Anne's POV
Maaga akong gumising dahil excited na excited na ako para sa unang araw ng pasukan. Naunahan ko pa nga si mama sa paggising sa sobrang kasabikan e.Pagbangon ko ng kama, humarap agad ako sa salamin sabay tanong sa sarili, “Line of seven na naman kaya ang makukuha kong grade sa Math?” Kasabay rin nito ang aking pag-hikab.
Haaaaaaaay.
Ngumiti pa ako sa salamin at nagpakyut nang biglang nagising si mama. Ang buong akala n’ya ay tulog pa ako sa pansitan kaya naman tinawag n’ya ako. “Anne, bangon na!” Laking gulat ni mama nang makita n’ya akong nakaharap sa salamin.
“O, nandiyan ka na pala. Ang aga mo yatang nagising a. O sha! Ipagluluto kita ng masarap na almusal habang naliligo ka.”
“Naku! Ma, ‘wag na. Ayokong ma-late sa klase. Baka pagalitan ako ni Mrs. Bolista. May flag ceremony kasi kami t’wing Monday tulad ng dating gawi.”
Ngumiti si mama sabay taas ng kilay na tila ba nagbibiro siya.
“Anak, ang aga pa. At isa pa, kung mahuli ka man, hindi ka pa naman papupuntahin sa guidance office. Unang araw pa lang kaya ng klase nuh. S’yempre magbibigay ng konsiderasyon ‘yan.”
“Sige na nga po, mama. Ligo lang ako.”
Pagpasok ko ng banyo, pinindot ko agad ang switch ng ilaw. Medyo madilim pa kasi dahil maaga pa, at isa pa takot ako sa dilim. Hinawi ko ang shower curtain at binukas ko ang shower. Ginaw na ginaw na ako nun. Wala pa naman kaming heater. ‘Di kasi uso sa bahay namin ‘yun lalo na’t isa lamang kaming payak na pamilya. Kaya kahit maginaw, tiniis ko. Inisip ko na lang ang maaaring mangyari mamaya sa school.
Sa wakas, natapos din ang journey ko sa Antarctica, este paliligo.
Palabas na sana ako ng banyo nang maalala kong wala akong tuwalya. ‘Yun pala ang nakalimutan kong gawin. Hindi ako nakakuha ng tuwalya. Kung makikisuyo ako kay mama, tiyak na sermon na naman ang aabutin ko. Kung namang lalabas ako sabay takbo, baka mag-collapse ako sa sobrang ginaw. Wala akong choice nun kaya inutusan ko na lang si mama.
“Ma, pahinging tuwalya?”
“Ayan ka na naman! Hindi ka na nagbago, dalaga ka na. Dapat alam mo na ‘yung mga dapat mong gawin. Tulad nyan, e kung nasa ibang bahay ka? Nakakahiya.”
Tama ang hinala ko. Sesermonan lang ako.
Inabot niya sa akin ang tuwalya. Agad ko itong binalot sa katawan ko. Paglabas na paglabas ko ng banyo, tiningnan ko ang oras. Laking gulat ko nang makita kong 6: 45 na. Kailangan ay makarating ako sa skul before seven dahil nga may flag ceremony. (pero 8 am talaga ang pasok ‘pag walang flag ceremony) Nagtatakbo ako papunta sa cabinet kong marupok na minana pa namin sa lola ng lola ko. Kumuha ako ng bra at panty. Hindi ko na pinili kung alin ang magandang panty. Butas pa nga yata ‘yung nakuha ko eh. Basta’t sinuot ko na lang dahil nga may hinahabol pa akong oras. Nagsando ako pero hindi ako nag-panty let. Hindi kasi talaga ako nag-papanty let. Sa totoo lang, sumikip na kasi ‘yung mga short ko nung 2nd yr high school buhat nung summer. Medyo naging chubby kasi ako ngayon.
Sinuot ko agad ang plantsado kong uniform. Tapos umupo agad ako sa harap ng mesa upang simulan ang pagkain. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at tila yata nalimutan kong may hinahabol akong oras. Masarap kasing magluto si mama dahil siya ay may dugong Kapampangan. Hindi tuloy ako agad natapos sa pagkain. Hanggang sa naubos ang oras ko. Nabundat ako at nabunsol. Nahihilo na ako sa busog. Naupo muna ako ng sandali.
Pagkaraan ng ilang minuto, sumakay na ako sa tricycle papalabas ng aming barangay.
Pinara ko ang jeep at sumakay ako. Sa wakas ay nakarating din ako sa skul Late nga lang. Nakita ako ni Mrs. Bolista at sinita nya ako.
ESTÁS LEYENDO
Maling Akala
No FicciónMahirap umasa at mabigo. </3 Para sa mga taong umasa at nabigo, :) Kung nalulungkot ka, idalangin mo na lang kay Bro! God bless!
