Prologue

12 1 0
                                        






People come and go.

Every single person in our lives is bound to leave us one day. Sometimes, there will be reasons, madalas kahit wala. Minsan naman meron, pero pinagkait sa'yong ipaalam.

No one is an exemption to this reality, no matter how valuable the person is.. they'll just all pass by and lead us happiness, make us believe that it is innate in this world then eventually leave us in whatever reason they have.

Kaya hindi ko kailanman maintindihan, kung bakit kailangan pa tayong makakilala at mapalapit sa mga taong hindi rin naman kayang manatili pang-habang buhay.


The very first experience that slapped me this realization is when my very own mother left us. Hanggang ngayon malinaw parin sa'king alala no'ng gabing yo'n, kung paano ako nagpumilit na sumama na lang sa kanya. Kung paano sila nagtatalo ni Papa sa di ko maintindihang dahilan, habang yakap yakap ko ang kapatid na si Samantha at inaawat ito sa paghagulgol.

Hindi na bago sa'kin ito, madalas naman talaga silang magtalo. Minsan tinatago nila sa amin pero siguro talaga lamang matindi ang naging away nila ngayon para kahit sa harap namen ng kapatid ko'y magkagulo sila ng ganito.

Nang aamba na ng alis si Mama habang dala ang kanyang maleta ay sinulyapan ko ang aking Ama, sa isip ko ay gusto ko na awatin niya si Mama sa pag alis, pero wala.. wala akong narinig ni isang salita galing sa kanya.

"Ma, Saan ka po pupunta? Sama na lang kame nila Papa."

"Walang sasama sa kanya Agatha! Umakyat kayo ni Sam sa kwarto anak, Amalia kunin mo ang mga bata!" sigaw ni Papa.

Hindi ako nakinig, bumitaw ako sa pag akap kay Sam at tumakbo upang agapan ang pag hakbang ni Mama palabas ng bahay.

"Ma, will you wait us up? I will just pack my clothes, please?" Sabay akap ko sa kanan niyang paa.

Noong panahong yo'n, wala akong ka alam-alam pa na di lang siya basta aalis. Pero kahit gano'n, ayaw ko parin na umalis siya. Kahit pa sabihin niya sakin na babalik din siya bukas o sa makalawa.

Maaring noong panahon na yun malakas na din siguro ang kutob ko na yun na ang huli nameng pagkikita.

"Agatha anak, makinig ka sa'kin kahit ngayon lang. Please, umakyat na kayo ng kapatid mo sa kwarto." malumanay na ngayon ngunit may diin parin na atas ni Papa.

Kitang kita ko sa mata niya pano siya nagtitimpi. Natakot na ako dahil bihira naman niya ako kausapin sa gano'ng tono.

Unti unti ko inangat ang tingin ko sa Ina, umaasa pa'rin na baka magbago ang isip niya sa pag alis. Ngunit bigong bigo ako ng alisin niya ang mga kamay kong akap ang binti niya't tuluyan ng tumakbo palabas.




"Happy Birthday Ate A!!" malakas na bati ng kapatid ko habang hawak sa kanyang mga kamay ang paborito kong Red Velvet cake.

Pababa ako ngayon ng hagdan, bagong ligo at handa na sa pag pasok. Ala una pa naman ang klase, kaya di ako nag abala mag ayos ng maaga.

Nasa likuran ngayon ng kapatid ko ang mga kasambahay at sa kabisera ng mesa naman ay naroon si Papa na malaki ang ngiti at aamba na ng tayo upang lumapit din sa'kin.

"Happy 17th Birthday Agatha Loreine!" Aniya, habang hawak sa kamay ang isang maliit na box na alam ko'y ang regalo nya sakin.

"Open it up, I'm very sure you'll like it."

"Go Ate! I'm excited!" maarteng sambit ni Samantha habang humahagikhik sa'king tabi na kala mo'y siya ang binigyan ng regalo.

Humalik muna ako sa pisngi ni Papa sabay ngiti saka binuksan ang box na inabot niya.

