Elemental Academy

1.6K 47 1
                                    

Chapter 19: The destined happening...

Ethan's POV...

Nakita ko si Audrey na nakaluhod sa lupa. Nakita ko na may papatama na puno papunta kay Audrey kaya nag-teleport ako papunta kay Audrey at hinati ang puno. Natalsikan ako ng mga parte nito kaya nasugatan ako sa braso. Tumawa lang si Dan.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"tanong ko.

"Tumingin ka sa likuran mo."utos niya.

Pagtingin ko... May paparating na mga pana patungo sa'kin. Buti nalang at nasangga ko yun. Alam ko kung sinong may gawa nun. Si Audrey.

"Audrey, tumigil ka! Hindi ako ang kalaban mo!"sigaw ko.

Pero nag-smirk lang siya ng nakakatakot.

"Dan! Ano bang ginawa mo sa kanya?!"pasigaw kong tanong.

"Simple lang. Body Manipulation. Tingnan lang natin kung sinong matatalo sa inyong dalawa."sabi niya.

Binaling ko ang tingin ko kay Audrey. Wala siya sa sarili niya. Ang kulay lila niyang mga mata ay may halong kulay itim. Hindi ko siya kayang saktan. Tiningnan ko ulit si Dan.

"Itigil mo na 'to!"sigaw ko.

"Hindi ako tanga para gawin yun."sabi niya.

Biglang sumugod si Audrey papunta sa'kin kaya umilag ako.

"Audrey."sambit ko.

"Ano pang hinihintay mo Ethan?"mahinahon niyang tanong.
"Labanan mo 'ko. Di ba matapang ka? Wag mong sabihin na lumambot ka kaya hindi mo ako kayang saktan? Di ba Ethan? Hindi mo 'ko kayang saktan."sabi niya habang lumalakad patungo sa'kin.

"Oo. Kaya kontrolin mo na ang sarili mo. Kundi mapipilitan akong saktan ka."sabi ko.

Nag-smirk lang siya at sinugod niya ako. Sobrang bilis niyang kumilos. Kaya nagagawa niya akong sugatan. Pero nasugatan ko naman siya.

Bakit ngayon ko lang 'to naisip? Si Dan ang kumukontrol sa kilos ni Audrey kaya siya dapat ang tapusin ko at hindi si Audrey. Nag-teleport ako papunta kay Dan at siya ang kinalaban ko.

Ginamit ko ang kidlat para makagawa ng isang napakalakas na fire at lightning ball. Marami ang ginawa ko para masiguro na matatamaan talaga si Dan. Pero sinangga ito lahat ni Audrey. Pero natalsikan pa rin si Dan kaya tumilapon ulit siya.

(A/N: Hahaha! Kawawa naman si Dan, palaging natitilapon! 😂😂😂)

Hindi ko na hinintay pa na makatayo si Dan at sinugod ko na siya agad. I jumped in the air and my wings came out. My wings are covered with fire. I flapped my wings towards him and a fire bolt rushed towards him so fast like a lightning.

"Ahhh!!!"he groaned in pain.

I dove towards him with a fire blade and that made a cut on his body.

"Itigil mo ang pag-kontrol kay Audrey... At pakakawalan kita."utos ko sa kanya.

Biglang nawalan ng malay si Audrey. Ibig sabihin, tinigil na ni Dan ang pag-kontrol sa kanya.

"Pasalamat ka at hindi ko kinalimutan na naging magkaibigan tayo minsan. Kundi kanina pa kita tinuluyan."saad ko.
Bibigyan ka namin ng isa pang pagkakataon para magsimula ng bagong buhay. Papipiliin kita. Sasama ka sa'min, o magiging isa kang kalaban?"tanong ko.

"You leave me no choice. Sasama ako sa inyo."sabi niya.

"Kung ganun, pwede mo ba akong gawan ng pabor?"tanong ko.

"Kahit ano."sagot niya.

"Dalhin mo si Audrey pabalik sa Academy. Wag mo siyang pabayaan. Pigilan mo siya kapag gusto niyang sumunod sa'kin. Bantayan mo siya Dan, para sa'kin."habilin ko kay Dan.

