PROLOGUE

9 0 0
                                    

Ainah's POV

"Mae sigurado ka ba sa dinadaanan natin?" kinakabahan tanong ko kay Maesha.

"Ewan ko nga eh. Turn left daw!" turn left?

"Wala namang daanan dito sa kaliwa eh! Saan ba yung sinasabi mo na rest house?" iritang tanong ko.

Paano ba naman kasi, inaya ako ng bruhildang to na magbakasyon sa rest house ng kakilala nya 'kuno'. Tabing dagat daw ang rest house na iyon. May malapit ba na dagat dito? Eh mukhang wala ngang anyong tubig dito eh.

Nasa gitna lang naman kami ngayon ng kakahuyan na walang bahay na pupwedeng tuluyan. Madilim na ang langit at mukhang uulan pa ata! Tsk!

"Eh kasi sabi ng ka chat ko dito daw eh may sinend pa nga syang mapa eh." tang-!

"Sino ba yang ka chat mo? San mo ba nakilala yan?" sunod na tanong ko.

"Ito oh. Tingnan mo" sabi nya sabay abot sakin ng cellphone nya.

'Ben T. Lador? Seriously? Mukhang pinag isipan talaga ang pangalan nya ah'

"Saan mo ba to nakilala?" tanong ko.

"Sa Fb" tengene!

"Seriously?! Mae naman naniniwala ka dyan?! Poser naman ata yan eh!" bulyaw ko sa kanya.

"Hindi naman siguro... Pogi naman kasi yung profile nya eh" sabi nya with dreamy eyes. Nako!

"Kinikikig ka pa talaga dyan ah! Kita na naloko na tayo ngayon at nandito tayo sa gitna ng kakahuyan! At hindi pa ko nagpaalam sa nanay ko!" singhal ko sa kanya.

"Kasi naman e" pagmamaktol nya.

Mag sasalita pa sana ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Deym!

Hinila ko nalang sya at tumakbo ng mabilis.
Hinila ko sya pakaliwa sa mga damo at sumilong sa malaking puno.

"Ok ka lang Mae?" tanong ko sa kanya kasi parang hinang-hina na sya.

"O-Oo o-key lang a-ko" nahihirapang sagot nya.

"Sureball?" panigurado ko.

"S-sureball" sabi nya at sapilitang tumawa.

Hinubad ko yung jacket ko at itinaklob yun sa kanya. Mas lumakas pa ang ulan kaya na pagpasyahan ko na lumusong sa malakas na ulan para kumuha ng mga dahon ng saging na hindi basa at ikinumot ko kay Mae at yinakap sya para hindi masyadong malamig.

Alam ko kasing sakitin tong si Mae. Simula pagkabata ay mag kaibigan na kami kaya bawat sulok ng katawan nya ay kabisado ko, kung may sulok man ang katawan nya.

Nang pakiramdam ko ay tulog na si Mae, iniwan ko muna sya sandali para mag hanap ng bahay o kahit gamit man lang na magagamit para mainitan sya.

Sa paglalakad ko may nakita akong isang malaking gate. Sa sobrang tuwa ko di ko na namamalayan ang mas lumakas pa na ulan.

Wait! Speaking of 'mas lumalakas na ulan'.

"Mae! Sh¡t!" Dali Dali akong tumakbo papunta sa lugar kung saan ko iniwanan si Mae.

Nakahinga naman agad ako ng maluwag ng makita kong nandun padin sya at ganun padin ang ayos nya. Isinakay ko sya sa likod ko at pumunta na sa gate na nakita ko kanina.

Pag dating sa gate. Ibinaba ko muna si Mae sa gilid. Kahit nahihirapan inakyat ko ang gate. Pag dating ko sa kabilang parte madilim dito at wala gaano akong nakikita. Salamat sa kidlat na nagbibigay ng panandaliang liwanag.

Bubuksan ko na sana ang gate at............
.
.
.
.
.
.
.
Bsj7@@@8*!(2+$87='{isnKakdk((${{|{oec!!!!!

Sana di ko nalang inakyat yung gate TT_TT.

Sana di nalang ako nag hirap TT_TT.

Nakabukas naman pala yung gate TT_TT.

Nang matapos akong mag luksa, binalikan ko na si Mae at binuhat ko ulit sya.

Pagpasok sa loob, isang malaking fountain na walang tubig ang bumungad saamin. Pinagitnaan ito ng dalawang daan na pinagtagpo sa kabila. At sa harap non ay isang malaking bahay na wala man lang ni isang ilaw na naka bukas

Malamang Ainah! Meron kayang kuryente sa lugar na toh?!

Tinahak ko ang daan papunta sa bahay na haunted. Charrr.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto magisa. Shizzz.... Deym creepy!

Dahan dahan akong naglakad papasok. Bumungad sakin ang malaki nitong sala na ang mga kagamitan ay nababalutan ng plastic. Inilapag ko si Mae sa sofa kahit may plastic na naka balot dito.

Para itong haunted house na nakikita ko sa mga horror movies. Mabuti nalang at hindi ako natatakot sa mga multo. Ngunit sa munting ipis tumitiklop ako.

Inilibot ko ang tingin ko at nakakita ako ng daan papunta sa kung saan. Tinahak ko ang daan na iyon at bumungad sa akin ang malinis na kusina na May kumpletong mga kagamitan. Sinubukan kong buksan ang gripo sa lababo at laking tuwa ko ng makitang May tubig iyon. Nag lagay ako ng tubig sa takureng nakita ko at isinalang ito sa di uleng na lutuang nandito. Pagkakulo nito, sinalin ko ito sa stainless na maliit na planggana. Dala ito bumalik ako sa sala kung nasaan si Mae.

Ngunit muntik ko nang mabitawan ang hawak ko nang May nakita akong tao na nakatayo sa madilim na parte ng hagdan habang nakaharap sa gawi ko. Sa tindig nya malalaman agad na lalaki sya. Hindi ko makita ang mukha nya dahil masyadong madilim sa lugar na iyon. Nang kumidlat napasigaw ako at tuluyan kong nabitawan ang hawak ko ng makita ko ang mukha nya.

Nakakatakot. Mag kaiba ang kulay ng kanyang mga mata. Nababalot ng puting tela ang kanyang mukha. Kulay itim ang buhok nya.

"Sino ka?!"

†-†-†-†-†-†-†

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Freak And The BeastWhere stories live. Discover now