Laking gulat ko ng makita na ang laman nito ay Car Key na may tatak ng alam kong may kamahalang sasakyan. Napa nganga pa ako saglit dahil sa gulat. Hindi ako pala hingi ng kahit ano, kaya talagang nabigla ako, lalo na't wala pa naman ako sa tamang edad talaga upang mag drive.

"O M G! Ate Agatha!! You're now going to drive us at school?!" napasinghap ako sa sigaw ni Sam, nang magsalita rin si Papa.

"No princess, your Ate still needs to learn how to drive. Yes, I gave her a car.. but your Kuya Lando will still drive for now."

"Ay, so what is the sense of having a car pa Papa? If Ate A can't still drive it naman pala? Thought we can drive somewhere pa naman, you know.. just us two!"

"Hija, you know your Ate is still a minor. She can't still drive around without a license. I gave your Ate a car just so she can have her own. She can drive it eventually, kapag panatag na si Papa na kaya niya na at syempre' when she turns 18!" aniya ni Papa at muling tumawa.

"Thank you Pa, but don't you think this is too much? I just turned 17. I can't drive yet.. and besides, we can still use our van." sambit ko matapos ko siyang yakapin.

"Hay Ate! you're such an old fashioned teen in distress!" sabay irap pa ng kapatid ko.

"Ha Ha Ha! Okay lang 'yan anak. Bawi ko na lang din sa 'yo."

Bawi. So that's it! A brand new Audi for a birthday gift to his 17 year old daughter is just nothing! Kumpara nga naman sa mga hindi niya naibigay.

Kung tutuusin, kahit dalawahin pa nya ang kotse na ibinigay nya, tingin ko'y kulang parin.


I was just 8 years old back then, when my Mama left. I thought at that moment that I just lost a parent, but I was wrong. My Papa left us too. He left me and Sam at our home with just the maids and driver, the very next day my mother left.

Wala akong naging balita sa kanya, ni ang mga kamag anak namin na napag tanungan ay wala ring alam. Marahil alam nila, ngunit ipinagkait nila sa'king ipaalam.

Hanggang lumipas ang dalawang buwan. I saw my Dad entering the doors of our home with someone I didn't expect will be the reason of my second heart break.

Holding my father's hand, I saw the ever beautiful Patrice Peralta.

I remembered her as my favorite Auntie. She's the youngest among my mother's sibling. I knew that she's caring and loving to me and to Sam back then. I adore her so much because she's pretty, and as a child I once wanted to be like her.

At first, I neglected some unacceptable thoughts in my mind and pour it with lighter ones, I wonder why Tita Patrice is here? Maybe my Papa saw her while heading home and let her visit us for some catching up. Or maybe she just really wanted to visit me 'cause I'm her favorite niece!

My father is now on his knees then suddenly hugged me. I heard him sob a bit. So I pouted and think deeply, then my mind subtly confirmed the first thought I had. The pain crashes through me and then I also cried.

Batang isip pa lang ang mayroon ako noon, pero parang alam na alam na ng puso ko kung anong meron. Ang sakit, sobrang sakit. Kaya hinayaan ko nalang din ang sarili kong umiyak ng umiyak.


Wala akong nagawa kundi tanggapin nalang kung ano mang ibigay niya. Wala na din naman akong paki. Para sa'kin lahat ng ibigay niya ay suhol lamang upang pagtakpan lahat lahat ng sakit at maging sa mga pagkukulang niya samin.

"Anything for you Hija! Anyway, I'll go now. Your Tita Patrice and your sister is waiting for me. We need to accompany Pamela to a party. I just waited for you to woke up so I can greet you personally." sambit niya at sa huli ay ngumit't tuluyan ng umalis.

"Sister who? As if I have a sister other than you Ate A! Tss." si Samantha, pagkatapos ay iniwan ako sa dining area at umakyat na sa kanyang kwarto.

Napailing na lamanag ako. Sa usaping ito, alam kong parehas lang kami ni Sam ng disposisyon. Yun nga lang, mas nakakaya niyang magsalita. Hindi gaya ko na sinasaloob lang lahat ng sakit.

StayStories to obsess over. Discover now