"Pangako yan Ethan."sabi niya at binuhat niya si Audrey.

"Mahal kita Audrey."bulong ko sa sarili.

Pumasok na ako sa forbidden gate.

Dan's POV...

Dinala ko si Audrey pabalik sa Academy. Nakita naman kami ni Principal Frost.

"Bitawan mo siya!"sigaw nito.

"Teka lang! Hindi ako kalaban. Dinala ko lang siya dito dahil yun ang sabi ni Ethan."paliwanag ko.

Lumapit siya sa'min at tiningnan niya si Audrey.

"Ihiga mo siya."utos niya. Binaba ko naman si Audrey at ng mahiga na siya sa damuhan, ginamot siya agad ni Principal Frost gamit ang healing ability niya. Sa ilang sandali pa ay nagising na si Audrey.

Audrey's POV...

Nagising ako na di alam kung anong nangyari kanina.

"Nasa'n si Ethan? Anong ginawa mo sa kanya?"tanong ko kay Dan at umatras ng kaunti.

"Relax ka lang! Hindi ko siya pinatay noh. Pumunta siya sa..."hindi niya tinapos ang pagsasalita.

"Saan? Saan siya nagpunta?!"halos pasigaw kong tanong.

"Pumasok siya sa forbidden gate patungong Dark World."sagot niya.

"Ano?!"pasigaw kong tanong.
"Bakit di mo siya pinigilan?!"tanong ko at tumayo tsaka lumakad.

"Audrey sandali."sigaw niya at hinawakan niya ang braso ko.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"pagpupumiglas ko.

"Hindi ka pwedeng pumunta dun!"sabi niya.

"At siya pwede? Alam mo, dahil 'to sayo eh! Kung di mo 'ko kinontrol, eh di sana hindi siya mag-isang pumasok dun!"sumbat ko.

"Tama ka. Pero hinabilin niya na wag kang sumunod sa kanya."sabi niya.

"Hindi mo 'ko mapipigilan."saad ko at umalis. Sumunod naman sa'kin si Dan.

Pumasok kami sa forbidden gate at nakita ko si Ethan na sugatan na at nakaluhod sa lupa.

"Ethan!!!"sigaw ko.

"Audrey."rinig kong bulong niya sa sarili.

Nag-teleport ako papunta kay Ethan at lumuhod sa harapan niya.

"Ethan, anong nangyari?"tanong ko.

"Bakit ka sumunod?!"galit niyang tanong.

Dumating naman si Dan.

"Pasensiya ka na Ethan. Makulit siya eh. Ayaw magpapigil."paliwanag ni Dan.

"Dahil ayoko na lumaban ka na mag-isa."sabi ko.
"Halika na. Tapusin na natin 'tong laban na 'to."dagdag ko at tumayo na kami.

Pumasok na kami sa palasyo. Napakadilim dito. Ang nagtatanging ilaw lang namin dito ay ang ilaw ng buwan.

Napansin namin ang pintuan nito sa dulo. Pumasok kami dun at nakita namin ang isang lalaki na nakaupo at para bang hinihintay niya kami.

"Dumating rin kayo sa wakas. Lalo ka na Angelica."sabi niya at tumingin sa'kin.

Angelica? Si mama ba ang tinutukoy niya? Napansin ko rin na may picture siya ni mama sa pader.

"Genesis."bulong ko.

"Sobrang kamukha mo ang iyong ina. Napakaganda mo talaga.See? Dumating din ang araw na babalik ka rito."saad niya.
"Ikaw lang ang kailangan ko. Bakit ka nagsama ng iba?"tanong niya.

"*Scoffed* Hindi ako nagpunta dito dahil sa gusto mo. Pumunta ako dito para tapusin ka!"asik ko.

A/N: Ang tigas talaga ng ulo ni Audrey! Gaya ng writer! Hahaha!!! 😂😂😂

See you at the next chapter. It's not yet the end of the chapter.

Bbbbyyyeeee!!!😘😘😘

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖

Elemental Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon