Ang Demon Child

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong nangyayari!" gulat na sabi ni Drake dahil umilaw sya nang itim na may shade nang pula.

"Ibinibigay ko sa'yo ang isang barrier na kayang harangan ang ano mang bagay na tatama rito" sabi nang tagapagbantay bago umilaw si Drake.

"Sala..." di na natapos ni Drake ang sasabihin dahil nawala na ang tagapagbantay.

"Sunod ang Yore" sabi nito pagkalabas nya sa Zircon at tumapat sa pinto nito.

"Bumukas din?" sabi ni Drake nang subukan nya itong buksan.

"Tuloy ka" narinig nyang sabi nang isang boses.

Ang loob ay simple lang, meron lang itong malaking hourglass sa gitna at naka-dapo sa taas nito ang nilalang na may katawan nang tao at ulo, pakpak, kamay at paa nang agila.

"Mukhang di nga nila nagawa ang sinabi nang dating tagapagmana" sabi nang tagapagbantay, na nakatingin sa itim at pulang ilaw kay Drake.

"Anong ibig mong sabihin?" naguluhang sabi ni Drake.

"Hindi pa ito ang tamang oras, ibinibigay ko sa'yo ang kakayahang maka-punta agad sa ano mang lugar na naisin mo" sabi nang tagapagbantay bago sya nawala.

"Teka lang" habol ni Drake pero hindi na bumalik ang bantay.

Sinunod nya ang Xeno, ang loob nang kwarto ay gawa sa bakal.

"Ibinibigay ko sa'yo ang kakayahang gawing bakal ang iyong lamang loob, para proteksyunan ito sa ano mang pinsala" sabi nang nilalang na may katawan nang tao at ulo, kamay at paa nang toro.

"Kasama rito ang..." sabi nang tagapagbantay kaso tumigil ito at nawala.

"Ano kayo yon?" nagtatakang sabi ni Drake.

Sunod ang Weald, ang loob nang kwarto ay puno nang halaman at mga puno.

"Bakit parang mali yata ang suot mong cloak?" tanong nang isang nilalang na gawa sa bato at napapalibutan nang halaman at mga sanga nang puno.

"Bakit?" tanong ni Drake na muling naguluhan.

"Ibinibigay ko sayo ang kakayahang palaguin ang mga halaman at..." sabi nang tagapagbantay na napatigil.

"At?" tanong ni Drake.

"Mabuti pa sya na ang magsabi nang isa pa" sabi nang tagapagbantay bago ito nawala.

"Teka lang, sinong sya?" habol ni Drake kaso wala na yung tagapagbantay.

"Ang Vestige, di pa daw ito nagbibigay o bumubukas man lang sa kahit kanino" sabi ni Drake na tumapat sa pinto nang elemento nang anino.

"Nabuksan ko!?" masaya at gulat na sabi nito bago tuluyang binuksan ang pinto.

Ang loob nang kwarto ay may liwanag na nakakasilaw.

"Sa wakas, may dumating narin na karapat dapat" sabi nang isang boses kasabay nang paglabas nang itim at pulang ilaw kay Drake.

"Karapat dapat?" tanong ni Drake na nakatakip ang braso sa kanyang mata.

"Ibinibigay ko sa'yo ang buong kakayahan nang Vestige" sabi nang boses.

"Buong ka..." din na natapos ni Drake ang sasabihin dahil bigla syang nanghina at napaluhod.

"Bilang Mimic ikaw ngayon ay kayang kontrolin ang anino, kaya mong gawin itong sandata o maging anino, kaya mo ring gayahin ang eksaktong galaw at kakayahan nang sino mang nakita mo maging ang isang tagapagmana" sabi nang boses.

"Hawak mo rin ako ang tagapagbantay nang Vestige, kapag ginamit mo ako bilang monster form ay makakaya mong gayahin ang ano mang monster form nang ibang elemento kasama na ang mga espesyal na kakayahan nito" dagdag nang boses bago naging normal ang ilaw.

Elemental Warriors (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon