Waaaaah!!
Kinausap niya ako. Thank you po Lord.
"Hello. *smile*" bati ko sa kanya.
Nakipagkwentuhan siya sa akin. Kung kanina medyo ilang pa ako sa kanya, ngayon hindi na!!
********************
3 weeks na ang nakalipas. Okay na kami ni Jarelle, nakakapag usap na kami.
Marami na din akong mga naging friend at higit sa lahat....
crush ko pa rin siya.
"Zyrille" tawag sa akin ni Jarelle.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Tingin ka doon." Tinuro niya yung sa labas ng bintana.
Tumingin naman ako doon.
"Gwapo niya no?" sabi niya sa akin.
Mas gwapo ka pa diyan.
"Pwede na rin. Bakit? Crush mo?" biro ko sa kanya.
"Yup! Crush ko siya." sabi niya sa akin na parang kinikilig pa.
OMG!!! May crush siyang lalaki? Bakla ba siya?
Pero hindi naman masama ang magkacrush sa kapwa niyang lalaki. Ako nga may crush na babae eh.
"Oi! Bakit ganyan yun mukha mo? Dont tell me crush mo din siya? Walang agawan ng crush, akin lang siya." sabi niya sa akin.
Napataas bigla ang kilay ko.
"Hindi ko siya crush." sabi ko sa kanya.
Hindi ko siya crush kasi ikaw ang crush ko.
"Bakit ganun reaction mo kanina? Parang gulat na gulat ka. Normal lang sa isang bakla ang magkacrush sa isang lalaki." sabi niya sa akin.
Teka! Tama ba narinig ko?
"BAKLA KA?!" gulat na sigaw ko sa kanya.
Nagtinginan bigla sa akin ang mga kaklase ko.
"Hahahahaha. Hindi mo ba alam? Yup, bakla ako." sabi niya.
Napansin ko na nagsitawanan din yung mga tropa niya.
Bakla siya?
Si Jarelle Lim?
Ang crush ko...
Ay isang bakla.
Bakit hindi ko agad napansin yun?
Ang crush ko ay isang POGAY.
***********************
"Zyrille" hinanap ko yung tumawag sa akin. Nakita ko si Khylle at Aira.
"Bakit ganyan mukha mo? Parang pasan mo ang daigdig?!" sabi sa akin ni Khylle pagkalapit nila.
Sinimangutan ko lang siya.
Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon.
"Uwi na tayo." sabi ko sa kanila
I'M WRONG: PART 1
En başından başla
