Part 5

34.1K 751 11
                                    


NAGISING si Almira kinabukasan na maganda ang pakiramdam. Nang imulat niya ang mga mata at marinig mula sa labas ng silid na inookupa niya na gising na si Julian at mukhang abala sa kung ano ay napangiti siya.

Bigla niyang naalala ang nangyari kagabi noong makababa siya ng taxi sa tapat ng gusali kung nasaan ang flat ng lalaki. Naabutan niya itong tila tarantang nakaabang sa labas at nang makita siya ay tumakbo palapit sa kaniya. Iyon pala'y labis itong nagalala na umuwing wala siya. Niyakap pa nga siya nito ng mahigpit nang sabihin niyang okay lang siya at namasyal lang. Pagkatapos ay umakyat na sila sa flat nito.

Sa totoo lang ay naninibago si Almira sa pagiging touchy ni Julian. Hindi naman kasi ganoon dati ang bestfriend niya. Naisip niya tuloy na dahil ba masyado siya nitong namiss ay hindi na nito napigilan ang sariling ipakita sa kaniya ang nadarama nito? Baka tama ang mga pamilya nila na talagang may pagtingin ito sa kaniya.

E ikaw ba ganoong lebel ang nararamdaman para kay Julian? Kapag nagtapat siya ng pag-ibig sa iyo, anong gagawin mo? Iyon ang kagabi pa iniisip ni Almira na nakatulugan na niya. Hindi pa niya alam ang sagot. Siguro ay saka lamang niya malalaman kapag nasa mismong sitwasyon na sila.

Bumangon na siya, naligo at saka nagbihis. Nakapagpaalam daw si Julian sa boss nito na hindi muna papasok sa araw na iyon at kahit pahirapan ay pinayagan naman daw ito. Kaya sa araw na iyon ay mamamasyal silang dalawa. Tanghali na siya nagising pero sabi naman ni Julian sa kaniya kagabi na okay lang daw iyon. Alas sais pa daw kasi ng gabi sila lalakad. Masyado daw mainit sa labas kung mas maaga pa sa oras na iyon. Muntik nang makalimutan ni Almira na disyerto nga pala ang Las Vegas.

Pagkalabas niya ng kanyang silid ay wala naman sa living room si Julian. Pero may naririnig siyang kaluskos mula sa kusina. Napangiti si Almira at dahan-dahang naglakad palapit doon upang gulatin ang lalaki. Pero nang makarating siya sa entrada ng kusina ay siya ang nagulat. Dahil hindi nag-iisa si Julian. May kasama itong amerikana na nakakandong sa lalaking nakaupo sa isang silya. Napasinghap siya at napaatras. Napalingon naman sa kaniya ang dalawa na mukhang naglalambingan dahil magkalapit ang mga mukha.

"Almira! Gising ka na pala," bulalas ni Julian at ngumiti pa. Parang hindi man lang nahiya na naabutan niya ito sa ganoong posisyon.

"Oh, this is Almira. I'm so happy to finally meet you," bulalas naman ng amerikana na tumayo na mula sa pagkakakandong kay Julian. Ngiting ngiti itong lumapit sa kaniya na tila ba tuwang tuwa talaga ito. "I'm Sophie," pakilala pa ng babae na niyakap siya at bineso.

Nanigas siya sa kinatatayuan at nanlalaki pa rin ang mga matang tiningnan ang kaibigan niya. "Almira, hindi ba sinabi ko sa iyo na may sorpresa ako? She's my surprise. Sophie, my fiancée."

Napamulagat siya. "Fiancée?"

Nginitian siya ni Sophie na tumabi na uli kay Julian na agad na pumaikot ang braso sa baywang ng babae. "Yep. Fiancee ko siya."

Umawang lang ang labi ni Almira at kahit alam niyang mukha siyang tanga sa hitsura niya sa mga sandaling iyon ay hindi niya magawang hamigin agad ang sarili. "P-pero hindi sinasabi sa akin ni tita na magpapakasal ka na? Ni hindi nga niya nabanggit na may girlfriend ka."

"What did she say?" nakangiting tanong ni Sophie kay Julian na kahit nakangiti ay naktia niya ang panic sa mga mata. Nagpaalam ito sa fiancée na mag-uusap lang sila sandali. Pagkatapos ay hinatak siya nito patungo sa living room.

"Hindi pa alam nila mama na may fiancée na ako," amin ni Julian.

"Pero bakit?" kunot noong tanong ni Almira.

Bachelor's Pad series book 7: MARRIED TO MR. FAMOUS (Brad Madrigal)Where stories live. Discover now