Si Bespren

10 0 0
                                        

"Walo...Siyam...Sampu. Haaay! Nasaan na ba iyon?" Inip na sambit ni Chuchay sa kanyang sarili habang hinahanap ang kanyang kaibigan na nagtatago sa palaruan ng kanilang munting eskwelahan sa bayan ng San Roque, dapit-hapon ng Biyernes. Madilim na. Nakatatakot nang umuwi kapag sumapit na ang gabi. Tila may mga matang nakatingin na may balak gawin ang sasalubong sa kanilang pag-uwi. Makalipas ang ilang minuto, patuloy si Chuchay sa paghahanap sa kaniyang kaibigan na si Beshie. "Lumabas ka na! Kanina pa ako naghahanap dito. Tiyak na pagagalitan tayo ni nanay kapag nahuli tayo sa pag-uwi at kapag hindi kita nahanap! Wala pa tayong pera pampalit sayo". Nanginginig na humagikhik si Beshie nang marinig ito. "Naawa sa kanyang kaibigan, pahapyaw itong nagpakita.



"AHA! Andiyan ka lang pala ha! Napakaliit at napakanipis mo kasi kaya hindi kita nakita." Sabi ni Chuchay. "Napakasama mo! Tara na nga at umuwi na tayo". Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay pauwi, hindi napigilan ni Chuchay ang mag-vlog kasama ang kanyang kaibigan sa kabila ng kanilang mga nakatatakot na dinaraanan. Nakuha pa niyang magbiro at humalakhak na tila isang maingay na kalderong nakabubulahaw ng milyong tao. "Anong tawag sa cell phone ng mga lola? Edi MOTOLOLA!" HAHAH-Dinukot ng mga armadong lalaki si Beshie. "Tulong! Tulungan niyo ako!" At sa mga sandaling iyon, wala na siyang nagawa upang maibalik ang kanyang kaibigan.



Sa kanyang pag-uwi, napuno ang kanyang tenga ng bulyaw ng kaniyang ina. "Huwag ka nang umiyak diyan! Mabuti nga at ikaw ay hindi nasaktan! Hayaan mo sa isang lingo, kapag mataas ang iyong grado bibilhan ulit kita ng panibagong cellphone."






DagliWhere stories live. Discover now