"Okay! Lyka, nice to meet you. Tawagin mo na lang akong Zyrille. Friend?" sabi ko sa kanya
"Sure! Friend na tayo." sabi niya.
Nakipagdaldalan ako sa kanya habang wala pang prof na pumapasok.
Natigilan ako bigla sa pagdaldal nang may nakita akong gwapo na dumaan sa labas ng room. Nakita ko siya mula sa bintana. Glass window kasi yung gamit tapos makikita mo pa yung mga dumadaan sa labas kahit nakasarado.
Sinudan ko lang yung dumaan hanggang sa nakita ko na lang na pumasok siya sa room.
*____*
Kaklase ko siya?
Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa kanan ko.
Waaahh! Katabi ko siya. ^_____^
Maya maya may pumasok nanaman na isang babae.
Wow! Ang ganda niya. *___*
Umupo naman yung girl doon sa upuan na nasa likod ko.
Binalik ko ulit yung tingin ko doon sa lalaking pumasok kanina. Kinakausap na niya yung girl na nasa kanan niya.Gusto ko siyang kausapin, pero nahihiya ako.
Dumating na yung prof namin.
*Blah.blah.blah.*
Nagpakilala lang isa't isa at si Lyka na yung sunod.
Tumayo na siya at pumunta sa harapan.
"My name is Enimsaj Lyka Benamir. 17 yrs old." sabi ni Lyka.
Pagkatapos ay pumunta na ako sa harapan para magpakilala.
"Im Zyrille Janzen Padrigon. 16 yrs old." pagpapakilala ko sa kanila.
Bumalik na ako sa upuan ko. Tumayo naman yung katabi kong lalaki.
Tinignan ko lang siya habang papunta siya sa harapan. Ano kaya pangalan niya?
"Im Jarelle Lim. 17yrs old." pagpapakilala niya.
Jarelle Lim pala name niya. Parang Jireh Lim lang ang peg.
"Im Kheden Constantino. 17 yrs old."
Napatingin ako bigla sa harap. Yung magandang babae na pala yung nagpapakilala. Masyado yata ako Natulala kay Jarelle. Gwapo niya kasi. ^___^V
***********************
~Next day
Sana makausap ko na si Jarelle mamaya. Hihihihi!!
Pumasok na ako sa room na may ngiting wagas. ^_____^
"Good Morning Lyka." bati ko sa kanya.
"Good Morning." bati niya sa akin.
Nakipagkwentuhan muna ako sa kanya habang wala pang prof.
"Cr muna ako ah. Habang wala pang prof." paalam sa akin ni Lyka. Nagnod naman ako sa kanya.
Sinundan ko siya ng tingin. Pagkalabas niya ay pumasok naman si Jarelle.
Umupo na siya sa tabi ko.
"Hi Zyrille. *smile*" bati niya sa akin.
I'M WRONG: PART 1
Start from the beginning
