito din pala ang mga boys. Hinati kasi sa dalawa ang Silent Killer. Silent Killer B (Boys) at Silent Killer G (Girls).
"Bakit mo pala kami pinapunta dito?" tanong ni Aira kay Alexa.
"Hindi ako yung nagpapunta. Yung kuya mong siraulo." sabi naman ni Alexa.
I'M WRONG: PART 1
Start from the beginning
