"Tara na, Jessy. Sunod na si kuya," si Kuya Ken at tinapik ang balikat ko.

Lumapit naman si Kier sa kay Krisha kaya nilingon din siya ni Chloe.

"Tara na mauna?" nakangiting sabi ni Kier. Ngumiti si Krisha at tsaka umiling.

"Antayin ko na kang sila," aniya.

"Ooooooh." panunuya ni kuya Ken at tsaka tumawa ng malakas.

Napangisi rin ako. Napaka rare maka ranas ng rejection ni Kier dahil talagang nasa sistema nuya ang mahilig sa babae pero kung si Krisha lang din naman e hinding hindi niya masusulot.

"Halika na, si Xander ang type niyan," si Kuya Ken at natatawang hinatak si Kier na mukhang nagulat pa sa naging sagot ni Krisha at di nakabawi agad.

"Uy hindi. Gusto ko lang talaga sila hintayin," si Krisha na nagsusubok na magpaliwanag dahil sa hiya ng banggitin ni Kuya si Xander.

Totoo namang crush na crush niya si Xander mula pa junior highschool kami. Alam naman ng lahat iyon at paniguradong andito lang din siya para suportahan si Xander.

"Let him. Alam mo naman si kuya," ani Chloe at natatawa rin sa natamong rejection ni Kier.

"Sunod na kayo!" si kuya Ken ng medyo nakakalayo na pero bakas parin ang saya sa mukha.

"By the way, may naghahanap din sayo doon kaya tara na." Hinigit ni Chloe ang kamay ko patayo.

"Sino naman?" tanong ko. Ayoko pa sanang pumunta doon pero hindj ko naman pwedeng hindi panoorin si Kuya Marcus na kasali sa drifting ngayon.

"Sino pa ba? Edi si Vaughn!" excited na anunsyo ni Chloe at tuloy tuloy na kaming nagpunta at nakihalo sa maraming tao.

Nakarating kami sa kung nasaan nakatayo sila kuya Ken, Travis na isa ko lang pinsan at si Kier na ngayon ay may kausap na mestisa at matangkad na babae. Katabi ni Deo si Jelina at halata namang dinidiskartehan niya ang kaibigan ko. Naroon din ang iba oa naming mga kaibigan.

"Tama lang na hindi ka sumama, Krisha. Kita mo may kausap agad na bago," si Margou sabay sensyas kay Kier.

Nagkibit lang ng balikat si Krisha. Alam naman din niya sa sarili niya ang ugali ni Kier at talagang si Xander ang gusto niya which is hindi ko maintindihan. Sa totoo lang pare-pareho ang mga pinsan at kuya ko pagdating sa babae. walang exception. Purong matitinik sa babae. Sa sobrang tinik ayon marami ng nasaktan.

Sa kanilang lahat, si Deo at Kier ata ang nagpaparamihan ng mga babaeng nasaktan. Mabilis si Kier sa babae samantalang pafall naman si Deo na madalas hanggang fling lang. Animo'y laro lang sa kanya ang magpaasa ng babae. Once na nameet niya yung goal niya na nainlove na yung babae, iiwan na niya. Kahit papaano si Kier nasasabi niyang girlfriend niya ang isang babae kahit tatlong oras pa lang sila magkakilala.

Si Jim naman na kapatid ni Ayana na isa ko pang pinsan ay tahimik lang madalas at di palakibo pero isa parin mabagsik sa babae. Kung kaugali lang niya si Deo ay iisipin kong ganon din siya pero dahil dumalas siya sa Balanga kung saan naroon ang farm at mini business ng family nila pagka graduate niya ng senior high school ay hindi na namin siya nakakasama. Doon na kasi siya nag college at inaaral na rin nila ang negosyo nila kaya bakasyon na lang siya nakaka uwi dito sa Cabanatuan.

Si Kuya Marcus naman kahit papaano nagseseryoso kung gusto niya yung babae perk once na naturn off siya sa babae hihiwalayan na niya agad. Si Travis naman wala pa atang nagiging girlfriend na humihigit sa isang linggo. Himala na yon kapag umabot ng 8 days sa kaniya ang isang babae. Sa kanila kahit papaano kay kuya Ken ako medyo natutuwa. Malaro siya pero hindi katulad ni Deo.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now