"Tang ina mo! Papatayin na kita!"

"Thaddeus!" Pagbabawal ni Tita Gina.

"Palagi mo na lang kinakampihan iyan, Gina!"

"Kasi taong humaharap iyong bata sa atin. Ikaw naman. Just be civil!"

Ngumiti lang ako sa mag-asawa. Mayamaya ay napansin kong pababa nang hagdan ang mag-iina ko. Naka-uniform na iyong dalawa. Si Aswell naman ay nakabihis nang pang-office niya.

"Ma, okay na sila. Darating iyong school bus ng 7:30. Naayos ko na iyong baon nila kaninang umaga. May PTCA sila mamaya, si Japet na lang po iyong pupunta. Okay na sila. Kakain na lang ng breakfast."


"Kumain ka na rin." Wika ni Uncle Ido.

"Hindi na po, Tay, sa office na lang. Male-late ako, may client call kasi ako. Bye po."

"Ihahatid na kita." Anunsyo ko. Napatingil si Aswell at tiningnan ako tapos ay umiling siya.

"Nandyan na iyong grab driver ko. Sorry talaga , Japet." Wika niya sa akin at saka umalis. Pinanood ko siyang halos lumakad- takbo siya papunta sa taxi na naghihintay sa kanya. Nakuyom ko ang palad ko. I have a feeling that her sorry is more than what it should mean.

Nagpaalam na rin ako kay Tita Gina at sa mga bata. Si Uncle Ido naman ay inirapan lang ako. Nang tumalikod ako ay narinig ko siyang nagsabi kay Tita Gina.

"Kinausap mo na bai yang si Aswell? Bakit nagtatrabaho pa rin siya wala namang kinapupuntahan iyang pag-uwi – uwi niya ng gabi."

Gusto kong sabihin na hindi ganoon iyon, gusto kong sabihin sa kanya na nag-aaral si Aswell kaya wala na siyang panahong umuwi nang maaga. Na si Aswell ay deans lister at ilang beses na siyang umakayat sa stage para sa recognition day pero hindi ko masabi dahil hindi ako si Aswell at wala ako sa lugar na sabihin iyon kay Uncle Ido.

Awa- awa na ako sa kanya. Kitang – kita ko iyong pagod niya. Madalas maikwento sa akin ni Caspian na nakikita niya palagi ang Mama niyang halos umagahin na sa pag-aaral. Alam kong gusto niyang maging doctor, alam kong napakaraming gustong abutin ni Aswell at kung ako lang, kayang – kaya ko siyang suportahan. Gusto ko na siyang iuwi sa bahay, gusto kong mag-aral lang siya. Pwede naman kasi, kaya lang palagi niyang sinasabi na hindi pa siya handa, na hindi pwede.

Umuwi ako sa bahay. The only reason why I am still living with my parents is because of my children. Alam ko kasing hindi papayag si Uncle Ido na ilabas ng village na ito ang mga bata. Ang hirap, anak ko pero hindi ko mahawakan.

Asawa ko pero hindi ko makasama.

Oo, asawa ko, may mga anak kami, kulang na lang kasal. And there was a point in our life na handa akong pakasalan siya, na dapat sana magpo-propose ako, pero ayaw ni Aswell. Hindi pwede.

Tang ina, palaging hindi pwede.

Kagabi, nagsabi siyang pagod na siya. Naiintindihan ko siya. Nakikita ko naman ang lahat ng hirap niya -na hindi naman niya dapat nararanasan. I've told her already that I can and I will provide for her. May mga negosyo ako – at lahat iyon legal. I own a chain of bars and restaurants in the Metro at sa mga karatig probinsya. Next year, bubuksan na iyong resort ko sa Mariveles, Bataan.

Nagsisikap ako para sa mga anak ko, para kay Aswell, pero para bang hindi pa iyon sapat.


"Ang lalim naman ng buntong hininga mo." Nakangiting bumungad sa akin si Mommy. Hindi pa ako pumasok sa bahay, nasa may porch lang ako at nag-iisip. "Anong problema, anak?"

"Si Aswell, Mom."

"At bakit naman?"


"Ayaw niya pa ring sumama sa akin." Malungkot na wika ko.

CrazierWhere stories live. Discover now