TGWHATE [8]

1.9K 70 5
                                    

TGWHATE [8]

Pagkarating namin ng school E medyo nakuha lang naman namin ang atensyon ng madla. Wahhh. Iba pala talaga ang alindog ng Evil na ito.

“B-Bakit sila magkasama?” narinig kong tanong nung isang babae.

“Marielle hindi kaya kinuha na niya satin si Tobby natin?”galit na sabi noong isang babae doon sa unang nagsalita.

“What? Hindi ako papayag. I mean hindi tayo papayag na mapunta lang sa baliw na yan ang ating pinakaini-ingatan na si Tobby.” Sabi naman noong pangatlo.

“Can you shut up Kim. Naiirita ako sa boses mo.” Saway naman noong Marielle sa pangatlong nagsalita. Medyo napahiya yung pangatlong babae, naawa tuloy ako…

 

*Bogsh*

“Aray…” hinilot hilot ko ang ulo ko na bumangga sa likod ni Tobby.

“Can you just walk properly, hindi yung para kang tangang nakatingin doon sa Tres Maldita’s.” Sabi niya.

“Sorry naman.” Sabi ko. Pero Teka Tres Supladita?

Sila pala yun? Palagi ko lang silang naririnig sa mga estudyante pero hindi ko alam na sila pala iyon. Wahhhh! Fan na Fan talaga nila ako…

Bukod kasi na maldita sila E lumalabas din sila sa TV, kaya kilala sila. Gustong gusto ko yung kamalditahan nila pero ayoko namang gayahin. T_T

Sa huling pagkakataon ay lumingon ulit ako sa kinatatayuan ng Tres Maldita’s kaso bakit naging apat sila?

Hindi ba kanina tatlo lang iyon?.

“Hoy Crazy Bitch. Can you make it faster?” nagsimula na lang ulit ako maglakad. Isinawalang bahala ko na lamang iyong nakita ko. Nang makarating kami ni Tobby sa may hallway ay napa-atras na naman ako ng may Makita akong babaeng naka sabit sa kisame habang papalapit ito ng papalapit sa kinatatayuan ko.

The Girl who had a Third Eye [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon