Pag-asa
Alam mo kung ano ang aking ipinagtataka?
Ito ay kung bakit na,
Sa dinami-rami ng mga tao sa mundo,
Ay bakit ikaw pa ang nagustuhan ko?
Ikaw na hindi ko kailan man maaabot,
Ikaw na hindi ako kilala.
Ikaw na nagbigay sa puso ko ng kirot,
At ikaw na may iba na.
Bakit?
Bakit nga ba?
Bakit na hanggang ngayon,
Ay mahal pa rin kita?
Ako'y nagsasawa na,
Sa kakaasang ako ay mapansin mo pa.
Kaya patawad, kung ako'y susuko na.
