CHAPTER 17

2.5K 53 4
                                    

C H A P T E R  17

IT's been five months ng hindi pa siya nakabisita sa kaniyang mga magulang, but for her it's like almost years. She really love her parents, really!

Nang makababa na sila sa eroplano ay kaagad niyang naamoy ang sariwang hangin ng Spain. Medyo may kalamigan na rin ang panahon dahil palapit na ang November.

"May magsusundo raw sa atin sa labas, halika na" kinuha na niya ang kanyang maleta ngunit natigil ng bigla itong hablutin ni Jack.

"Bak--"

"Ako na. Baka mabali naman yang buto mo"

Aba, walang hiya talaga!

Nagdabog akong naglakad at nauna na rito. Bahala siya jan, maligaw sana siya. Baka gusto niyang iwanan ko siya rito.

Nakita ko kaagad ang banner na Welcome Home Noshka Brandt. May mga tao ring kinukuhanan ako ng picture na hindi ko naman kailangang pigilan.

Sanay na ako. Ang apelyidong Brandt ay talagang famous sa bansang ito kaysa sa Pilipinas.

Ngumiti ako sa driver at kaagad na pumasok sa limousine.

"Drive home. Go!"

"But Maam..."

"Just go on."

Kaagad namang sinunod ng driver ang sabi ko at mabilis na pinaandar ang kotse, lumingon ako sa likuran at nakita si Jack na nakatingin lang. Binelatan ko siya.

Bahala siya, tiyak na maliligaw yan rito sa Spain. Hindi niya alam ang pasikot-sikot rito lalo na ang bahay ko.

Natawa ako at kitang-kita ko ang pagkalukot ng mukha ng driver pero hindi ko iyon pinansin at tumawa ng tahimik habang naalala ang mukha ni Jack.

Napag-iwanan nga talaga.

Tiningnan ko ang driver "Are you the new driver of my Papa?"

He nodded "Yes maam."

"Wait..." she realized something "Are you the son of Nielo?"

Ngumiti ang binata at tumango.

"I knew it! Kaya pala pamilyar ka..." she stopped. Hindi naintindihan ng driver ang sinabi niya. "Oh, sorry. That's why you were so familiar because you are the son of Lolo Nielo who work for almost 10 years for us."

Kumunot ang kanyang noo ng tumawa ito. Why is he laughing? May nasabi ba akong nakakatawa? Baliw yata ito.

"Hey, why are you laughing?"

Saglit itong lumingon sa akin "Nakakatawa ka kasi..."

She gasped "Nagtatagalog ka? Walanghiya ka, nagmukha tuloy akong tanga!"

Naging komportable siya sa driver kahit ngayon niya palang nakilala. 

"Wala naman akong sinabi na mag-english ka at pagbawalan ka magtagalog. Baka nakakalimutan na Pilipino si Tatay at Spanish naman si Nanay. Nakuha ko lang ang genes ni Nanay kaya nagmukha talaga akong foreigner pero nakakaintindi ako ng tagalog at nagsasalita pa!"

"Yabang..." she whispered.

"I heard it."

"Magdrive ka na nga lang. Dalian mo, baka maabutan ako nung kasama ko."

Naging seryoso ang mukha nito "Oo nga pala, may kasama ka kanina. Bakit mo iniwan? May LQ ba kayo?"

LQ? Hindi naman eh, nagtampo lang talaga siya sa sinabi ni Jack sa kanya. Hindi naman siya mapayat at kayang-kaya pa niya magbuhat ng 2 sako ng bigas.

"Oh, bakit magkasalubong yang kilay mo? May ibang babae ba?"

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko siya boyfriend!" saad niya.

He raised his eyebrows "Oh really? But you look so good at each other. Kung hindi mo siya boyfriend, edi friend mo lang?"

Natigil siya at tahimik na tumango.

"Yes may chance pa ako.."

"Huh?"

"Wala. Magpahinga na lang ho kayo riyan, Ms. Noshka"

May ibinulong talaga siya pero hindi niya narinig dahil sa malakas na ingay ng busina na kakadaan palang.

Tumahimik na lang siya at iniisip si Jack.

Nasaan na kaya iyon? Baka bumalik ulit iyon, hindi naman niya alam ang bahay ko at ang mga daanan rito. This country is so big to explore!

Kalahating oras at sabik na sabik na siyang lumabas ng kotse ng makita ang Villa Francia kung saan nakatira ang kanyang mga magulang.

Hindi pa rin nagbabago. Sobrang lawak at linis ng lugar na iyon na masarap pagtambayan at kuhanan ng madaming larawan.

"Nandito na ho tayo Ms. Noshka"

Mabilis siyang lumabas ng kotse at malawak na napangiti habang tinitingnan ang kabuuan ng kanilang bahay. Nothing has changed, still the same.

Nauna na siyang naglakad habang sinusundan naman siya ng anak ni Lolo Nielo.

Di ko alam ang pangalan niya at wala akong balak na alamin. Hindi ako interesado.

Gwapo nga siya pero mas gwapo pa rin si Jack! pagmamayabang ng kanyang isip.

"Maam Noshka!"

Lumingon siya sa kanan ng may tumawag sa kanya na kanyang ikinangiti "Nanay Asha!"

Mabilis niya itont nilapitan at binigyan ng sobrang higpit na yakap. She missed her. Her second mother. Her yaya since she was 2 years old.

"Ang laki-laki mo na anak, at mas lalo kang gumanda! Manang-mana ka sa mama mo!"

She laugh "Nako nay, nambola pa kayo. Kayo rin po ah! Mas lalo kang bumublooming!"

Nagtawanan lang sila at sinabayan na rin siya ng kanyang yaya na pumasok sa bahay.

"Siguradong masusupresa ang mama't papa mo!" tumango lang siya at binuksan na ang pinto.

Nakita kaagad niya ang kanyang ina na kumakain sa sala habang nanonood ng TV at nakataas pa ang dalawang paa sa maliit na mesa.

Well...That's my mom!

"Madam!" tawag sa kanya ni Nanay Asha.

Mabilis itong lumingon at nabitawan ang kanyang kinakain na mansanas at kaagad na tumakbo palapit sa akin.

"Ma! Don't run! Mapaano pa yang kapatid ko sa tiyan niyo eh!"

Hindi ito nakinig sa akin at mahigpit akong niyakap na kaagad kong sinuklian ng mahigpit na yakap. I miss her so much.

"My princess, what comes you here? Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka rito?" hinaplos nito ang kanyang buhok na talagang paboritong gawain sa kanya ng ina.

"Ma, surprise nga kasi! Tsaka namiss ko lang kayo! Oo nga pala, Where's Papa?"

"Wala siya rito eh, mamayang gabi pa ang uwi nun. Sobrang busy niya sa trabaho ngayong linggo..." malungkot na saad ng kanyang ina "Siguradong magugulat rin iyon na bumisita ka rito! Kumain ka na ba?"

Niyakap niya patagilid ang kanyang ina at pumunta sa kusina "Ma...Alam mo na"

Ngumiti lang siya rito at kinurot ng kanyang ina ang pisngi niya "Oo na. Ipagluluto ko na ang paborito mong kare-kare!"

"Yehey!" nagtatalon-talon pa siya at uupo na sana ng biglang tumunog ang doorbell.

"Ako na ma..."

Pumunta siya sa pintuan at babatiin sana ang bisita pero napawi ang kanyang ngiti ng may bwisita siyang nakita.

What the hell! Papaano niya ako nasundan?

Kidnapping Noshka (Burning Touch Series 4) ✔Where stories live. Discover now