Long Distance Relationships

23 0 0
                                        

"If the only place where I could see you was in my dreams, I'd sleep forever." 

 Ano nga ba ang meron sa isang long distance relationship? Syempre hindi pedeng wala yung dalwang taong nasa magka-layong lugar pero nagmamahalan, anjan din yung love.. syempre at hinding hindi mawawala, ang always present.. PROBLEMS.

Anong role ng problems jan? Aba syempre, ang manira ng relasyon. XD Ang mga common na problems ng mga nagpapakatatag sa isang long distance relationship ay ang COMMUNICATION, LACK OF TRUST, TIME, MISUNDERSTANDING at TEMPTATIONS.

1. COMMUNICATION

Well, mahirap nga naman yung minsan nalang kayo magkita o minsan nga, hindi pa kayo nagkikita, tapos hindi pa din kayo nagkakausap o nagkakatext man lang. Aba magalimutan na kung ganun. -_- Pero joke lang yun.

Kung international yan, understandable pa. Kasi syempre, magkaiba kayo ng time zone at pahero naman kayong may mga buhay, kaya ok lang kung minsan pa sa minsan kayo magkausap pero syempre, dapat always present yan.

Eh yung local? Tsk. 'Matik na dapat yan eh. Yung pag may free time ka para magtext man lang ng kahit isang message, ITEXT MO! Lalo na pag umaga? Minsan kasi, isa yan sa mga bagay na makakabuo sa araw ng partner mo. Yung simpleng "Good morning. Take care pretty/handsome. ;) Iloveyou. <3" Nako swear, good mood na yan maghapon. Iba kasi yung dating ng ganun dahil malalaman nya na kahit magkalayo kayo, pinipilit mong isara yung gap between you and her/him. Diba? :) Tsaka pag gabi, bago kayo matulog, itext mo lang ng "Good night. Dream of me tonight. ;)" Diba? XD Para malaman nya na bago kayo matulog, naaalala mo pa din sya. Ok na yung solid at hindi pumapalyang sweet texts tuwing umaga at gabi para laging alam ng partner mo na naiisip ka din nya agad (bukod kay God) paggising nya sa umaga at bago sya matulog sa gabi. 

Communication is important. Hindi dapat yan nawawala sa isang long distance relationship, dahil pag nawala yan, as in yung mga 3 days straight kayong di nagkakausap, aminin mo man o hindi, nanlalamig ka at mafi-feel mo na parang neglected ka na nya. At syempre, pag hindi kana nya gaanong tinetext o tinatawagan, papasok jan yung masyadong pag-aalala, pagdududa at pagkukulang nyo sa isa't isa. Kaya minsan, ang tendency ay hanapin nyo sa iba yung pagkukulang ng partner nyo, per kung ganun kayo katatag, andun kayo sa isang gilid ng kwarto nyo, kung di nagmumukmok.. naglalaslas. XD JOKE LANG! Syempre, mag-aantay ka ng text nya. Bawat tunog/vibrate ng phone mo, hinihiling mong sya sana, tapos sobrang disappointed ka pag hindi. 

Hindi ba? :3

2. LACK OF TRUST

Kanina, sinabi ko sa communication na dapat always present yun. Pero hindi porke't sinabing dapat "ALWAYS PRESENT" ay kailangan maya't maya kayo magkatext o magkausap. Aba, may kanya kanyang buhay din kayo no. Nag-aaral ka, or nagtatrabaho, at ganun din sya. Pagdating sa trsut, may mga taong sobrang kulang sa ganyang pagdating sa partner nila. Yung tipong, hindi lang agad makareply ng 1 oras, iisipin, may iba na agad katext o kausap. Or pag magkausap kayo sa phone tapos may maririnig kang sumisingit singit sa background, iisipin mo agad, may ibang kasama.. KABET! MGA TAKSIL! 

....

Ang OA diba? XD Pag anjan lagi yung pagdududa mo sa partner mo o anjan lagi yung pagdududa sayo ng partner mo, MAGHIWALAY NA KAYO! XD Suggestion lang naman yun. kasi kung wala kang trust sa partner mo, hindi ka pedeng pumasok sa isang long distance relationship dahil pareho lang kayong mahihirapan, mabubwisit pa sya dahil sobra kang magduda at maghinala. At syempre, pareho lang yun kung sya ang laging nagdududa sayo. Kung wala syang trsut sayo, bakit ka pa nya ginawang partner? Pag papasok sa isang commitment, long distance man yan o hindi, ALWAYS PRESENT DAPAT SI TRUST. Pag wala si trust, walang mangyayari sainyo dahil puro doubt ang papasok sa isip nyo. At ang tendency nyang pag nainis kayo sa isa't isa, yung mga doubts nyo sa isa't isa, magkakatotoo. :P

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Boggling Things My Mind Thinks :3Where stories live. Discover now