Mabilis na lumipas ang oras. Hindi ko nakita si Callah, hindi siya pumasok sa last subject namin.

Binuksan ko ang phone ko and the fuck? Ang daming miss calls, text galing kay Willie, Callah, Andrea, Resha and Gyrone?

Talaga bang tinawagan niya ako? Weeeeeh? Di nga? Baka pinagloloko lang ako nito ng cellphone.

Biglang nag ring ang phone ko ukit at lumabas ang pangalan niya. Napalunok ako dahil dito. Sinagot ko.

"H-Hello?" Nanginginig kong wika.

"Where the hell are you, woman?!" Galit na galit niyang wika.

"S-Sa school."

"Wait me there, don't go anywhere." And he hang up.

Susunduin niya ako? Wait, baka magalit si Denise. Baka naman kasama niya. Ano ito? Magiging third-wheel pa ang peg ko sa kanilang dalawa? Kapal!

Agad na pumarada sa akin ang kotse ni Gyrone. Bumaba ito at hinila ako papunta sa kotse niya. Binuksan niya ito at pinapasok ako. Nakakatakot ang kaniyang mukha, galit at seryoso.

Tahimik lang kami sa kotse. Seryos siyang nakatinginsa kalsada, seryosong nagmamaneho. Wala akong ginawa kundi manahimik at mapayuko. Nakarating kami sa bahay, hindi na niya pa ako nilingon at dumiretso ka agad sa kwarto niya. Gusto ko sanang huminga ng tawad pero paano? Mailap ang isang iyon.

Sinalubong ka agad ako ni nanay.

"Nako'ng bata ka! Saan ka ba nagpunta at kami'y alalang alala sa iyo." bungad sa akin ng matanda nang ako ay makau-uwi. Napayuko ako at hindi makatingin sa matanda.

"Sorry po nay, nakatulog lang po ako sa library hindi ko napansin ang cellphone ko, nakasilent po kasi dapat ang cellphone kaya hindi ko po napansin."

"Naku, sa susunod huwag mo na kaming paalalahin ng ganito, nag aalala kami sa iyo."

"Opo, sorry po ulit. Una na po ako sa kwarto."

"Sige, magpahinga ka na." Akmang aalis ako nang tinawag ko ulit si nanay.

"Ah, nga pala nay, sino po pala ang nag sabi sainyo?"

"Kay Gyrone ko na laman tinawagan daw siya ni Resha kung nandito ka ba daw."

"Si Resha po?"

"Oo at sa kaibigan mo na si Callah ba iyon?"

"Ah, sige po una na po ako tatawagan ko pa po si Resha at Callah. Good night po nay."

"Good night rin sa iyo hija. Maligo ka at mag-ayos."

"Opo."


Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong naligo at nag ayos sa sarili, chinarge ko muna ang aking phone. Pagkatapos kong i-blower ang buhok ko ay una kong tinawagan si Callah.

"Cal,"

"Niana? Oh my gosh! Saan ka ba pumunta? Halos mag wala na ako makita ka lang tapos nabalitaan ko na kang kay Resha nakauwi ka na sabi ng kapatid niya na si Calix."

"Sorry, Cal. Puyat kasi ako kagabi kaya naisipan kong bumawi ng tulog hindi ko alam na ganoon pala ka-haba ang tulog ko."

"Tss, dapat kasi sinabi mo kaagad alam mong ang OA ni Resha, tinawagan ako kung saan ka kaya naisip ko baka nakipagtanan ka doon sa lagi mong ka-text." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nalaman niya? Hindi, sabi niya sa ka-text ko hindi si Gyrone.

Safe ako.

"Huh?! Wala iyon si Andrea lang iyon. Nangungulit."

"Wala ka ba talagang jowa diyan na itinatago sa amin, Niana?"

Eight Letters (CS #1)Where stories live. Discover now