Wishing on the Stars

1.9K 22 6
                                    

Bata pa lang si Julie eh inggit na inggit siya sa ate niyang si LIZZY. Noong 10 taong gulang pa lamang siya habang 15 na ang ate Lizzy niya, ay unti-unti nang napagtutuunan ng pansin ni Julie ang mga ginagamit ng ate niya gaya ng accessories, dress at make-up habang yung mga panlarong pambata ay unti-unti na niyang nakakalimutan.

Julie: Ate, ano yan? (sabay turo sa mga make-up)

Lizzy: Ah, eto? Ginagamit ito ni ate. Make-up ito. Ginagamit ito ng mga dalaga na. Why?

Julie: Pwede ba ko sa ganyan?

Lizzy: No! Bata ka pa noh! Kapag graduation mo makakagamit ka nito. Yun na ang time na dalaga ka na.

Julie: (ngumiti)

Simula nung araw na yun, hindi na siya naglalaro ng mga pambatang laro dahil sabi nga nila nagdadalaga na si Julie. Noong pumasok na si Julie sa pagiging high school, nagsusuot na rin siya ng mga hair clips at namamana na niya ang sense of style ng ate Lizzy niya.

 

Lizzy: MyGosh! Nagdadalaga ka na. At kailangan talagang fashionista ang dating?

Julie: Di naman ate. Namana ko lang kasi siya sa’yo. You’re perfect talaga ate! Nasayo na ang lahat.

Akala ni Julie laging may good taste ang ate niya pero hindi pala dahil simula nung nagdadala nang lalaki sa bahay ang ate niya, nagbago na ito at tila mas marami pang oras ito sa mga kaibigan kaysa sa kanilang pamilya.

 

Julie’s POV: Ano ba yan! Nakaka-ilang naman ang mga lalaking ito. Parang kanila ang bahay ah! Pagkapasok, pupunta ng kusina tas kukuha na lang ng mga pagkain basta-basta! Wow ah!? O kaya maglalaro ng basketball sa driveway!! Hay naku!! Kung nandito sila Mommy lagot itong si ate. Nagbago ka na talaga ate Lizzy.

Pero ang mga freshman guys na kasing edad niya lang, na nakakasama niyang makabonding tuwing may laro ng basketball kasama ang mga kaibigan niya, ay mga bata pa. Di sila katulad ng mga friends ng ate Lizzy niya na nakakapag-drive na ng sarili nilang kotse. Pero sa tuwing nandiyan ang mga friends ng ate nya ay lagi siyang pinapalabas ng bahay.

Lizzy: Julie, labas ka muna. Doon ka muna sa mga friends mo.

Julie: Huh? Ate gabi na ah. Ayoko!

Lizzy: Sige na! (hinila si Julie at pinalabas ng bahay)

Julie: Hala ate! Ayo….

Di na natuloy ang sinasabi ni Julie dahil napagsarhan na siya ng pinto. Sa tuwing nandiyan ang friends ng ate niya ay tila laging may party sa bahay nila, pinagagalitan na nga sila ng mga kapitbahay pero di pa rin sila tumitigil.

Julie: Ate!! Buksan mo ang pinto. May tao dito.

Lizzy: (binuksan ang pinto) Oh?

Julie: Ang mga kapitbahay nagagalit na oh. Ako ang pinapagalitan!

Lizzy: And so?

Julie: Ate naman eh!

Lizzy: (nilock na ulit ang pinto)

Julie: Hay! Here we go again. Di talaga makikinig sakin si ate.

 

Ilang araw nakalipas..

Julie’s POV: Hay! Ito na naman tayo. May party na naman sa bahay. May exam pa ko oh! Makakareview ba ko sa ganitong kaingay.

Wishing on the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon