Ballpen

83 3 6
                                    

Nagmamadali akong tumakbo at halos madapa dapa na ko sa mga hagdan.

Aghh! Late na ko!

Nahulog pa ang bag ko at nagkalat ang mga nasa loob agad ko itong pinulot at dali daling pumasok sa loob ng room.

"Good morning ma'am sorry I'm late"ani ko at umupo sa aking upuan.

" Sa susunod Ms.Fernandez pag nalate ka pa ay hindi ko na papalagpasin. Are we clear?"

"Yes Ma'am"sagot ko at kinuha na ang notebook. Nang kukunin ko na ang ballen ko ay di ko to mahanap.

Bat ngayon pa sumabay!

"May extra ballpen ka ba diyan?" tanong ko sa katabi ko na umiling naman.

Nakita ko namang yung isa ko pang katabi na may dalawang ballpen. Ang isa niyang ballpen ay nakasabit sa ID.

"Oy,may extra ballpen ka ba?"tanong ko.

" Wala!"pasigaw nitong sabi. *pout*damot! hmp!

"May extra ballpen ka ba?" tananong ko sa harap.

"Wala.....Naglet go na siya...Iniwan niya na ko! pare pareho sila!" napangiwi naman ako.

"Ahmm...ballpen hindi boyfriend" ani ko.

"Ay ganon ba?" nahihiya niyang sabi at naging seryoso nanaman ang muka na para bang iiyak.

Bipolar.

"Wala. Nagtae yung isa kung ballpen. Nagletgo narin" Jusko!

"Ahy..okay" napakamot na lang ako sa ulo. Tumingin naman ako sa likod---

"Kung mag tatanong ka kung may ballpen ako. Wala. May nagnakaw eh. Di pa nakuntento sa isa. Nang agaw pa" ani niya at tumingin sa katabi niya.

Ops!

"Oh? bat nakatingin ka sakin!"

"Defensive! bakit natamaan ka ba?"

Aigooo.

Pilit nalang akong ngumiti sa likod at nang pagkaharap ko ay sumalubong sakin ang isang napakagwapong lalaki na may hawak na ballpen---ballpen ko yan ah!

"Ballpen ko yan ah!" sigaw ko at inagaw ang ballpen.

"Aray ko! ang sakit sa tenga ng sigaw mo" ani niya at hinawakan ang tenga.

"Kesa naman sayo. Nangnanakaw ng ballpen" ani ko.

"FYI. Nakita ko yang nahulog mo sa labas kanina ng papasok na ko sa room!"

Luh siya!

"Baklush ka ba?!" Tanong ko. Sayang! gwapo sana!

"No!" ani niya.

"Eh bat ganyan ka magsalita?!" nakakunot kong sabi.

"Ahy, Bakit bawal bang magsalita ng ganon ang mga lalaki? kayo lang ba ang pwedeng magsalita ng ganon?! its not fair! kayo lang ba ang pwedeng magsalita non?! porket lalaking lalaki ba bawal magsalita non?! So wala kaming freedom ganon?!" ani niya at nag roll eyes---

Whutt!

"W---"

"Oh? bawal din magkulirap ang mga lalaki?!" nakataas kilay na tanong niya. Aba!

"....." wala na kong masasabi.

"Huh!...I won!" ani niya at tatalikod na sana kaya lang bigla siyang humarap at kinuha ang ballpen sa kamay ko.

"H-hey!" ani ko.

"This is mine. Nagjojike lang ako kanina. Di talaga sayo to" sabi niya at tumalikod na.

Nang maglalakad na siya ay agad akong dumagan sa likod niya at inabot abot ang ballpen.

"What---Hey stop!!" di ako titigil. Ano akala niya sakin!

Sa sobrang likot niya ay natumba si Mr. BaklushNaHindiNamanDaw/MagnanakawNgBallpen/GwapongShokoy

...At napunta siya sa ibabaw nito.

Halos isang pagitan nalang ang layo ng kanilang mukha.

Napatingin naman siya sa mata nito....

Pababa sa ilong...

labi..

agad siya namula kaya agad niyang iniwas ang kanyang tingin.

Nang tatayo na siya ay biglang bumukas ang pinto.

Di pala nila namalayan na pinanonood na sila ng klase.

At Halos lumaki ang mata ng kakapasok lang na guro.

"Anong nangyayari?!" tanong ng guro at nagpameywang sa harap ng dalawa. Agad naman siyang tumayo namay namumulang mukha. Tumingin naman siya kay Baklang Shokoy na Magnanakaw ng ballpen. Okay nayan para short cut*wink*

Namumula siya...

Wait---Nagblublush ba siya?!

"Mr.Ferer and Ms.Fernandez! go to principal office! Now!" ani ng guro kaya naman sabay na lumabas ang dalawa ta sabay ding naglakad.

"Kasalanan mo tong shokoy ka eh! mapapagalitan tuloy ako!" ani niya.

"Bakit? masama bang magpapansin sa taong gusto mo" He---Ha?!

"H-ha?!"

"Tsk! sabi ko masama bang magpapansin sa taong gusto mo!"

"Alam ko! bat mo ko sinisigawan!!"

"Nagtatanong ka kaya!! tsaka sumigaw ka rin noh!!"

"ANO MAGSIGAWAN NALANG TAYO?!"

"AYAW KO!!....MAGMAHALAN NALANG TAYO!!" ani ng Shokoy at mabilis na naglakad palayo.

"SIGE BA! PAYAG AKO" ani niya at hinabol ang shokoy.

THE END.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BallpenWhere stories live. Discover now