Terms And Conditions

256 16 0
                                    

When I was younger, we existed and easily found bliss without the internet.

I mean…

Nasubukan niyo na bang mapagod sa kaka-research ng assignments at upcoming class reports sa National Library? ‘Yung happiness na makipag-palitan ng sulat-kamay na letter gamit ang mabangong stationery? At oo, ang magbayad ng membership sa Video City para lang makapanood ng movies sa bahay kasama ang pamilya kahit mahal per DVD? 

However, aaminin ko na ang pag-usbong ng internet sa ating araw-araw na transaksyon ay malaking tulong sa ating fast-paced na buhay. Kaakibat ng pag gamit ng mga libreng platforms kagaya na lamang ng Facebook, Twitter, Snapchat, Instagram, ay ang requirement na kailangan nating mag-supply ng ating mga personal informaton para sila ay ating ma-utilize. Kung ganuon nga, naisip ba natin ang seguridad ng mga detalyeng malaya nating isini-share sa mga sumusunod na platforms? Aware ba tayo sa kung paano nila pinapakinabanagan ang ating private information at kung paano nga ba natin ito talagang mapoprotektahan?

~TERMS AND CONDITIONS~

Honestly speaking, I am far from the type who even scans this part. I am too busy para isa-isahin pang basahin ang mga nilalaman nito. Naisip ko, I am sure naman na hindi ako ipapahamak ng app na’to at wala namang mangyayaring masama sa akin sa pag-scroll sa bottom part ng mga bulleted statements at basta-basta na lang i-click ang box na may nakalagay na ‘I agree and understand’.

Very wrong, I must admit!

Sa ‘pag check ng maliit na box na iyon ay umaayon ako sa panuntunan ng app na iyon kahit pang sabihin na ma-violate nito ang aking privacy o kahit hindi man ito umayon sa mga bagay na pinaniniwalaan ko. Sa puntong ito, magiging huli na ba ang lahat kasi padalos-dalos akong sumang-ayon sa kanilang terms of service?

Example: Netflix

‘Terms may be changed any time at their discretion, without notice to the user.’

Sa madaling sabi, halimbawa man na may magbago sa mga bagay na inayunan mo sa umpisa sa kanilang ‘Terms And Conditions’, best example ay ang kanilang monthly fee, ay hindi mo sila pwedeng sisihin at wala kang karapatang mag-complain. You signed up for it, right?

I guess, maiiwasan naman natin itong mangyari kung alam natin ang nilalaman ng mga conditions ng mga apps o sites na sinasalihan natin. Totoo nga na hindi na natin ito mapaglalaanan ng oras sa sobrang demanding ng mga bagay sa ating buhay kumpara sa pagbabasa isa-isa nito. I got that part. Kulang din ang bente-kwatro oras ko para sa akin. Kaya nga gusto ko sanang ibahagi sa inyo na may shortened, but well-explained version ang bawat app na madalas nating binibisita at ito ay makikita sa www.tosdr.org na ang pamagat ay Terms Of Service Didn’t Read.

Curious? I know, right?! Then read and choose awareness. Malay mo, magugulat ka na lang na isang dekada ka na pala sa app na’to ay mayroon palang nag-eexist na ganitong agreement.

Read and you’re welcome.

#makeITsafePH

#makeITsafePHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon