Hindi naman ako nakapagsalita. Oo aaminin ko, lahat ng lalaki tingin ko manloloko. Lahat sila pare-pareho lang sa paningin ko. Ipaparamdam na mahal ka nila pero sa huli iiwan ka din.

“Don’t be afraid to fall in love Reine,” sabi ni ate Nique sa’kin. Bago pa ako makapagsalita ay nagpaalam na siyang umalis.

***

Pagdating sa bahay ay iniisip ko pa din ‘yung huling sinabi sa’kin ni ate Nique kanina sa school.

“don’t be afraid to fall in love Reine.”

Takot ba talaga akong ma-inlove? Parang hindi naman eh. Ayoko lang talagang masaktan tulad ng nangyari kina ate Nique at Meijei.

 

Blake Asuncion: “Reine? :(“

 

Bigla na lang nag-message sa’kin ang lalaking nagbigay ng sakit sa ulo ko. Magre-reply ba ako?

Blake Asuncion: “Sorry talaga Reine. Pero kasi hindi ko kayang kalimutan ka na lang basta-basta tulad ng sinabi mo sakin. :(“

Bakit ba kasi ako pa ang nagustuhan ng lalaking to? Ang tibay-tibay niya din. Kaya mas lalong ayokong mapalapit sa kanya eh. Nasanay kasi akong na-iintimidate ang mga lalaki sa’kin. ‘Yung tipong kapag sinabi kong ‘hindi pwede’ hindi na sila nagpupumilit. Lahat sila takot sa’kin...maliban lang sa lalaking ‘to.

Blake Asuncion: “Reine. :(“

Jiane Castillo: “Ano?”

Hindi ko din natiis at nireplayan ko na lang siya. Kasi feeling ko ang sama-sama ko. Sorry kasi siya ng sorry.

Blake Asuncion: “sorry talaga. I just can’t forget you”

Jiane Castillo: “pwede ba stop saying sorry? Feeling ko ang sama-sama ko sa pagso-sorry mo eh”

Blake Asuncion: “okay..pero okay na ba tayo? Hindi ka na galit sakin?”

Ang gulo! Gusto ng puso ko pero kontra ‘tong isip ko. Ano ba talaga? Ang hirap ha! Argh! Bahala na. Huminga ako ng malalim. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko.

 

Jiane Catillo: “Okay na tayo..pero pwede maghanap ka na lang ng iba? Kasi kawawa ka lang talaga sa’kin”

 

Blake Asuncion: “ayoko Reine. Tanggap naman kita despite of your flaws eh. Nagpapakatotoo ka lang naman.”

‘Yung totoo bakit ganito siya? Ano ba siya, nabuhay na male fictional character ng isang kwento sa wattpad? He’s too good to be true. ‘Yung mga sinasabi niya tumatagos sa pader na pinagawa ko para lang sa puso ko.

 

Blake Asuncion: “Reine?” :(

The REAL Him.ON-GOING.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon