Magsisimula ang kwento sa isang terminal ng bus sa Cubao. Maingay ang paligid, mainit at maalinsangan dala ng init ng panahon. Marami ang nakapila na bumibili ng ticket, mayroong nais magpunta sa mga beach gaya ng Boracay at Hundred Islands. Meron din namang mga luluwas ng probinsya upang makalaya panandalian sa nakakalupaypay katawan na trabaho sa kamaynilaan.
Isa si Joseph Abolerda sa mga nakapila sa terminal. Inip na inip na ito dala ng kanina pa ito nakapila.
“kuya ano ba antagal niyo naman ho magbenta ng ticket eh kanina pa kaming mga nakapila rito!” reklamo nito.
Pinagtinginan ng maraming tao. Ang iba ay natawa samantalang karamihan ay nakisimpatya sa kanya pagkat kanina pa riin nakapila.
Maya-maya pa ay uupo ito at titingin sa kawalan, malalim ang isip.
Tila malaki ang pinagdadaanan. Lilipas ang mga oras na tila di nito napapansin ang ingay ng paligid at ang kwentuhan ng mga tao. Maya –maya pa ay gumalaw na ang pila sa bayaran. Halos abutin ng may isa at kalahating oras bago siya makabili ng ticket. Agad na pumanhik ito sa bus. Pumwesto ito sa bintana sa gitna ng sasakyan. Isinuot ang jacket at inilagay ang earphone sa magkabilang tenga.
“walking down \29th and park.. I saw you in another’s arms. Only a month we’ve been apart. You look happier.”
Ang kani-kanina ay mainit na panahon ay napalitan ng malalakas na kulog at kidlat kasunod ng pagpatak ng mga ulan sa bintana ng sinasakyang bus.
“nakiki-ayon ba ang panahon? hahaha grabe hay! Ansakit pa rin bakit ganun nangyari satin.” Sabay tulo ng luha.
Samantala sa labas ng bus ay nagtatakbuhan at nag uunahan ang mga tao na makasilong sa terminal. Isa rito si Louissa Mae Valdez. Maiirita ito pagkat basang-basa na ang suot na damit.
“ughh I hate life! Ang ayos-ayos ng damit ko tas mababasa lang bwiset!”
Pupuntahan nito ang counter para kuhanin ang ini-reserved na ticket.
“excuse me po ako po pala yung nagpareserved ng ticket for the trip today, September 21,2018 papuntang Baguio.” Pakilala nito.
“miss Louissa Mae Valdez? Ok po ito na po yung reserved ticket niyo for a trip to Baguio this day September 21,2018. Please enjoy and have a blessed trip mam.” Pagbigay ng ticket ng cashier.
Samantala balik sa loob ng bus. Nagsasalita at nagbibilang ang konduktor.
“59… ok isa na alng at aalis na po tayo and pasensya nap o sa mahabang paghihintay.”
Biglang aakyat si Louissa sa bus. Nagmamadali ito dahil nais ng maka-alis at basa na ang damit at katawan nito sa ulan.
“kuya ako po weyt lang!”
Agad na naghanap ng mauupuan. Wala itong makikita sa harap at likod. Tanging ang upuan lamang sa gitna ang nag iisang bakante. Agad itong uupo duon. Muling nagsalita ang kundoktor para paalalahanan ang mga pasahero ukol sa byahe at sa mga bagahe nilang dala at agad ding umalis matapos ito.
Mga saktong alas-sais ng gabi na ng maka-alis ang bus.
Nanduroon pa rin si Joseph at dinadama ang mga kanta ng Sad Song (we the kings), You’re Not Sorry (Taylor Swift) at iba pang mga kantang talagang masasabing para sa mga broken hearted. Patuloy pa rin ang pagdadrama ng binata kasabay ng malakas na buhos ng ulan. At muli ay tutulo ang luha ng binata. Maya-maya ay magugulat ito dahil sa panyong iniaabot sa kanya.
“ano toh?!” pagkagulat na sagot ng binata.
“panyo kuya umiiyak ka eh parang kanina ka pa nga mukhang lugmok na lugmok jan at pinipigil mo lang umiyak kaya eto panyo ampangit tignan kasi sa lalaki ang umiiyak.” Sabi ng babae.
