11

12.8K 526 61
                                    

11

I couldn't take it.

I felt like the air escaped my lungs. A bile was forming on my throat and no matter how much I drink from my glass, I just couldn't get rid of it. I was on the verge of crying in front of him, and I didn't want to let that happen.

I excused myself, grabbed my purse, and immediately exited the club. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko. Hinayaan kong lumabas lahat nang ito. Naghanap ako ng madilim at tahimik na lugar at doon ko niluha lahat. Kasalanan ko naman lahat nang 'to, 'di ba? Kasalanan ko kung bakit andito ako. Kung bakit hindi ako makaalis sa lugar na 'to.

***

Hinawakan ni Shed ang kamay ko ng mahigpit habang binabasa sa kanila ang kontrata. Finally, their hardwork has paid off. Finally, nakilala na rin sila.

"So, what do you think?" Sabi ng representative ng Red Records. "The terms are good?"

I can feel the tension. Alam kong sobrang saya nila ngayon, hindi lang nila nilalabas. Alam kong ito na ang pangarap ni Shed. Alam kong unti-unti na nila 'to naaabot.

Pagkatapos ng napakaraming gigs, pagkatapos ng napakaraming views, at nang makatatag sila ng fanbase, sa wakas ay narito na kami. I feel like I'm now a part of them, wala akong pinalagpas na gig nila, lahat ng iyon ay saksi ako.

So I know that they truly deserve this.

Nagtinginan sila sa isa't isa, and I am so proud with these guys. I am so proud of what they've become, and what they're about to achieve.

"Yes, Sir," Si Miguel ang sumagot in behalf of the band.

"Good!" Ngumiti ito at inabot ang mga kopya ng kontrata sa kanila.

Isa isa nila iyon pinirmahan. Nang makalabas kami at sa wakas ay nakasakay na sa sasakyan ni Shed, napabuntong hininga siya. I held his hand once more.

"Congratulations," I said finally.

"Damn, bro," Humawak si Migs sa kanyang dibdib. "Is this really happening?!"

Tiningnan ko siya mula sa passenger's seat. "You all deserve this. Ang dami niyong ipinundar sa banda and it's about time someone recognize that."

Ngumisi siya sa akin. "And the award to the most supportive girlfriend..."

Humalakhak sila. The tension started going down. Tiningnan ko si Shed at nakatitig lang siya sakin pabalik. Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa batok and kissed me there. A quick kiss.

"Ew, bro!" Pagbibiro ni Kurt sa likod.

And I knew he was delighted.

***

"Happy Anniversary!" Ngumiti sa akin si Shed at niyakap ako mula sa likod.

"Happy Anniversary," I greeted back and turned to face him. "Ang aga mo naman ngayon?"

"Syempre, priorities," He kissed me on the tip of my nose. "What are you cooking?"

"Carbonara, your favorite." Binalik ko ang tingin ko sa niluluto kong sauce. "Doon ka na muna, tatapusin ko lang 'to tapos kakain na tayo."

He kissed me on the cheeks at pinatong ang kanyang ulo sa balikat ko. Niyakap niya ako sa tyan at hinahalik halikan ang leeg ko.

"Ano ba, hindi pa ako naliligo," Natawa ako.

"Gusto kong masanay sa amoy mo. Amoy Thea." He laughed and kissed my neck once more.

Umiling ako habang tumatawa. "Sige na, magpahinga ka na muna doon."

SerendipityWhere stories live. Discover now