PROULOGUE

6 0 0
                                    

" Ladies and Gentleman sa mga kasali  ngayon sa ating Promenade Ball binibigyan namin kayo ng karapatang maisayaw ang taong gusto at pinapangarap niyong makasayaw" announcement ng host na halatang na eexcite sa mga mangyayari ngayon gabi..

Ginala ko naman ang paningin ko at hinanap ang taong matagal nang hinahanap ng mata ko.

" Pat chance mo na to hanapin mo na si Ryoji dali" sabi ng ever supported kong best friend.

" Ehh baka ireject niya lang ako ang dami pa namang tao nakakahiya" sabi ko na kinakabahan kung ano dapat ang gagawin.

Alam mo yung natetempt kang puntahan ang taong gusto mo pero di mo magawa dahil baka ireject ka niya.
Kahit sabihin mong once in a lifetime lang mangyayari ang opportunity  na to,pero ang mahadera mong isip napa ka nega na baka di ka niya pansinin at ang worst ay ipahiya pa.
Nakakabwisit na talaga tong utak at puso na to parati nalang nagsasabong .

"Pat ngayon mo lang siya makakasayaw at isa pa kaya ka nga sumali diba dahil sakanya"

" Oo nga pero nakakahiya te"

" At talagang nahiya ka pa? Sa dinami dami mong ginawang ka abnoyan ngayon ka pa mahihiya?" Sabay kurot sa magkabilaan kong pisnge

" Makapal pa naman ahh"

" Baliw ka talaga "

" So go na wag mong hayaang ako pa ang kumaladkad sayo papunta kay Ryoji" pananakot niyang may panlilisik pa ng mata.

"Oo na "

Habang naglalakad papunta sa upuang naka assign kila Ryoji at sa mga barkada niya, may napansin akong babaeng katawanan niya si Monique na naman ang babaeng na rumor sakanyang girlfriend niya na daw.

At habang palapit ako ng palapit parang gustong umurong ng puso ko sa nakikita ko.
Gusto kong bumalik nalang sa upuan ko at hayaan nalang siyang nakikipag tawanan sa babaeng kinakainggitan ko.

Pero letseng pusong to gusto paring makisiksik kahit alam nang wala nang puwang tong pagpunta ko sakanya.

Blagg

" Sorry miss nakaharang ka kasi'

" Ano ba naman yan kuya di mo ako nakita ahh at nabangga mo ako" sabi kong nanggigigil at gusto ng maiyak sa di ko malamang dahilan.

" Sorry na nga at di ko naman sinasadya,
Bat ka kasi nakaharang?" Tanong niya habang tinutulongan akong tumayo.

" Pakialam mo ba ha? Buhay ko to kaya wala kang pake"


"Sinabi ko bang may pake ako?
Parang nagtanong lang para ka kasing tanga diyan na naghihintay ng kung ano"

Abat mas ginigigil pa ako ng kumag na to ahh ...

"Sorry ahh kung naging tanga ako! Kasalanan ko bang sadyang manhid ka lang o pafall siya o ako lang yung umaasang sasaluhin niya ako!!
Pero dahil tong letseng puso ko siya yung gusto.Di ko naman pwedeng sabihin na Huyy puso pwede bang sa iba ka nalang tumibok.
Huyy utak pwede bang mas isipin mo yung mga babagsakin mong subject kaysa kanya!
Huyy mata pwede bang mas pag tuonan mo ng pansin mga activity mo kaya ka bumabagsak ehh..
Pero hindi kaya wala akong magagawa
Siya lang talaga siyang siya lang di-" may idudugtong pa sana ako sa mga litanya ko ng biglang samin na pala lahat napunta ng atensiyon ng mga tao.

" Pat" tawag sakin ni Lay na parang siya ang nahihiya para sakin at sa mga pinagsasabi ko.


Lumapit ako sakanya at niyakap siya at di ko alam kung ano ang mararamdaman ko masasaktan pa ba ako o mahihiya at gusto ng lumubog sa mga sandaling yun.





A MidNight To RememberWhere stories live. Discover now