"Halika, bilhin na natin 'tong mga 'to!"sabi ni Cindy at binayaran na namin ang mga dress na napili namin. Pagkatapos nun ay agad na kaming umuwi sa dorm.

Ito ang unang party na walang halong takot at lungkot. Masaya na ako at nandiyan si Ethan at buhay siya. Pero mas masaya sana kung may naaalala siya.😖😖😖😖😖😖😖😖😖😖😖😖😖😖

Ethan's POV...

Ba't parang araw-araw nalang akong ganito? Pakiramdam ko may isang bagay na mahalaga sa'kin na di ko alam. Ano kayang nangyayari sa'kin? Ba't kapag nakikita ko si Audrey ay nagiging malambot ako? Nawawala yung pagka-sungit ko. Anong koneksiyon ko sa kanya? May nangyari ba na di ko alam? Ang daming katanungan na nandito sa isip ko, at si Audrey lamang ang makakasagot nito. Buti pa... Puntahan ko si Audrey. Tama! Pupuntahan ko nalang siya.

Umalis ako at nagtungo sa dorm nina Cindy. Kumatok ako sa pinto. Lumabas naman si Cindy.

"O Ethan? Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo?"sunod-sunod niyang tanong.

"Nandiyan ba si Audrey?"tanong ko.

"Wala siya rito. Kakaalis niya lang."sagot niya.

"Sa'n siya nagpunta?"tanong ko ulit.

"Ewan ko. Di niya sinabi."saysay niya.

"Ganun ba? Sige salamat."sabi ko at umalis na.

Nilibot ko ang buong academy pero di ko siya nakita. Hayst! Sa'n na ba yung babaeng yun!😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤
😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤

Nagpunta ako sa likod ng academy at umupo sa gilid ng batis. Dito ako nagpupunta kong medyo nabo-bored ako. May narinig ako na nag-uusap. Kaya tiningnan ko yun. Si Audrey at Drake.

"Audrey!"sigaw ko.

Audrey's POV...

Nandito ako ngayon sa likod ng academy at nakasandal sa puno ng bigla akong tinawag ni... Drake.

"Audrey!"tawag niya.

"Drake! Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Wala lang."sabi niya at tumabi sa'kin.
"Miss mo na ang mahal mo noh?"tukso niya.

"Tumahimik ka nga!"sabi ko.

"Aminin mo na kasi. Nasasaktan ka dahil wala siyang alaala tungkol sa'yo."sabi niya.

Napa-buntong hininga nalang ako.

"Halata ba?"tanong ko.

"Naku! Halatang-halata!"asar niya.

"Totoo yun! Kanina pinapunta ko siya sa office ko. First time ko siyang nakita na nagpaliwanag at nagpakumbaba sa harap ng isang tao."saad ko.

"Alam mo bang ibig sabihin nun?"tanong niya.

"Ano?"

"Binago mo siya. Ikaw ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan. Nalimutan ka nga niya sa isip, pero di ka naman niya nalimutan sa puso niya."saysay niya.

"Salamat Drake huh at nandiyan ka para pagaanin ang loob ko."sabi ko.
"Ah siya nga pala! Kumusta na kayo ni Elaine?"tanong ko.

"Wag mo ng alamin. Sa'min na yun."saad niya.

"Ang daya mo naman! Ako nga sinasabi ko sayo lahat. Ikaw hindi mo sinasabi kung kumusta na kayo."sumbat ko at nag-pout.

"Wag ka ngang mag-pout. Ang cute mo eh!"sabi niya.

"Tigilan mo nga ako! Ang unfair mo."sabi ko.

"Siya nga pala. Yung lalaking nilapnosan niya ng braso kanina, nagamot na."saysay niya.

"Buti naman at nagamot na siya."

"Bagong student daw yun. Pinapa-sorry siya ni Ethan pero di siya nag-sorry. Kaya yun! Nilapnos ni Ethan ang braso niya."saad niya.

"Kaya naman pala. Bagong student naman pala kaya walang alam tungkol sa kanya."sabi ko.
"Ba't ba ang hilig niyang makipag-away sa new student?"tanong ko.

Biglang...

"Audrey!"sigaw ni... Ethan.

A/N: Naku lagot! Baka kung anong isipin ni Ethan!

Next chapter na po. Or should I say... The epilogue...😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭

Mami-miss ko si Audrey at Ethan!

Hahaha! Joke lang!

Bye guys! Mwwaahhh!!!😘😘😘
💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖

Elemental Academy (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें