How Strong Is Your Password?

85 13 0
                                    


At kung papaanong ayaw nating magkaroon ng unwanted set of strangers na naka-add sa ating friend's list, mas lalong ayaw nating ma-jeopardize ang nilalaman ng ating social media account sapagkat napakadaling hulaan ng ating password. So, how strong is your password


Remember, ang iyong identity sa digital word ay ang iyong username at password. Ituring itong parang Social Security Number na ang impormasyon ay dapat pag-kaingatan. Kung hindi mag-iingat at may naka-alam nito'y pwede itong gamitin sa mga malicious act at walang ibang pwede ituro sa kasalanan o krimen kung hindi ikaw lamang. Then again, proven na ikaw ay inosente, still, ikaw pa din ay makakasuhan sa pagbibigay ng mga impormasyon na sana ay itinuring na pribado.


Isa sa mga pinaka-mabisang paraan para pag-tibayin ang iyong password ay ang kombinasyon ng upper at lower case na mga letra, dagdagan pa ng mga numero o characters. Maaari din gamitin ang mga pangyayari o pangalan ng isang lugar o tao na hindi pwedeng mai-associate sa'yo.


Habang pinag-titibay ang password, I strongly suggest na gawin din ang 'Two-Step-Verification' process. Tried and tested ko na ito. Para itong extra layer ng security kung ayaw mong may maka-access ng iyong social media account. Once kasi na may nag attempt na mag-log in sa iyong account at hindi nare-recognize ng system ang lugar or IP address kung saan ka naglo-log-in, ire-require ka nitong sagutan ang 'Two-Step-Verification-Process', habang ina-alerto nito ang may-ari ng account na may isang nangahas pasukin ang privacy ng isang user.


Need I say more? Choose awareness. Be safe always.

#makeITsafePHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon