Elemental Academy

Start from the beginning
                                    

"Mga anak!"niyakap ni Angelica at Carl sina Audrey at Andrey.

"Kumusta na kayo?"tanong ng mama nila.

"Ayos lang naman kami. At, nagka-ayos na kami ni Andrey. Hindi na siya masungit."sabi ni Audrey sabay tawa.

"Sinisiraan mo na naman ako kina mama eh!"inis na sabi ni Andrey.

"Hindi kaya!"sabi ni Audrey.

"Tumigil na kayo. Mabuti pa, maghanda na kayo para mamayang gabi."utos ng papa nila.

Sumunod naman sila sa utos ng papa nila.

Kinagabihan....

Audrey's POV...

Nandito ako ngayon sa dorm namin ni Cindy. Nauna si Cindy pumunta sa occasion hall. Sinundo kasi siya ni Andrey. Ako? Hay! Hindi mangyayari yun. Tinitingnan ko ang sarili ko sa isang full length mirror. Naalala ko pa ang kaarawan ko. Yun ang araw na pinaka-ayaw ko sa lahat. Hayst! Naiiyak na ako.

Ready na ako! Biglang may kumatok sa pintuan.

"Sino naman yun?"sabi ko at lumapit sa pinto.
"Sino yan?!"pasigaw kong tanong mula sa loob.

"Si Ethan 'to!"sagot niya.

Nangyari na 'to dati eh! Dahan-dahan kong pinihit ang door knob. Ng mabuksan ko na ito... Nakita ko si Ethan na nakapanghimulsa pa, magulo ang buhok, mga kulay berde na mga mata, at kissable lips. Wait! Erase, erase!

"Ang tagal mo namang magbukas ng pinto."inis niyang sabi.

"Anong ginagawa mo dito?"wala sa sarili kong tanong.

"Hindi ba obvious?"tanong niya.
"Sinusundo kita."dagdag niya.

Kurutin niyo nga ako kung nananaginip ba ako! Anong nakain nitong mokong na 'to? Nakalunok ba 'to ng kung anong bagay?

"Ako? Sinusundo mo?"takang tanong ko.

"Siya! Siyang sinusundo ko!"pilosopo niyang sabi.
"Ikaw lang ang nandito di ba? Eh di ikaw ang sinusundo ko!"asik niya.

"Nagtataka lang naman ako."sabi ko.

"Wag ka ng magtaka. Halika na. Magsisimula na ang Majestic Ball."yaya niya sa'kin at hinawakan niya ang kamay ko.

Sabay kami ni Ethan na umakyat sa stairs patungo sa occasion hall. Sabay kaming dalawa na pumasok sa pinto. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa'min.

I hate too much attention!

"Halika na."yaya ni Ethan.

Tumango lang ako as response.

Bumalik naman sila sa pagsasayawan.

"Pwede ba kitang maisayaw?"tanong niya.

"Syempre naman."I responded.

Sumayaw kami ni Ethan.

"Na-miss kong makasayaw ka Audrey."sabi niya na ikinagulat ko.

"Bumalik na ba ang alaala mo?"takang tanong ko. Ngumiti lang siya at niyakap ako.

"Di ba sabi ko hinding-hindi kita kakalimutan? Tinutupad ko na ang pangako ko."sabi niya habang nakayakap sa'kin.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa'kin.

"Sabihin mo. Kailan mo pa naalala huh?"tanong ko at naiiyak na.

"Di na yun mahalaga. Hindi ka ba masaya na naalala ko na lahat?"tanong niya.

"*Smile* Syempre naman masaya!"sagot ko.
"Ang daya mo kasi eh! Hindi mo agad sinabi sa'kin."sabi ko at nag-pout.

"Wag ka ng magtampo."sabi niya habang pinipisil-pisil ang pisngi ko.
"Ang cute mo pag nag-pout eh!"dagdag niya.

"Sige! Bolahin mo pa ako!"sabi ko.

"Hindi ah!"tanggi niya.
"I love you."mahina niyang sabi at alam niyang narinig ko yun.

Ngumiti lang ako.

"Wala bang respond diyan?"inis niyang tanong.

"Oo na! I love you Ethan Flame."sabi ko.

Bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"Hoy! Sinasamantala mo huh!"sabi ko.

"Hayaan mo nalang ako. Na-miss kita ng sobra. Kaya wag ka ng magalit."sabi niya.
"Hindi na kita iiwanan pa Audrey. Pangako yan."dagdag niya.

Ngumiti lang ako at niyakap siya.

Author's note...

Yun na po ang epilogue ng story ko. Bitin ba yung ending?

Well, yun na ang final! Wala ng pumapasok sa kokote ko.

Full storage na ang utak ko!

And if you have any questions or clarifications, or anything you want to know, you can message me in my fb account (Charlotte Ploma).

Love ya! Mwwaahhh!!!😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘

Bye!!!!💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖

Elemental Academy (Completed)Where stories live. Discover now